Kaibigan...
Sino nga ba sila?
Bakit silay ating napahahalagahan?
Paano nabuo dito ang pagmamamahalan?
Sino?
Sila ang isa pang uri ng pamilya
Ating laging nakakasama
Ibat ibang emisyon at kalokohan ang kanilang dala...Bakit?
Sa mga kulitang masasaya
Itoy laging may halaga
Mga uri ng kulitan
Sa kanila mo lamang makikita
Sa lungkot at pighati
Sila unang dadamay sa mga sakit upang makihati
Susuportahan ano man ang mangyari
At pipilitin na sumilip ang ngiti sa iyong mga labi
Kislap ng mga matay agad mawawari
Anumang darating na problema sususlosyunan ito ng sama sama
Wala ngang iwanan diba?
Lahat magtutulungan sa hirao at ginhawa...
Paano?
Sa bawat oras, minuto o segundo na silay kasama
Di mawawala ang asaran at biruan sa isat isa
Nariyan pa ang oras na pupuntiryahin ka nila
At ikaw naman ang minsang pikon kaya silay hahagalpak ng tawa
Isama narin ang paluluhain ka ngunit biro lang pala
Ganyan nila ipadama ang pag mamahal sa isat isa...
Kaibigan?
Ibat iba man ang paguugali
Pagmamahal nilay agad mawawari
Walang kalimutan o iwanan
Pagkat itoy nakatatak na sa pusot isipan
May mga bagay na tayo lang ang nagkakaintindihan
Isang tingin lang alam na ang kahahantungan
Pagkat iisa lang ang takbo ng isipan
Maging sa puso ay mararamdaman...
"Hindi man nila sabihin sa salita
Ngunit maipapakita naman sa gawa
Na kahit anong mangyari
Mahal na mahal nila ang bawat kasapi..."
BINABASA MO ANG
Let Your Heart Speak
ПоэзияPara ito sa mga tao na hindi gaano na e express ang mga gusto nilang sabihin kaya dinadaan na lang sa tula upang makapagpagaan ng loob. BROKEN KA MAN, MASAYA, MALUNGKOT OR KUNG ANO PA MAN YAN basta ang mahala mailabas ang tunay nararamdamn, dahil ma...