Inspiration

12 1 0
                                    

"Nung una kitang makita,
Binihag mo agad ang aking mga mata"

Totoo pala ang liriko na yan
Pagkat yan ang aking nadama
Nung una kang makita
Hindi ko alam kung anong nangyari
Hindi ko mawari
Hindi ko lubos maintindihan ang aking sarili
May kakaiba sa iyong mga ngiti
Na higit na hinahangaan ng marami
Sa unang beses na ikay nakita
Ninais agad ng aking sarili na ikay makilala
Ninais ko pang maragdagan ang aking nakikita
Kung kaya't halos lahat ng tiktok videos mo ay sinusubaybayan
Walang kasawan, walang katigilian
Wala rin akong naramdaman na ngalay sa aking katawan
Na parang sulit at kontento ako sa aking nakikita
Nagsimula rin akong magtanong tanong tulad ng iba
At hindi ako nagbigo
Sa imposibleng pagkakataon
Ay nagawa mong mapansin
Alam kong mababaw sa paningin ng iba
Ngunit para sa akin ay para na akong nakahanap ng panibagong inspirasyon
Magmula noon lagi pa kitang inaabangan
Maging sa iyong mga social media acc ay sinosoportahan
Ibang iba ka sa kanila
Pagkat nagagawa mong makisalamuha
Sa mga fans mong abang na abang sa iyo..
Mula sa facebook hanggang sa groupchat ay walang palyang sinusundan
Nakihalobilo bilang pagsuporta
Nakihalobilo bilang pangalawang kaibigan at pamilya
Masaya... Totoong masaya sila kausap
Ramdam mo ang pagwelcome nila
Doon din ay naranasan kitang makausap
Ninais ko rin na i private message ka
Sa simpleng reply mo ng "hello"
Sobra na ang sayang nadarama
Hanggang sa pagtulog ay ikaw lang ang inaalala
Na sana maayos ka, na sa araw araw ay ano ang iyong ginagawa
Na sana masaya ka tulad iba mo pang napapasaya
Sa simpleng tao na tulad mo ay sapat na para hangaan ng lubusan


Salamat...

Problema koy nakakalimutan

Ikaw ang nagiging sandalan

Ikaw ang araw araw na happy pills na hinding hindi nakakasawa

Unti unti ay nakikilala ka na

Mas dumarami na ang may paghanga sa iyo

Kaya marami rin ang nangangarap na maging sa kanila ka

Lalo pat nasabi mo noon na hindi imposible na magkagusto sa sa follower mo

Masasabi kong isa rin ako sa kanila

Isa rin ako sa mga ninais na makasama ka

Subalit alam kong imposible

Hindi yun mangyayari

Nasa itaas ka at nasa ibaba lamang ako

Sapat na ang isa nalang ako sa mga sumusuporta sayo

Naway maging success ang career mo

Lagi mo lang tatandaan na may isang tao na mahal ka ng todo

Mag-ingat at tuparin ang pangarap mo

Hanggang dito na lang ito

Salamat sa inspirasyon na binigay mo

Pahahalagahan ko ito hanggang dulo.

Let Your Heart SpeakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon