Chapter 61

440 33 0
                                    

Coleen's


Nandito na ako sa hospital, I decided na after duty nalang ako dumaan sa site. I was busy here at my office and suddenly I heard a knock.


"Come in."


"Goodmorning Doc." My eyes widened, niyakap ko sya at niyakap din naman nya ako pabalik


"Ohhh napadpad ka Romero? Tagal mong di nagpakita ah?" I said


"Miss mo naman ako agad hahha ikaw talaga coconut. Naging busy lang ako sa company namin." He said at naupo sa couch ko at nakapatong pa ang paa sa table ko.


"Hoy Romero hindi to hotel ha pinapaalala ko sayo!" Bulyaw ko at tinawanan lang ako ng mokong


"Eto naman hb ka na naman coconut, pumunta ako dito kasi yayayain lang kita mag lunch my treat." Saad nya


"Kita mo namang may trabaho pa ko dito oh, saka may mga rounds pa ako." Sagot ko


"I'll wait you, don't worry. Dito na muna ako tatambay sa office mo." Sumpak said


"Bahala ka. Sige na, may rounds pa ko. Balik ako mamaya." Saad ko at ngiting ngiti naman sya


Hindi ko na hinintay na makasagot sya at lumabas na agad ako. Binabati naman ako ng mga nakakasalubong ko, ofc I greeted them back hindi naman ako snob noh.


"Hi Ut ut, where are you going?" Sambit ni ut ut ng magkasalubong kami


"I have a rounds ut ut, akala ko night duty ka pa?" Sambit ko


"Yeah night duty dapat but Jaydee and I are going somewhere later, kaya ngayon na ako pumasok." Litanya nya


"Ohh okay ut, see you around bye!" Paalam ko and she waved at me.


--


We are currently here at Vikings dahil libre naman ni romero pumayag na ako.


"Kamusta ka naman?" Bungad nya habang kumakain kami


"I'm okay. Ikaw ang kamusta? Ang tagal mo kayang di nagpakita saken." Sambit at nag pout, sanay na saken si Sumpak and tinuturing ko syang bestfriend ko.


"Paano kasi binusted mo ko kaya I need to distance myself." Seryosong sambit nya, napatingin naman ako sakanya


"HAAHHAHA joke lang coconut. Sama na naman ng tingin mo." Tumatawang sambit nya


"Pero, binusted mo man ako, I'm lucky enough to be your bestfriend coconut." He said


"Ako nga yung maswerte eh. Kasi kahit na ganon yung ginawa ko hindi ka pa din lumayo sakin." Sambit ko.

Book 1: LOVE OR CAREERWhere stories live. Discover now