Chapter 7

768 29 2
                                    

Too Many Revelations

▪︎~▪︎

NICA

"O, wait, I forgot. Bakit pala kitang tinawag na Kapatid?" Adik pala 'to eh.

"Eh kasi magkapatid tayo?" Malambing na ngiti ko sa kanya. pero sa isip-isip ko nasusuka ako sa sinasabi ko.

"So 'di pa pala sinabi sayo ni Mom?" Umiling naman ako.

"That witch!" Nag-init naman ang ulo ko sa pagtawag niya kay Mommy.

"Ano bang problema mo? Bakit ganyan ang tawag mo kay Mom!? Pumunta ka lang sa ibang bansa, naging ganyan kana?"

"fyi, My name is Allison Trisha Villacarte." kita ko ang pagmamayabang niya sa kanyang mukha.

" Bakit? Paanong?" nakakunot ang noo ko, paano yun nangyari?

"Oh my dear step-sister, hindi ko na rin 'to papatagalin, okay? Hindi talaga tayo magkapatid simula nang nasa sinapupunan ka pa ng nanay mo. Ay nabuo na agad ako, pero sa ibang babae ng magaling nating tatay. Nang nalaman ng mom ko na may anak si Dad sa nanay mo, agad niya akong iniwan kay Dad, at dun ko lang nalaman 'yun nang pinadalhan niya ako ng letter." Nabato ako sa katayuan ko. Hindi ako makagalaw. tinignan ko siya na nakangisi na para bang tuwang-tuwa siya sa Reaksyon ko. napabalikwas lang ako nang nagpaalam na ito.

"Bye, step-sister!" I need to know the truth.

"Nic." Oo nga pala, andito pala sila Natalia. Naramdaman ko ang hawak niya sa balikat ko, kita ko ang pag-alala sa kanilang mukha pero ngitian ko lang sila.

"Tara na. Diretso tayo sa bahay namin." Agad naman akong lumabas ng mall na tulala.

"Nicnic, kanina ka pa tulala." Alalang tanong ni Drake.

"So... sorry, asan na ba tayo?" Tanong ko.

"Nasa bahay niyo na." Tumango naman ako. tinignan ko ang bintana nang sasakyan, ganun na ba ako katagal nakatulala?

"Punta na ako sa loob ng bahay." 

"Sige Nic, susunod kami." Tumango naman ako ulit at agad nang pumasok sa bahay.

Pagpasok ko sa bahay, nakaupo si Mommy sa may dining room tapos may lalaki sa tabi niya, magkahawak silang kamay sa lamesa.

"Mom" Napalingon naman silang dalawa.

"Nica anak. Sakto dating mo. Sino kasama mo?"

"Sila Natalia po at Drake."

"Umupo ka muna anak at kakain na tayo. Tawagin mo rin sila." Sakto ang pagdating nila Natalia at nakita rin nila yung lalaki. Itinanong nila kung sino yun, pero nag-kibit balikat lang ako.

Habang nasa kainan ay biglang nagsalita si Mommy.

"Nica anak, may sasabihin ako sayo." Napatingin naman ako sa nanay ko at sa lalaking katabi niya. Parang hindi ko gusto ang sasabihin niya.

"A-ano po yun?"

"Si Joshiah Antonio Cruz, fiancée ko." grabe, sunod-sunod ang mga nangyayari ngayon. Binaba ko ang tingin ko sa plato ko.

Fiancee ko

natawa ako nang pagak, Fiancee? Alam kong masaya si Mommy sa Josh na 'yan, pero alam ko, kahit patay na si Dad, parang pinagtaksilan pa rin niya ang asawa niya.

"Hindi ako papayag," walang emosyon kong sabi, diretso ko tong tinignan sa mata. Kita ko ang pagkadismaya niya, ang fiancee kuno nito ay napaawang ang bibig nang marinig ang sinabi ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 12 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Heart's Dilemma [ON-HOLD] [ON-GOING REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon