Prologue

68 1 0
                                    

Kita sa paligid ko ang mga taong mukhang respetado sa bawat mesa ay naghahanap ng aliw. Naghahanap ng kasiyahan sa malungkot na gabi.

Ang baywang ko ay sumasabay sa saliw ng musika hindi alintana ang malagkit ng tingin ng mga manonood.

Ito na ang buhay ko, ito na ako isang tagapagbigay aliw, tagatugon sa init ng mga katawan nila.


Tumingin ako kay Mamu na nasa gilid ng entablado. Sumenyas ito na may gusto daw ng private show mula sa akin kaya ng matapos ang kanta ay bumaba na ako ng entablado at nilapitan ito



"Regular customer ba natin ang gusto ng private show Mamu?" tanong ko ng makalapit ako

"Hindi hija pero mataas ang bayad kaya kinuha ko na at ikaw ang request" malaki ang ngiti sa labi nito, malaki nga siguro ang binayad para sa private show ko.



"Baka naman kaya malaki ang bayad Mamu kasi-"

"Hayaan mo na hindi ka na naman siguro birhen" napaawang ang labi ko sa sinabi nito, maglilimang taon na akong nagshoshow sa bar na ito pero ni isang beses hindi ako pumayag na mahawakan man lang ako kahit sa braso, nagagawa ko magbigay ng private show sa kondisyong nakatali ang mga kamay ng customer.

"Pero Mamu-" sinubukan ko pang pilitin siya pero pinigil niyang maituloy ko ang sasabihin

"'Wag ka ng umangal pa Seven nakapirma na ako sa kasunduan, magtino ka ayokong masira ang reputasyon ko tandaan mo malaking tao ang bibigyan mo ng aliw ngayon, bihira ng may pumasok na ganoon kalaking tao dito sa bar natin kadalasan hanggang mga City counselor nalang ang customer natin, jackpot tayo dito Seven!"

Wala na akong nagawa at pumayag nalang sa gusto ni Mamu kahit kinakabahan ako sa pwedeng mangayare sa akin pagkatapos ng gabing ito.

Hindi naman pipitsugin ang mga customer namin dahil high end bar naman itong pinagtatrabahuhan ko, kadalasan ay mga businessman, Mayor, City counselor at kung susuwertehin ay may Congressman pa, siguro Congressman ang gusto ng private show ko kaya tuwang tuwa si Mamu.

Tumigil kami sa paglalakad ng bouncer na may hawak sa akin. Suot ang kulay pulang lingerie na halos see through na at ang private parts ko lang ang natatakpan, may pulang gloves sa makabilang kamay ko, may hawak akong stick sa kanang kamay ko na parang pamalo sa kabayo, suot ko rin ang isang chocker na pula and my hair is in high ponytail, I'm also wearing high heels. Inayusan din ako ni Mamu kanina kaya bago ang disenyo ng make up ko pagkatapos ay pinagsuot ng blindfold, hindi ko alam kung para saan iyon.



Narinig ko ang katok sa pinto ng bouncer kasunod ang tunog ng pagpihit ng doorknob kaya inayos ko na ang tayo ko, inalalayan ako ng bouncer papasok hanggang tumigil kami sa maliit na entablado pinahawak ako sa pole kaya alam kong nasa lugar na ako kung saan kadalasan akong nagbibigay aliw.

Makalipas ang ilang minuto narinig ko na ang pagsara ng pinto hudyat na pwede ko ng tanggalin ang takip sa mata. Nasilaw ako sa liwanag na tumama sa mata ko kaya mapatakip ako ng mata gamit ang dalawang kamay, hinahayaang masanay ang mata sa liwanag.

Ibinaba ko ang kamay ko at laking gulat ng makita ko kung sino ang nakaupo sa mahabang sofa sa harap ko, nakadekwatro, nakasandal ang likod at nakapahinga ang dalawang braso sa sofa.



Hindi ko alam ang mararamdaman ko.Nanginginig ang katawan ko habang nakatitig sa mukha niya.



Madilim ang titig niya sa akin, halos magdikit na ang mga kilay. Clenched jaw, an almost line lips, dangerous eyes that is his face right now.









"Finally, I caught you my dear Severina"

Caught (Dangerous Man Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon