Chapter 6

926 28 3
                                    

Sister

▪︎~▪︎

NICA

"Before it's too late! I Just can't step Away!" kumunot ang noo ko.

"Hoy, Natalia, Ayan ka nanaman, umagang umaga! Nambubulabog ka nanaman, Pasalamat ka Buntis ka!" Sigaw ko. Siguro naman narinig niya 'yun sa lakas ba naman ng boses ko, abot siguro sa kapitbahay namin. Nagulat naman ako nang biglang bumukas yung pintuan.

"Letche ka! Anong oras na oh, 12:24 na. Wait, nag-move, 12:25 na! Tulog mantika ka talaga! Meron nang pagkain sa baba, dalian mo dahil baka maubos ko. Nag-cracrave pa naman ako sa bacon!" At nagpout si lukaret. Kahit kelan talaga itong babaeng 'to, nag-cracrave na naman jusko! Agad na akong tumakbo papunta sa kusina, kaso may nauna na ata sakin si Drake, may hawak na limang sandwich, tapos yung isa nasa bunganga niya.

"A...anong ginagawa mo dito?" Sabay lunok nung nasa bunganga niya.

"Ano? Anong bakit ako nandito? Technically Bahay ko din ito! Nagbabayad ako nang renta remember? Letche tong lalaking 'to!" Tinignan ko si Natalia, at ayun, tawa nang tawa. Nung ibinalik ko ang tingin ko kay Drake, wala na ang hampaslupang lalaking 'to! Hinanap ko siya hangang sa nakita kong kumakain na siya. Pati si Natalia, pumunta agad ako dun at kumuha nang sandwich. Nagbalak kaming kumuha nang lupa at magpatayo nang bahay kesa doon kami sa unit ni Drake. Bale si Drake ang nagbayad nun, at yung renta namin ay binibigay namin sakanya, kumbaga, 'yun na yung hati namin sakanya. Nung una, ayaw niya, pero wala rin siyang nagawa. Eto naman na buntis na to, ayaw parin magpakita sa asawa. Siguro mabuti na yun para hindi mapahamak yung pamangkin ko.

"Oy!" Sabi niya.

"Baket?" Sabay taas nang kilay ko.

"Wala!" Sabay tingin ulit sa TV.

Mga ilang minuto pa ay bigla nalang nag-away sila, eto talagang dalawang toh.

"Namu, Drake! Akin na yan, bwisit ka, gutom pa kami nang baby ko!" Sabi ni Natalia.

"Gutom rin ako!" Sabi naman ni Drake.

"dalawa kami, isa kalang " Pagdadabog ni Natalia.

"dalawa din kaya kami." Ginaya niya rin si Natalia.

"Hoy, ba't dalawa? Eh isa kalang naman ah!" Oo nga naman, tama si Nat, isa lang nga naman si Drake.

"Hindi noh, pati kaya yung nasa ano ko, yung nasa... nasa..." Nanlaki ang mata namin ni Natalia.

"ang baboy mo, Drake!" Hinampas ko siya nang unan.

"Yung bulate ko sa tyan! Ano bang iniisip niyo? Kayo ah, ang Green niyo o. Sayo na yan, Balyena!" Kala naman namin kung ano, agad namang kinuha ni Natalia at kinain na yung sandwich. Nabaling naman ang atensyon ko sa nag doorbell.

"Ako na wait, nagpadeliver kaba, Drake, ha?" Tumango naman ito. Kahit kelan Patay Gutom talaga.

Pagbukas ko nang pintuan, ay nanlaki ang mata ko, uy gago, si, Donghae kasama si Chanyeol, huy, baka nagdadaydream lang ako.

"OMG, Donghae! Chanyeol! Can I take a picture with you!" Sabi ko. Nakataas naman ang kilay nila.

"Ay, miss, hindi po ako si Donghae, at etong lalaking toh hindi ko kilala." akala ko si Donghae. Wait, pizza tapos Starbucks? Sasapakin ko talaga tong Drake, Nagulat ako dahil nagsalita si Chanyeol, ay hindi nga pala sila yun.

"Ah, miss, kayo po nagorder neto?" Sabi ni kuya. Tinignan ko siya nang may pagtataka

"hindi ako yung nag-order. Wait lang, tawagin ko lang yung kasama ko." Napa-buntong hininga naman ako, kala ko sila talaga yun, at agad ko naman tinawag si Drake para bayaran yun. Nang nabayaran na niya, umalis na yung dalawa, at umupo na si Drake sa sofa. Pumapalakpak naman si Natalia, napailing nalang ako at agad namang tumabi sa kanila.

A Heart's Dilemma [ON-HOLD] [ON-GOING REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon