Tigil

5 1 0
                                    

Limang letra isang salita.
Sa sarili koy di magawa gawa.
Yung tipong nakikita kitang may kasamang iba.
Natitiis ko pa.
Yung tipong lalapit ako, lumalayo ka.
Binabalewala ko pa.
Yung tipong Malabo naman talaga.
Pinipilit ko pa.
Kasi nga, mahal kita.
O sabihin na nating Hindi pa.
Pero alam Kong, dun yun papunta.
Kaya nga ako nagbago.
Panay parinig ako sayo.
Ikaw na nga lang laman ng gallery ko.
Maging myday mo inaabangan ko.
Kaya tuloy tropa ko,.
Naiinis na sa mga kilos ko.
Bakit Hindi ko raw mamulat ang mata ko pagdating sayo?
Bakit nga ba?
Pinipilit ko paring magbulag-bulagan kahit nasasaktan na ako ng sobra.
Ang hirap!
Ang hirap pala kapag nahuhulog sa tulad mo.
Puro ganda lang ang nakikita at Hindi puso.
Alam mo...para karing mathematics.
Yung tipong hirap na hirap akong umintindi sayo.
Tinitiis ko.
Para lang pumasa ako.
Oh sana nga mathematics ka nalang.
Dahil kahit pagtyagaan pa kitang sagutan.
Alam ko namang ikaw lang ang aking babagsakan.

Pero Hindi eh,..
Dahil nagising ako sa katotohanan.
Na ito palay isang alamat.
Hindi nga makatotohanan.
Ngunit andami Kong natutunan.
Na sa kabila ng maikling kwentong ito.
Ay ako pala ang direktor nyo.
At ikaw ang bida.
Na sa iba itinadhana.
At iba rin ang naging kapareha.
Ang munting istoryang aking inilathala para sating dalawa.
Ay unti-unti mo ng natutupad sa iba.
Masaya naman ako.
Dahil alam Kong masaya kana.
Pero mas masaya sana ako kung ako yung kasama mo sa istorya.
Pero siguro nga tama na.
Panahon na upang ITIGIL ang kwentong ikaw lang ang masaya.
At ako.! Ako yung nadudurog mo ng sobra.
Tama nga cla.
Na ang puso parang paminta.
Buong-buo nung una.
Kaya lang, pinipilit paring durugin ng iba.
Pero ayos lang,....
Dahil ikaw naman ang bida.
Wag kang mag alala.
Mananatili parin akong iyong tagahanga.
Ngunit patawad..
Dahil kailangan ko rin ng pahinga.
Akoy Hindi muna susubaybay sa alamat nyong dalawa.
Dahil nasa kalagitnaan palang ako ng istorya.
Andami ko ng nakitang rason,Upang tumigil na.
Dahil baka pag ipagpapatuloy ko pa.
Makakabuo pa ng isa pang bagong istorya.
Na kung saan may pamagat na "alamat ng martir" at ako ang bida.
Kaya awat muna.
Tigil muna.
Sarili ko na muna uunahin ko.
Paiiralin ang isip at pahihingahin ang puso.
Gagawa ng panibagong kwento.
Kung saan kasama ang taong mamahalin ko.
At tatanggapin ako ng buong buo.
Kaya salamat sa munting alamat nyo.
Dahil Jan natuto ako.
Na dapat ITIGIL ang mga bagay na alam naman nating Malabo.

©:A.R.VinVim21

Let Your Heart SpeakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon