Chapter 64

464 33 1
                                    

Gabb's

After we ate, nandito kami ngayon sa arcade dito kami hinila ni Coco. Para talaga kaming isang tunay na pamilya, karga ko si Nate while I'm holding coleen's hand. Siguro tama nga si Ate and Jaydee, masaya akong kasama namin si Coleen ngayon. I glanced at Nate and Coleen, they're both enjoying while playing napatingin naman sa gawi ko si Coleen and she smiled, yung ngiting abot mata.

"Dada, I want to play this one" Turo ng anak ko sa basketball

"Alright bud, let's play." Sambit ko at Binuhat ko sya, si Coleen nakasunod lang samin.

"Kaya mo ba ibeat yang score na yan Gabb? Bulok ka naman eh hahah" Pang aasar ni Coco, bulok pala ah.

"Sus kaya ko hihigitan ko pa yan eh." Pagyayabang ko "Okay sige nga, pag na beat mo may reward ka." She said

"What's my reward?" I asked "Secret, malalaman mo pag nanalo ka." Saad nya

"And what if I lose?" I asked "Edi wala kang reward hahhaha." She chuckled softly

"Luh ang daya. Ganto nalang if I win you'll grant my three wishes." Sambit ko, her eyes widened

"What? Paano pag hindi ko kaya?" She asked

"Shhh. Enough, kaya mo yun. So game?" Tanong ko, she nodded

"Okay! Buddy galingan natin ah? Kailangan natin talunin si Mommy." I said and Nate nodded and smiled

Coleen's

95 points yung kailangan nyang ibeat and nagstart na yung timer, sana hindi nya mabeat ahahaha kinakabahan kasi ako dun sa 3 wishes nya baka hindi ko magawa. Pinapanood ko lang silang mag dada habang naglalaro, halatang nag eenjoy silang dalawa. Nasa 80points na si Gabb at mahaba pa yung time kaya mas doble kaba jusko bat ba kasi ako pumayag.

"Hey..." Gabb leaned closer, and she whispered to me.

"A-ano?"

"I beat the score." She said

Napatingin ako sa score, na beat nya nga at nakangisi sya ngayon.

"Mommy we won hihi." Masayang sambit ni Nate, I smiled at him and wiped his sweat

"Paano ba yan Coco, you'll grant my wishes." She smirked.

"Ano ba kasi yun?" Tanong ko, ngumiti lang sya.

"You'll know it soon." She said, pasuspense pa naman eh

"Ewan ko sayo. Pasuspense ka pa eh!" Saad ko, tumawa lang naman sya.

--

Nagising ako at napansin ko namang wala na yung mag dada dito sa sasakyan. Iginala ko ang mata sa paligid at natanaw ko silang dalawa sa di kalayuan. Napansin ko namang nandito kami sa isang overlooking view kung saan tanaw ang city lights. It's already 9pm in the evening at madami pa ang energy ng mag dada na yun jusko.

"Hey you two." I said, napalingon naman sila

"Mommy you're awake naaa!" Bungad ng bata and immediately launched at me.

"Why didn't you wake me baby huh" I said, as I fixed his hair

"Uhmm dada told me not to, you're tired daw po."

Napatingin naman ako kay Gabb and she commanded na maupo sa tabi nya. At dahil masunurin ako ay umupo ako agad sa tabi nya at kandong naman nya si Nate.

"How's your sleep?" Gabb asked

"Hmm. Good."

"Oo nga eh sa sobrang himbing ng tulog mo natulo na laway mo hahaha" She teased at sinamaan ko naman sya ng tingin.

I glanced at Nate at halatang inaantok na. "Hey anak you should sleep na, it's getting late." Sambit ko, "Goodnight mommy, dada" He yawned at sinandal ang ulo nya sa chest ni Gabb.

"Gabb, ano bang gagawin natin dito? It's getting late na din, mahahamugan na yang bata." Saad ko

"Shhh uuwi din tayo, sandali lang. Dadalhin to muna to sa sasakyan." She said, and stood up.

Naiwan akong mag isang nakaupo dito, habang nakatingin sa maliwanag na buwan.

"Coleen..."

Napalingon ako sakanya, I smiled and she sat beside me.

"Ang ganda no?" She said, pertaining to the moon. I slowly nodded.

"You know what ---" I cut her off

"I didn't know pa hahah" I laughed

"Arghh. Let me speak first." She said in annoyance

"You once told me that I'm like a brightest stars in the sky that you've never tired at looking at me..."

I didn't spoke and remained silent, waiting for her to utter again.

"For the last six years, hindi ka nawala. Nanatili ka dito." She pointed her heart. My heart hammered, hearing those words. "Don't get me wrong, minahal ko si Ella. Mahal ko sya. Sa loob ng anim na taon naging masaya kami at mas lalong sumaya dahil binigay samin si Nate. Wala na akong mahihiling pa noong mga panahon na yon. I want to spend the rest of my life with them. But, it didn't happened. Ella left us, dun ko naramdaman kung gaano kasakit maiwan ng taong minamahal mo. Iba yung pain na yon" She shed her tears, while I'm controlling my emotions. "You know what's the painful part? She said that balikan daw kita. Yun ang huli nyang sinabi sakin bago sya tuluyang mag pahinga. She knew me well, mas iniisip nya pa din ako hanggang sa huli." I don't what to say or to react. Ramdam ko yung pagmamahal nya kay Ate Ella.

"Hey look at me..." She said, and lift my chin

"I'm not saying this to hurt you, okay? Sinasabi ko sayo to dahil may karapatan ka din naman malaman." She added.

"H-honestly, I don't know what to say Gabb. Hindi ko alam ang mararamdaman ko, you left me dumbfounded. Hindi mo alam yung pinagdaanan ko noong iniwan mo ako. Halos mabaliw na ako kakaisip kung bakit mo nagawa yun? Sa araw araw hindi ka nawala sa isip at puso ko Gabb. Ayokong tanggapin dahil sabi ko babalik ka to fullfill your promise. Pero lumipas ang buwan, walang nangyari. Dumating nga yung araw na nalaman ko na buntis pala ako at nabuhayan naman ako dahil sabi ko sa sarili ko na baka pag nalaman mong buntis ako ay babalik ka sakin, samin." I said, she cupped my face and wiped my tears. "But you didn't. I accepted it, I endured all the pain." I said sadly. "I'm slowly moving on, dahil para na din sa anak ko. Ayokong maramdaman nya yung pain at stress ng mommy nya sa loob. Tinulungan ako ng mga Ate, si Cole she never left me. Ikaw dapat yun eh." I heard her sobbing.

"And it happened nga, nakunan ako dahil sa kapabayaan ko. Sya nalang yung meron ako noon Gabb and yet nawala din agad sakin. And that was the most painful part, h-hindi ko manlang sya naalagaan, I'd never get a chance na alagaan sya." I sobbed, parehas na kaming umiiyak ngayon.

"I...im r-really sorry." She whispered

"Tapos eto na naman ngayon, paulit ulit nalang ba tayo?" Saad ko. "Susuyuin mo na naman ako, tapos ano? Iiwanan mo na naman ako? Parang awa mo na Gabb. Hindi porket alam mong mahal pa din kita ay basta basta mo nalang ako makukuha ulit." I added while wiping my tears.

"That's my wish coco..." She said, ano daw?

"What do you mean?"

She knelt down infront of me, while holding my hands.

"Let me make it up to you coco, just let me love you. Hindi na ako mawawala sa tabi mo. I will always love you Coleen, me and Nate. We can build our future together. I'm making sure this time, there will be no hindrance to us. Just p-please give me another chance." She said directly to my eyes. Ang bilis ng tibok ng puso ko, katulad pa din ng dati kung paano ito tumitibok pagdating kay Gabb.





--
GOOD AFTERNOON MGA TOLS
MALAPIT NA MATAPOS TO HEHE
THANKYOUUU SA PATULOY NA MGA NAGVOVOTE, IPAGPATULOY NYO LANG YAN HAHAHA! WILL UD ULI MAMAYA OR TOMORROW. KEEPSAFE EVERYONE!

Book 1: LOVE OR CAREERWhere stories live. Discover now