Hantungan (What if)

2 0 0
                                    

Makalipas ang tatlong taon...

"Mahal..." lumingon ako sa aking likuran at don kita nakita. Suot mo ang iyong paboritong puting bistida. Sobrang kay ganda ng iyong ngiti na para bang hindi ka galing sa malubhang sakit. Walang humpay sa pagtulo ang aking luha nung ako ay iyong lapitan at yapakin. "Mabuhay ka ng masaya..."

"Ting!"

Tunog ng bell ang gumising sa aking diwa, ako pala ay nasa session ng aking therapist. Labis akong natrauma sa nangyari sa aking buhay kaya kinailangan ko magpatherapy dahil lagi lagi ko ito napapanaginipan, pero ngayon ay huling punta ko na dito.

"Anong nararamdanan mo?" "Maluwag na po sa pakiramdam. Hindi ko nadin naiisip pa ang mga dapat mangyari. Totoong masaya na po kami ngayon" "Kung may problema ka mang naramdaman willing akong makinig ng walang bayad" "Maraming salamat po" "Ito lang din ang paraan ko para makabawi sa inyo"

Pagtapos ko ay umuwi na ko nakita ko ang aking anak na naglalaro sa kanyang playroom sa sala kasama ang aming aso na kasing laki niya. Binuhat ko ang anak ko at dumiretso sa kusina.

"Nandiyan ka na pala, ako na nagluto kasi alam kong pagod ka."

"Hindi bat sabi ko ako magluluto sa gabi kasi mas nakakapagod mag alaga ng bata maghapon"

"Teka, umiyak ka ba? Ano pala sabi ni Doc"

"Maayos na ako, sabi ni Doc. I am totally free"

"Proud na proud ako sayo mahal ko"

Kung nagtataka kayo kung anong nangyari? Oo buhay silang dalawa, buhay na buhay. Nung araw ng operasyon labis akong nanalangin na sana ay ligtas ang mag ina ko. Tinupad niya ang aking hiling. Hindi nila ako iniwan dahil parehas silang lumaban. Mahigit isang taon din ang naging gamutan, magastos pero sapat na yung kasama ko. Lahat ng pagsubok ay mahirap pero ito ang naging daan samin para maging matatag.

Ang isat-isa ang naging hantungan naming dalawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 07, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Let Your Heart SpeakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon