Chapter 3

2.1K 48 2
                                    

Unveiled Wounds


▪︎~▪︎

NICA



"No, sabihin niyong hindi totoo 'yan!"

"Pero Nica, nakita namin si Kenzo sa condo, maniwala ka naman sa amin, oh."

"Ayoko ko nga sabi eh, Dahil Wala naman kayong Ebidensya!" sigaw ko sa kanila.

"Wala na kaming pakialam, kung hindi ka maniniwala. kaya namin nakita dahil pumunta kami sa condo ni Kera, malapit lang kung saan ang condo ni Kenzo." Umiling ako.

"Hindi, hindi, hindi ako naniniwala," iling ako ng iling.

"Here," may ipinakita sa akin na picture si Natalia.

"No...no....photoshop lang 'yan. Inedit niyo lang yan."

"Bullshit Nica! Satingin mo ba lolokohin ka namin? Nica, hi...hindi ka namin niloloko. Okay, kung ayaw mong maniwala, go, pumunta ka sa condo ni Kenzo." Napayuko na lang ako habang pauwi sa bahay. Hindi ko na sila kinibo, masakit na rin eh.

I'm gonna marry your daughter, make her my wi-

Napabalikwas ako nakatulala pala ako sa kisame ng matagal. akala ko ba napalitan ko na 'tong alarm ko sa Cellphone, at siguro, hindi rin napalitan 'yung ringtone ko sa message at call. Bigla nalang akong napakunot nang noo ba't may nangangamoy, ang bango naman nun baka andyan na si Manang, inantay ko ito mahilig kasi magdala si manang nang pagkain sa kwarto ko, pinapatigil ko na nga pero gusto niya raw kasi nakasanayan narin. Kaya hinayaan ko nalang. Suminghot ulit ako naamoy ko ang niluto ni manang.

bacon and egg, my favorite. Napangiti naman ako, si manang talaga nakangiti akong tumingin sa pintuan ng bumukas ito, pero napawi iyon na sa akala ko ay si manang iyon. Napakunot ako nang noo anong ginagawa ng hinayupak na ito dito?

"Good morning, babe. Breakfast in bed," tinaasan ko ito nang kilay. Tinignan ko naman ang nilapag niyang mga pagkain. Mukhang hindi ko na ito favorite.

"Hindi ako gutom," agad na ako tumayo, nakita ko naman na linapag niya 'yung pagkain sa may gilid ng kama ko para hindi matapon at pumunta sakin hinawakan niya ang braso ko upang pigilan lumabas sa kwarto.

"Babe, masama sa sikmura 'yan, pag di ka kumain." pagalala niya. Inirapan ko naman ito.

"Ano ba, Kenzo? Sabi ng di nga ako gutom! Bitawan mo nga ako." agad ko winasik ang kamay na nakahawak sa braso ko. Nakakainis na eh.

Pero wrong timing tumunog ang tiyan ko, ano ba namang buhay na to.

"Hindi pala gutom." napadabog ako pabalik sa kama at kinain ang ginawa niyang breakfast.

Bwisit 'to, titig na titig sakin, tusukin ko kaya 'to ng tinidor.

"Stop staring at me, Kenzo, it makes me feel so uncomfortable while I'm eating," napa-ngisi naman ang mokong.

"I can't help but to stare at your beautiful face, darling." Ayan na naman ang endearment niya, kung dati kinikilig ako, ngayon na cri-cringeyhan ako.

"Isa, Kenzo, tigil-tigilan mo ako," sabay turo ko ng tinidor sa mukha niya. Napataas naman siya ng kamay, parang nag surrender. Napangiti naman ako pero binawi ko kaagad iyon. Agad namang nag-flashback sa akin 'yung mga happy memories namin, kaya agad akong umiling at nawalan na ng gana.

"O? What's wrong? Bakit di mo inubos?" Takang tanong niya.

"Tapos na akong kumain," at agad na akong pumunta sa cr. nang maisara ko ang pintuan ay Napatingin ako sa salamin at kinausap ang sarili ko.

A Heart's Dilemma [ON-HOLD] [ON-GOING REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon