Chapter 5

952 35 13
                                    

Love Sucks

▪︎~▪︎

NICA

"I REALLY REALLY REALLY LIKE YOU!" Narinig ko mula sa ibaba, napakunot ako nang noo. Anong ingay yun? kaya napagpasyahan kong maghilamos at nang matapos na ako sa gingagawa ko ay agad akong bumaba.

Nang makababa ako ay dumiretso ako sa speaker, at nanduon si natalia may pakembot pang gingagawa.

"Natalia!" Bwisit na babae 'to, umaga-umaga nanggugulo! Tapos yung volume, 40 pa! Kung hindi lang 'to buntis, masisipa ko talaga 'to!

Hininaan naman niya.

"Baket?" Nakataas ang kanyang kilay at nakapamewang.

"Baket? ang aga-aga! Nambubulabog ka! Nasisira ang beauty rest ko sayo!" Sigaw ko.

"Easy lang, Beast Mode ka kaagad. " natatawa niyang sabi. Tumigil naman siya kasi nakikita niyang nakabusangot lang ako. Pero natatawa parin ito na ikinairap ko.

"Si Drake?" tanong ko sakanya.

"Tulog pa," sagot niya.

"Takpan mo yung tenga mo," sinunod niya. Alam na niya kasi pag tatakpan, ako ang alarm clock sa magkakaibigan.

"Xavier Drake Jackstone! Gising na!" bigla kong naramdaman ang batok ni natalia, sinamaan ko naman ito nang tingin.

"Alam mo, kahit magtakip ako ng tenga, naririnig ko parin yang sigaw mo. Lakas nang boses mo, Nic!"

"Kelangan mambatok, ha!? Ha!?" Kokotongan ko na sana nang biglang nagbukas yung pintuan ni Drake.

"MAY SUNOG? MAY SUNOG?" Potek, nakahawak na ako sa tiyan ko at nasa may carpet na nakaupo. Katatawa rin nang mapatingin ako kay Drake. "Sino yung sumigaw?" nakasimangot niyang saad

Bago pa ako magsalita, nagsalita si Natalia. "Sino pa ba ang maingay at malaki ang bunganga satin dito!?" Sabi ni Natalia. Ako, malaki bunganga? Aba't leche, 'tong buntis na 'to!

"Pakyu ka!" Sabi ko sa kanya. Tumawa naman si Buntis.

"NicNic!" Napalingon naman ako sa sumigaw sa pangalan ko. Pagkatingin ko, si Drake. Papalapit na sakin. Nanlaki naman ang mata ko. Agad akong tumakbo papunta para lumabas. Binuksan ko na agad ang pintuan at tumakbo. Hindi ko alam na may tao pala dun.

"Tangina sakit." ano ba naman tong taong to, Bwisit na 'yan.

"Nicnic!" saad ni drake

"Nica" sabi nung lalaking nakabunggo ko

Onti-onti kong inangat ang aking ulo kung sino 'yung nakatayo sa harapan ko. Kinunutan ko ito nang noo Ang demonyo kong ex pala iyon, nakatingin siya sakin, tapos titingin kay Drake. Si Drake, walang damit na suot, at ang suot ko pa ay long v-neck shirt. Aakalain mong may something kami.

"anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Masama bang pumunta sa girlfriend ko?" Sabi naman niya.

"ex-girlfriend," pagtatama ko.

Inirapan niya lang ako bago magsalita. "Siguro nakakaistorbo ako sa paghaharutan niyo? So, Nica, natikman ka na pala nang gagong 'to? Ano, masarap ba, Nica? Masarap ba ang one-night stand? Kaya ba nakipaghiwalay ka sakin dahil matagal mo nang ginagawa 'to? Ni-" Hindi ko pinatuloy ang pagsasalita niya dahil nasampal ko na siya. rinig na rinig sa hallway ang tunog nang sampal ko. Di ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"Yu... yun ba ang tingin mo sakin? Isang slut, whore, bitch? Ano pa ha!? Yun ba ang tingin mo sakin? At kaya kita hiniwalayan dahil napakagago mo. sana inalam ko na nung naging kayo nung claire na 'yun, sana naniwala na ako kayla natalia. Para hiniwalayan na kita nang maaga, para hindi ako nag mukhang tanga, nagmukmok, at higit sa lahat, nasaktan!" Tumayo ako habang pinupunasan ang tuloy-tuloy na luhang dumadaloy sa aking mata. Tinignan ko siya, mata sa mata.

"Get out."

"Nica..." tawag sa akin ni Kenzo.

"I said get out! I don't want to see your face again! Leave me alone!" sabi ko at hindi pa tapos ang sasabihin ko bigla ko siyang tinitigan sa mata na may halong gigil "pinagsisihan kong nakilala kita" Bigla kong sinara nang malakas ang pintuan at napasandal. Naramdaman ko namang niyakap ako ni Drake, naka t-shirt na pala siya. Niyakap ko siya nang mahigpit.

"Hey, anong ingay yung naririnig ko sa- Oh my gosh! Nic! What happened?" Tinignan ko si Drake at tumango naman siya at sinabi kay Natalia ang nangyari.

"Hayop talaga yang lalaking yan." Nakita kong naiyukom niya ang kanyang kamao.

"Natalia, Makakasama sa baby yang masyadong galit mo," huminga naman siya nang malalim at tumango.

"Ang ganda-ganda nang araw natin tas may ganyan na dumadating. Tara na guys, kain na nga tayo." Humiwalay na ako sa pagyakap ni Drake at agad tumayo at pumunta sa kusina.

Tahimik lang ang pagkain namin nang may maisip ako.

"Let's have a party," sabi ko.

"Party? OMG!" Sigaw ni Natalia.

"No pregnant woman allowed," tumawa naman nang malakas si Drake.

"Namu, Nica oh!" Sabi ni Natalia.

Nagkatinginan naman kami ni Drake at tumawa.

"Beast Mode Alert!" Sabay naming sabi ni Drake at tumawa.

"Bipolar talaga tong si Nica, iiyak tapos tatawa," ngumiti lamang ako. Sa sinabi ni Natalia

"Oh wag nang magalit, bibilhan nalang kita nang ice cream." Nagliwanag naman ang mukha niya.

"Omg talaga ba?" sabi niya, tumango naman ako

Buti at tapos na si Drake kumain at lumabas na kami para bumili.

▪︎~▪︎

"Natalia jusko!! Walang Apple with chocolate with kesong ice cream ano ba naman tong babaeng to. nag hanap pa kami sa iba't ibang store! Oh tigiisa nalang binili namin." Nag-text ba naman sa akin kung ano yung flavor ng ice cream. Napakamot nalang nga nang ulo si Drake.

Agad naman siyang ngumiti at agad kinuha sa kamay ko yung plastik na may lamang ice cream at diretsong punta sa kusina. Napailing nalang kami ni Drake agad naman kaming pumunta sa living room at binuksan ang wine, AC Bordeaux nalang kasi ang natirang wine duon marami ra w ang bumibili. Grabe sumasabay ba sila sakin? Agad ko naman tinungga yung isang bote.

"Oy, oy, nicnic! Bakit mo tinungga?" Nagulat na tanong ni Drake.

"ito naman, kalahati lang sayo na yung iba. Pati 'tong kalahati." Tumango naman siya.

Mga ilang minuto pa ay hilong hilo na ako kaya nagpaalam na ako sa dalawa. Si Drake umiinom pa habang nanunuod nang basketball. Si Natalia ayun nauna sakin dun na kakain sa isang guest room na tinutulugan niya. Nang makapasok na ako sa kwarto ko, agad akong tumalon sa kama at binuksan ko kaagad ang cellphone ko.

30 Missed Calls.

2 messages.

Tinignan ko yung Missed Calls, puro si Kenzo. Tinignan ko naman yung messages, si Kenzo rin. Pinindot ko naman yung una niyang message. Pinalitan ko narin pala name niya sa dahilan na wala lang gusto ko lang.

From: Kenzo

Hey.. sorry sa nagawa ko kanina. I'm really, really sorry. Nadala lang sa pagod ko kaya nasabi ko 'yun. Please forgive me, baby

Hindi ko namalayan tumulo na naman ang luha ko. Binasa ko yung pangalawang message niya.

From: Kenzo

I love you so much, nica tandaan mo yan. I'm really sorry.

ang hirap naman nang ganito, wala na kong natitirang pag-ibig sakanya. diba? Ang daming bumabagabag sa isipan ko. sana hindi nalang naimbento ang love na 'yan. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko.

"Pakyu sa nag-imbento ng love na 'yan!" sigaw ko. Kung may time machine lang ako, papatayin ko talaga kung sino man nag-imbento niyan. Nakaka-stress.

A Heart's Dilemma [ON-HOLD] [ON-GOING REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon