Chapter 44

539 26 0
                                    

Gabb's


Nandito kami ngayon sa venue ng seminar ni Coleen at sa hindi inaasahang pagkakataon may sumulpot na daot samin ni Coleen. Sino pa? Edi yung Romero na yon Aka "Sumpak" nakakaasar talaga! Grabe pa makadikit sa baby ko! Kung hindi lang dahil kay Coleen eh, she told me na sya na ang bahala at wag na muna daw naming ipaalam.


"Coconut, hindi mo naman sinabi agad na nasiraan pala kayo. Edi sana nasundo kita diba? Nakakahiya tuloy kay Gabb." Sambit nung daot at napatingin naman sakin si Coleen


"Okay lang naman sakin. Saka hindi naman abala sakin pag dating kay Coleen." Sambit ko at nginisian sya. Nakita ko namang sumenyas si Coleen sakin na para bang magingat ako dahil baka makahalata yung manliligaw nya tss


"Ahhh ganun ba? Sa pagkakaalam ko kasi ang paalam ni Coco si frances ang kasama nya." Muling sambit at halata namang nang iinis ang mokong na to.


"Sa pagkakaalam ko din kasi pumayag naman si Coleen na ako ang sumama sakanya, and I guess gusto nya din." Sambit ko at nakita ko namang napayukom ang kamao nya.


"Ala---"Sasagot na dapat sya ng biglang hawakan ni Coleen ang kamay nya. Wow ah! Sa harap ko pa talaga


"Pwede bang tumigil na kayong dalawa? Nakakahiya dito pa kayo magbabangayan oh." Seryosong sambit nya at napatango nalang ako.


"Sorry na Coconut." Sambit ni Romero sabay pisil sa pisngi ni Coleen at nagiwas nalang ako ng tingin.


Nanahimik nalang ako at napansin ko naman na nagvibrate ang phone ko. I took my phone and si Ate Dana pala. I stood up at lumayo ng konti sa pwesto naming before I answer the call.


OTP


Me: Hello Ate?
:Saan ka na? Pauwi ka na ba?

Me: Ahhh hindi ko pa alam ate eh? Bakit ba?

:Gabb. Hindi ka ba nagbabasa ng messages?

Me: Hindi ko pa nakikita, ano ba kasi yon?

:Gabb, si Ella.

Me:Ba-bakit ate? Anong nangyari?

:Umuwi ka na dito, you'll find out what's happening.


She ended the call at kinutuban naman ako bigla sa sinabi nya. Kailangan ko ng magmadali umuwi, ayoko pa sanang iwanan si Coleen pero kailangan ko. Napatingin naman ako sa pwesto nila and she already looking at me.


"Uhm Coleen, I have to go." Bungad ko ng makalapit ako sakanila


"Ahhh bakit? May problema ba?" Tanong nya


"May emergency kasi sa bahay. Kaya kailangan ko na mauna." Sambit ko at napatango naman sya. Samantalang yung katabi nya ay tuwang tuwa.


"Okay sige. Magiingat ka Gabb." Sambit ni Coleen at bakas naman sa mukha nya ang pagka dismaya. Wag kang mag alala mahal ko, babawi ako sayo.

Book 1: LOVE OR CAREERWhere stories live. Discover now