Virtual Friend

6 1 0
                                    

Way back in Grade 10

"Beh ayun sya oh, yung sinasabi ko sayo na crush ko!"

"Alin riyan? Yung naka sweater ba?"

"Oo beh ang gwapo niya diba?"

"Ayos lang......"

Ayos lang...

Simpleng salita subalit may parte sa akin na kakaiba

Ngunit ito'y aking pinagsa walang bahala

Nakilala ka ng dahil sa kaibigan

Kaibigan na lubos na humahanga sayo

Ilang beses ka naming nakakasalubong

Mga kasama ko'y nakaka usap mo

Subalit ikay akin lamang nilalampsan...

Ewan ko ba...

Gwapong gwapo sila sayo

O sadyang malabo lang ang mga mata ko

Inosente at chinito mong muka

Hinahangaan ng todo...


Pagkalipas ng dalawang taon

Tila nag iba ang pananaw ko

Mula ng ika'y makausap sa social media...

"Guys help me send this link to your other Grade 12 friends"

"Sure"
Send to 50 online friends that i know

"Uh hi, can you help me with our thesis survey. Here is the link to fill up. If you need anything or help you can talk to me when you respond. Thank you"
Link forwarded. After a minute...

"Hey nag respond na ko sa link mo, so pwede ako humingi ng tulong sayo?"

"Sure, saka salamat sa pagsagot......"

Di ko napansin sa pagtulong ko sayo ito magsisimula

Araw-araw nakaka usap

Naging close friend sa facebook

Shared post mo ay sinosoportahan

Maging sa stories ay nirereplyan...


Tanong sakin sarili bakit ko ito ginagawa?

Nakakaloka diba

Kahit ako di ko din alam

Isa lang ang aking nasisiguro...may saya akong nadarama

Hanggang sa nag sunod sunod na

Ninais ko pa lalong mapalapit sayo

Tumawag ka ng isang beses nagkagulo na mundo ko...

"Buti di ka nabo-bored na kausap ako" minsang tanong ko

"Madaldal ka kasi. Akala ko din nung una masungit ka kasi napapansin ko nung g10, sa mga kaibigan mo lang ang kinakausap mo. Sa kanila ko lang kita nakakikitang ngumingiti o tumatawa. Ikaw bakit di ka nagsasawang kausap ako?"

" You're a good listener, kahit anong kwento ko kahit walang sense I know you're still there"

Boses moy di malimutan
Maging sa pagtulog ay napapanaginipan
Di ako sigurado sa totoong pag uugali mo pagkat kakakilala
Ngunit isa lang ang alam ko
Unti unti na akong nahuhulog sa paraan ng pakikipag-usap mo...

Ano bang ginawa sakin para magkaganto ako?

O ako lang ang nakakaisip neto

Hapit na hapit

Hindi na ako naghahangad ng higit pa sa pagkakaibigan

Kahit sa dulo ako'y masasaktan

Walang pakialam pagkat lubos ang kasiyahan...

Subalit ako'y wala ng balak pang magsalita

Pagkat kaibigan ko'y umamin na

Ayoko na kami ay magkasira pa...

"Bakit nga pala wala kang girlfriend?"

"Tigil na muna kasi madami na ngayon ang di sigurado. Yung iba jan gusto lang makasabay sa uso. Ikaw ba?" Tigil raw pero sa mga shared post puro parinig sa crush niya

"Study first malamang!" Pero kung ikaw lang din, kakayanin kong pagsabayin

"Asus nagka bf ka naman dati haha"

"Dati lang yun saka g8 pa lang ako non, literal na kinalimutan na nga namin pareho ni **** yon kaya magkaibigan parin kami ngayon"

"Ang tibay ng samahan nio kahit ganon nangyari sa inyo" Tayo din kaya kahit friends lang?

"Gusto kung magka bf ulit ako yung sigurado na. kahit matagal maghihintay ako. Naniniwala kasi ako sa tamang oras, yun bang kikilalanin at kakailanganin niya ako dahil sa gusto niya akong makasama ng pangmatagalan, ganun!"

"Sakin... naniniwala ako sa love na unexpected."

Kahit alam kong imposible

Umaasa ako na sana'y nararadaman natin pareho
Ngunit kailanman iyon ay malabong mangyare

Dinadaan na lamang sa biro ang mga pag uusap mapasaya ka lang

Gusto kita pero hanggang dito lang ang kaya ko

Wala akong lakas ng loob na magsalita ng higit pa

Kaya ngayon ako'y lumayo na...

Itinuon ang sarili sa dating libangan

Nagiging active na lang sa oras ng klase

Kahit ganon masaya ako para sayo at para sa sarili ko

Mag iingat ka sana'y munting pagkakaibigan ay maalala't pahalagahan

Makasama ka sa personal bilang pasasalamat ang isang kahilingan......


"Hey di na kita nakikitang online lagi, okay ka lang ba?"

"Oo naman no ako pa ba! malakas to no haha"

" Hangin natin ah haha pero di nga bakit?"

"Projects, Wattpad, Kdrama, Cdrama, Thai Series minsan ML din"

"Kows kala ko ba study first ka e mas madami pa oras mo sa libangan kesa mag aral hahaha scammer ka"

"Reklamo ka jan, sa minsang nakikita kitang online puro ML lang naman ginagawa mo hanggang madaling araw no"

"Sabagay hahaha"

"Sige na magbabasa na ulit ako. Thanks sa time bye..."

"Ge thanks din bye."

Bye...

Let Your Heart SpeakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon