Ella's
Lumipas ang araw, linggo, buwan at eto pa din ako patuloy na kinakaya at lumalaban sa sakit ko. Mahigit isang buwan na din kami dito sa Canada, sabi nina daddy dito mas mapapabilis ang pag recover ko. Pero bakit parang mas lumalala? Napapaisip ako bakit ako pa? Ano bang naging kasalanan ko para maranasan ko ito? Pagod na pagod na ako.
Si Gabrielle? Madalang ko na din sya makausap. Naiintindihan ko naman dahil busy sya pag peprepare para sa board nya. I miss her so much. I badly want to be with her, I want her warmth hugs, her soft kisses. I miss everything about her. Konting panahon nalang at susunod na sya dito, walang kasiguraduhan pero umaasa pa din ako sakanya. Noon, pinagpipilitan ko sya kay Coleen pero hindi ko pala kaya, kailangan ko sya. Sya ang dahilan kung bakit ako lumalaban, kung bakit gusto ko pa mabuhay.
"Anak, halika ka na sa baba. Sabay na tayo kumain." Si mommy. Ayaw kasi nila na palagi akong nandito sa kwarto mas lalo lang ako nanghihina.
Tumango naman ako at ngumiti kay mommy, inalalayan nya ako makatayo at naglakad na kami papunta sa baba.
"Mommy, where's daddy po pala?" Tanong ko habang kumakain kami.
"A-aahh ehh may inaasikaso lang sya anak. Ubusin mo na yang pagkain mo anak para makainom ka ng gamot." Saad ni mommy
"Mom, gagaling pa ba ako?" Tanong ko at bigla naman akong niyakap ni mommy
"Of course anak, gagaling ka. Basta, kailangan mo lang sundin yung payo ng doctor mo."
"Mommy, a-ayoko na po." Sambit ko habang tumutulo ang luha ko "Ay-ayoko na po mag chemo."
"No anak please. Gagawin namin lahat para gumaling ka anak." My mom said habang pinupunasan ang luha ko.
"L-lalo lang po ako nanghihina d-dahil sa chemo na yan." Saad ko
"Anak hi-hindi pwede. Advise yun nagdoctor mo." Sambit ni mommy.
"K-kailangan na po n-natin tanggapin, hi-hindi po natin alam kung hanggang kailan ako dito. Mommy, g-gusto ko po gawin l-lahat ng gusto ko ba-bago ako mawala." Pilit na sambit ko at umiiyak na din si mom.
--
Gabb's
Nandito kami ngayon sa van namin ewan ko ba dito kina Ate dana kung bakit biglaan naman tong out of town namin. Hindi kami kumpleto ngayon, si jaydee at ate abby ay susunod nalang daw dahil may inaasikaso pa sila. Si Ate sheki at Ate alice present, ganon di naman ang becka pati si Rans. Si ate brei at frances naman ay sumama din.
"Ate saan ba talaga tayo pupunta? Bakit biglaan naman ata?" Tanong ko at hinawakan naman ni Coleen ang kamay ko.
"Basta Gabo, mabuti nga ang biglaan diba natutuloy." Sagot naman nito at katabi naman nya si Ate jem
YOU ARE READING
Book 1: LOVE OR CAREER
FanfictionGabb and Ella are childhood bestfriends. Gabb has a secretly inlove at Ella she is afraid to admit because she knows that Ella is focused on fulfilling her dream. Ella is a simple woman who will do everything for her dream even though she is slowly...