Magulong Sitwasyon

6 1 0
                                    

Mahal,
Nakakasawa na
Sanay imulat mo na ang iyong mga mata
Pagkat ang halaga ay unti unti ng nawawala
Makakalaya pa ba tayong dalawa?

Hindi ko maintindihan
Kung tayo ba talaga ang nakalaan
Noong nakita palang kita, sigurado na ko
Ngunit bakit parang may nagbabago?
Ang dami dami kong katanungan
Katanungan na natitipon sa aking isipan
Hanggang kelan pa ba tayo magkakaganito
Makakawala pa ba tayo sa pighating dala nito?
O magtatapos na lang tayo sa ganitong senario
Pareho tayong nagkamali
Na nagdulot sa isat isa ng hinanakit

Naisip ko din...
Sigurong mabuti na muna ang malayo sayo
Upang isipan natiy di lalong gumulo
Alam kong darating ang oras na itoy maaayos
Hindi man ngayon ngunit sa tamang oras, panahon at pagkakataon
Mabuting iyon ay atin nalang antayin
Upang pusot isipay maghilom narin.

Let Your Heart SpeakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon