Chapter 4

1.3K 47 17
                                    

Love, Lies, and Unexpected Encounters

▪︎~▪︎


KENZO

"Kenzo, makipagkita ako sana kay Natalia. Nasa boracay din kasi siya." napangiti naman ako sa isipan ko, hindi ko na talaga to papakawalan.

"ikaw bahala." Yun lamang ang sinabi ko, yung reaction niya biglang nagliwanag.

"Salamat!" Akmang yayakapin niya ako pero agad din siya napatigil. natawa ako Tinignan ko si Nica, nakatingin siya sa bintana na parang nahihiya dahil sa ginawa niya, ako naman nagpipigil sa pagtawa.

Nang nakarating na kami sa may hotel, inayos ko na ang mga gamit ko. Sabi naman kasi ni Nica siya na raw mag-aayos nang gamit niya, pero nilagay niya lang dun sa pintuan yung mga gamit niya, eto talagang babaeng ito. Isang room lang ang available kaya no choice, share kami nang room ni Nica. Nung nalaman ni Nica na iisang kama lang, napadabog siya at napa-busangot napailing nalang ako dahil duon.

"Kenzo, alis na ako. Babalik rin po ako boss." Tumango nalang ako at agad nang lumabas si Nica.

nag daan ang tatlong pung minuto ay hindi pa rin ako makatulog. Gulong dito, gulong doon. ang boring naman dito. Wala ang mahal ko. Naglaro na lang ako ng Xbox, hangang sa natapos ko na yung isang laro pero wala pa rin. Nagpatugtog ako nang malakas kasi may malaking speaker dito, sayang naman kung hindi gagamitin, diba? Nagtaas-taas ako sa kama. Ngayon, isip-bata na kung isip-bata eh. E walang magawa, bukas pa ako maraming gagawin. Tinignan ko ang CP ko, and biglang nag-pop ang isang Message. Pinindot ko naman iyon, akala ko si Nica. Yun pala, si Christine ang girlfriend ko. Oo, alam ko, napakagago ko dahil bakit kami pa ni Christine at gusto ko nang makipagbalikan kay Nica. Hihiwalayan ko rin si Christine, pero hindi ngayon kasi alam kong masasaktan siya. Pero siguro, sa takdang panahon.

Babe<3

Babe, pwede ba tayong mag-usap?

Pinalitan ko na yung name niya sa Contacts dati "mi" kasi yun yung tawagan namin ngayon christine na ang pangalan niya sa contacts ko di ko pinapakita sakanya kasi magbubunganga lang yon nireplyan ko naman siya agad

Kenzo

Call me.

Nang pagkasend ko ng message sa kanya, agad siyang nagreply ng 'ok.' Biglang nag-ring ang CP ko, kaya nagpasyahan kong lumabas na ng hotel...

Christine Calling..

Inaccept ko naman agad.

"Hi Di!" Masigla niyang sabi.

"Hey Baby." Mahinahon ko naman na sabi.

"Hey, why sudden change endearment huh? Siguro namiss mo lang ako no?"

"Oo," maikli kong sabi.

"Aw hey Di, punta ka naman dito please."

"Wala ka bang kasama?" Pagtatanong ko sakanya.

"Yep"

"Namiss mo lang ako siguro?"

"Hmp! Mind reader ka siguro no?"

 Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Adik ka talaga, Di punta ka na please!" Napabuntong hininga naman ako.

"Sige sige, pupunta ako diyan," napatili naman siya pero mahina lang.

"Yehey, I love you Di! Bye."

"I love you too, Christine. Bye."

A Heart's Dilemma [ON-HOLD] [ON-GOING REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon