His POV
"Ahhhhhhhhh tulong!!!!!!!"
Isang sigaw ang umalingasaw sa aking pamamahinga
Isang sigaw na pinagmulan ng lahat na nadarama
Isang sigaw na magiging hantungan ng isa't isa
At isang sigaw na kailanma'y hindi ko na maririnig pa mula sa kanyaLumapit ako sa pinagmulan ng sigaw subalit matataas na puno lamang ng mangga ang aking nakita.
Ng sandaling umangat ang aking paningin mundo ko'y bumagal at napako ito sa mga mata mong kulay kahoy sa ganda."Mamang ginoo tulong hindi ako makababa, tatalon ako pasalo ha"
Mamang ginoo? Nakakatawang isipin na sa edad kong sampu ay tinawag na akong mama ng batang babae. Bago pa ko makasagot ay agad siyang tumalon. Sa pagkataranta hindi agad ako naka ayos ng tayo at agad kaming natumba sa damuhan.
"Salamaaaat mamang ginoo kung wala ka dito baka nagkandabali bali na buto ko"
"Jay ang ngalan ko ..."
"Ahhhh okay ako naman si Avi. Sige uwi na ko baka hinahanap na ko samin babye"Simpleng pangyayari na hanggang sa pagtulog ko di ko malimut-limutan. Tuwing araw ng linggo sa kaparehong oras at lugar bumabalik ako nagbabakasakaling makita ka subalit wala na, pagkat dumating ang araw na kinailangan ko ng umalis para mag aral sa Manila.
Bawat oras, minuto o segundo lagi kong naaalala ang tinig, ngiti at pangalan niya. Walang palya ko itong iniisip na sanay mabigyan akong muli ng pagkakataon na muli ay siya'y lubusang makita at makilala
"TAMA NA! Maawa kayo!"
"Ikaw ang may kasalanan kung bakit nawala samin si Kuya! Bakit ba kinupkop ka pa niya, isa ka lang namang palamunin. Dahil sayo namatay ang nag iisang tumatayong tatay namin pero ngayon wala na siya! Wala na siya dahil sayo!"
"HINDI, HINDI PA PATAY SI KUYA-"
"Wag mo siyang matawag-tawag na kuya dahil wala kang karapatan! Lumayas ka dito at wag ng babalik pa! Layas!"Nakita ko siya. Dito rin mismo sa Manila ngunit hindi ko kayang magsaya ng makita ang kanyang kalagayan. Matapos ang aking nasaksihan na pagpapalayas sa kanya ay agad umusbong ang awa na aking nadarama. Mabigat sa loob na gusto ko siyang lapitan ngunit hindi ko magawa pagkat baka hindi niya ako makilala.
Nakarating kami sa isang tree house sa may burol don ay umakyat siya. Nagmamasid lamang ako sa isang gilid hanggang sa siya'y bumaba habang may hawak na tubig. Na upo siya sa paanan ng puno at pumikit hindi rin nagtagal at akoy lumapit ng dahan dahan
"Kung ano man ang gumugulo sa iyong isipan maaari mo yang ilabas o ipagpahinga" Narito lamang ako at maghihintay sayo....
Mabilis lumipas ang panahon, kasama kita sa apartment na tinitirahan ko. Lumipat ka narin sa public school na malapit sa bahay at nagtrabaho para makatulong sa gastusin. Masaya, oo sobrang saya pagkat nakilala na kita. Nagkasundo tayong dalawa. Bawat araw rin ay mas umuusbong na pailalalim ang aking nadarama. Pinatira kita ng walang hinihiling kapalit subalit kay laki ng bayad mong binalik. Niligawan, pinahalagahan at minamahal kita ng lubusan.
"Bawat paglipas ng panahon na ika'y nakasama hindi masusukat non ang saya na aking nadarama sa tuwing kapiling ka. Nais ko na sa bawat paggising ko sa umaga ikaw ang nais na makita. Ikaw ang bumuo sa pagkatao ko na akala ko ay patapon na. Salamat mahal ko sa oras, sa pagtulong, sa pagmamahal, sa pag aalaga, at sa pagpaparamdam na ako lang, ako lang ang babaeng para sayo."
"Kaya OO handa na ako. Handa na kong magpakasal. Handa na akong bumuo ng panibagong pamilya kasama mo. Mahal na mahal kita..."
"Mahal na mahal na mahal kita~"
Ngunit bakit? Bakit kung kelan narito na tayo saka ka nagbago, saka ka naglaho. Ang sakit sakit isipin at makita na wala ang buhay mo rito. Na wala na, kailanman hindi na kita makikita, yung mga ngiti, mga yakap, mga pinagsamahan natin ay unti unti na lang ba na ako na lang ang aalala. Bakit hindi ka tumupad sa pangako? Ang tagal nating nagsama, ang daming oras na maaari mo sakin sabihin pero mas pinili mong manahimik. Bakit mahal ko? Bakit?
"Mahal gusto ko pagnakakalakad na si baby saka tayo magpapakasal para siya yung magiging ring bearer natin. Diba ang cute cute niya siguro no?"
"Oo naman dahil magmamana siya sa ganda mo at saka hindi naman kita minamadali ang mahala ay ligtas kayong dalawa"
Paano ko pa ipapagpatuloy ang nasimulan natin kung nauna ka na. Hindi ba't gusto mo pang makita na lumaki ang anak natin? Masubaybayan ang bawat galaw niya? Pano na lang ang anak natin? Pano na lang ako? Mahal na mahal kita higit sa buhay ko pero bakit mo to ginawa sakin? Paano mo naatim na hindi sabihin sakin ang sakit mo lalo na at buhay mo at buhay ng anak natin ang nakasalalay rito.
"Mr. ang asawa mo ay may malubhang sakit kung kaya't hindi na niya kakayanin pang ipagpatuloy pa ang pagbubuntis. Malusog ang inyong anak kaya maaari naming ilabas na ang baby kahit 7months palang at ilagay muna sa incubator but its a 50/50 chances that your wife can survive"
"Wala na po bang ibang paraan?"
"Ikinalulungkot ko pero wala na talaga. I know it's hard to choose pero mas delikado kung wala kang pipiliin, may possibility na pareho pa sila ang mawala sayo. "Hindi, hindi ko kayang mamili. Mahal ko kayong pareho pero mas lalong hindi ko kaya kung pareho kayong mawawala. Bukod tanging mensahe mo na lamang na iniwan ay para sa kapakanan ko at ng anak natin.
"Mahal patawad.... Alam kong magagalit ka, maiinis, malulungkot lahat ng sama ng loob mo tatanggapin ko dahil kasalanan ko. Lahat ng paghihirap, pasakit, at pag aaruga nakita ko sayo sa mga panahon na nagkasama tayo. Ayoko na makadagdag pa sa mga alalahanin mo pagkat sigurado ako na magpapakapagod ka upang makahanap ng lunas sa sakit ko. Matagal ko ng alam ang tungkol sa sakit ko mula pa nung malaman ko na buntis ako. Lahat ng pangaral at gabay ni doktora ay ginawa ko para mabuhay ng ligtas sa sinapupunan ko si baby. Kaya patawad mahal ngunit kung dumating man ang oras sana'y wag kang magdalawang isip na piliin ang isang buhay na magsisimula pa lamang.
Ikaw at ako hanggang dulo mananatili sa puso ko
Mawala man presensya ko, ako'y magmamasid mula sa itaas at gagabayan tulad ng ating pangako. Magpatuloy ka mahal ko"Labis na nadurog ang aking puso sa sulat na iniwan mo kaya bago kita ihatid sayong paroroonan ay nais ko parin tuparin ang pinaka nais mong pangako ko sa iyo. Kung nasaan ka man ngayon nawa'y masaksihan mo at maramdaman mo kung gaano kita kamahal. Hanggang sa muli nating pagkikita.
Kay linis ng paligid, walang dumi na umaaligid
Pamilya'y naririto't nakikisimpatya
Sa isang okasyon na handa nang sumumpa
At isang pangyayari na kailanma'y di malilimutan
Narito ako sa tabi mo
Puting kasuotan ang suot nating pareho
Ngunit magkaiba ang bawat disensyo
Lahat silay naririto dahil mahal koAng ating kasalan ay siya mong huling hantungan....

BINABASA MO ANG
Let Your Heart Speak
PoetryPara ito sa mga tao na hindi gaano na e express ang mga gusto nilang sabihin kaya dinadaan na lang sa tula upang makapagpagaan ng loob. BROKEN KA MAN, MASAYA, MALUNGKOT OR KUNG ANO PA MAN YAN basta ang mahala mailabas ang tunay nararamdamn, dahil ma...