Nakapulupot ang braso niya sa akin habang nakasiksik naman ang mukha sa leeg ko. It's one in the morning and I'm awake. Narinig kong nag ring ang cellphone ko kaya nagising ako. Panandaliang tumigil ang pagring kaya pumikit ako pero tumunog ito ulit.
Maingat akong umalis sa tabi niya at naupo sa couch. I am wearing an oversized shirt and pajama. Siguro binihisan niya ako habang tulog.
Daddy's name flashed on my phone screen. What's so important matter at tumatawag siya ng ganitong oras? alam niya kaya na dito nagpalipas ng gabi Huge? My heart started to beat fast and loudly. Kahit hindi ko aminin kinakabahan pa rin ako.
I cleared my throat before I answer the phone, I was about to say hello when I heard the panicking voice of my Mom on the other line.
"L-listen to me Seven, you need to go out of the house"
Naririnig ko ang paghangin sa kabilang linya. I think they're on the road.
"Mom, what will I do outside?" I remained calm.
"Just get the hell out of the house and out of the region princess!" I was shocked that Dad call me princess again.
Something is happening. This isn't good.
"Can you please tell me what is happening?!" I tried to be calm but I am freaking out inside me!
"Just do it princess." mangiyak ngiyak ang boses ni Mommy.
I stood up and look at the sleeping Huge on my bed.
"Mom! I can't leave Eugene!" I spilled it kahit ayokong sabihin. Dad might be furious about it. I'm not that stupid to leave him after what we have done. That's too much for him.
"Leave right now princess habang may oras pa, magpakalayo layo ka. Never show up in that place again!"
"What are you talking-"
I was stunned when I heard a loud bang on the other line at ang pagbagsak ng kung ano
"OhmyGod! Alberto! Wake up, please wake up"
Did I just heard a gunshot? fuck. Napatayo ako at naitakip ang kamay sa bibig. I wasn't sure if it was a gunshot but hearing that sound and Mommy telling dad to wake up fuck! I don't know what to think!
Nagsimulang manubig ang mata ko nang may muling magsalita sa kabilang linya
"G-go away, Sylvia save yourself. Save Severina." his voice became airy . I heard my mother's sob. Nag unahang tumulo ang mga luha mula sa mata ko.
I don't know what's happening. Nagsimulang manginig ang kamay ko. They're in danger at wala man lang akong magawa!
Another gunshot and I kneeled on the floor.
"S-save yourself my princess, go away seven. I-i love you so much..."
"Mommy? Hey? mommy?" the line didn't ended until a loud sound again reached my ears. Namatay ang tawag, I tried to called daddy again but the line was out of coverage area! Damn!
Ilang minuto akong nakasalampak sa sahig, pinipigil ang paghikbi. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. I can't accept it pero alam ko. The moment I heard my mom telling to leave this place I am in danger. Hindi ko alam kung anong nangyayare basta alam ko wala na, wala na sila. The loud sound makes me feel that they're gone.
Tumayo ako at nagpahid ng luha pero hindi pa rin ito tumitigil sa pag agos. I need to get out of here. Tinignan ko si Huge, sleeping soundly on my bed. I love this man so much. He's all I have right now but as my Mom said, I have to leave. Maybe the one who killed my parents are after me na. I can't risk his safety, I can't risk the safety of my dad's innocent people here. I have to leave Eugene even if it means being selfish. I have to save myself. Bonus nalang na hindi sila madadamay kasi wala na ang hinahanap ng mga pumatay sa magulang ko.
I gather myself and lean towards him, I tried to keep myself silent as I kiss his forehead.
I'm so sorry, Huge.
Maingat akong lumabas ng mansyon. Tinakbo ko ang daan papunta sa labasan kahit pa madilim at malamig. Wala akong dalang kahit ano I just went out not thinking what will happen next. Ang kailangan ko lang ay makaalis sa rehiyon. Kailangan kong mangibang lugar.
**
Kita sa paligid ko ang mga taong mukhang respetado sa bawat mesa ay naghahanap ng aliw. Naghahanap ng kasiyahan sa malungkot na gabi.
Ang baywang ko ay sumasabay sa saliw ng musika hindi alintana ang malagkit ng tingin ng mga manonood.
Ito na ang buhay ko, ito na ako isang tagapagbigay aliw, tagatugon sa init ng mga katawan nila.
Tumingin ako kay Mamu na nasa gilid ng entablado. Sumenyas ito na may gusto daw ng private show mula sa akin kaya ng matapos ang kanta ay bumaba na ako ng entablado at nilapitan ito
"Regular customer ba natin ang gusto ng private show Mamu?" tanong ko ng makalapit ako
"Hindi hija pero mataas ang bayad kaya kinuha ko na at ikaw ang request" malaki ang ngiti sa labi nito, malaki nga siguro ang binayad para sa private show ko.
"Baka naman kaya malaki ang bayad Mamu kasi-"
"Hayaan mo na hindi ka na naman siguro birhen" napaawang ang labi ko sa sinabi nito, maglilimang taon na akong nagshoshow sa bar na ito pero ni isang beses hindi ako pumayag na mahawakan man lang ako kahit sa braso, nagagawa ko magbigay ng private show sa kondisyong nakatali ang mga kamay ng customer.
"Pero Mamu-" sinubukan ko pang pilitin siya pero pinigil niyang maituloy ko ang sasabihin
"'Wag ka ng umangal pa Seven nakapirma na ako sa kasunduan, magtino ka ayokong masira ang reputasyon ko tandaan mo malaking tao ang bibigyan mo ng aliw ngayon, bihira ng may pumasok na ganoon kalaking tao dito sa bar natin kadalasan hanggang mga City counselor nalang ang customer natin, jackpot tayo dito Seven!"
Wala na akong nagawa at pumayag nalang sa gusto ni Mamu kahit kinakabahan ako sa pwedeng mangayare sa akin pagkatapos ng gabing ito.
Hindi naman pipitsugin ang mga customer namin dahil high end bar naman itong pinagtatrabahuhan ko, kadalasan ay mga businessman, Mayor, City counselor at kung susuwertehin ay may Congressman pa, siguro Congressman ang gusto ng private show ko kaya tuwang tuwa si Mamu.
Tumigil kami sa paglalakad ng bouncer na may hawak sa akin. Suot ang kulay pulang lingerie na halos see through na at ang private parts ko lang ang natatakpan, may pulang gloves sa makabilang kamay ko, may hawak akong stick sa kanang kamay ko na parang pamalo sa kabayo, suot ko rin ang isang chocker na pula and my hair is in high ponytail, I'm also wearing high heels. Inayusan din ako ni Mamu kanina kaya bago ang disenyo ng make up ko pagkatapos ay pinagsuot ng blindfold, hindi ko alam kung para saan iyon.
Narinig ko ang katok sa pinto ng bouncer kasunod ang tunog ng pagpihit ng doorknob kaya inayos ko na ang tayo ko, inalalayan ako ng bouncer papasok hanggang tumigil kami sa maliit na entablado pinahawak ako sa pole kaya alam kong nasa lugar na ako kung saan kadalasan akong nagbibigay aliw.
Makalipas ang ilang minuto narinig ko na ang pagsara ng pinto hudyat na pwede ko ng tanggalin ang takip sa mata. Nasilaw ako sa liwanag na tumama sa mata ko kaya mapatakip ako ng mata gamit ang dalawang kamay, hinahayaang masanay ang mata sa liwanag.
Ibinaba ko ang kamay ko at laking gulat ng makita ko kung sino ang nakaupo sa mahabang sofa sa harap ko, nakadekwatro, nakasandal ang likod at nakapahinga ang dalawang braso sa sofa.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko.Nanginginig ang katawan ko habang nakatitig sa mukha niya.
Madilim ang titig niya sa akin, halos magdikit na ang mga kilay. Clenched jaw, an almost line lips, dangerous eyes that is his face right now.
"Finally, I caught you my dear Severina"
BINABASA MO ANG
Caught (Dangerous Man Series #1)
RomanceIbinaba ko ang kamay ko at laking gulat ng makita ko kung sino ang nakaupo sa mahabang sofa sa harap ko, nakadekwatro, nakasandal ang likod at nakapahinga ang dalawang braso sa sofa. Hindi ko alam ang mararamdaman ko.Nanginginig ang katawan ko haban...