Kinabukasan ay maaga akong nagising kahit napuyat ako kagabi kakaiyak dahil sa kung ano anong iniisip ko. Magsisimba kami nina Mommy at Daddy. I get up and pick my clothes and did my morning routine after. I wore a white puff sleeves dress that has three buttons in font as its accent, skin toned doll shoes while my hair is in high pony tail. Naglagay din ako ng kaunting cheek tint at lip tint para naman may kulay ako at hindi mukhang bangkay na naglalakad. I put on my cream colored sling bag then went downstairs.
Naabutan kong nag aalmusal na ang mga magulang ko sa dinning. Hindi man lang ako hinintay, does they hate me that much? Lumapit ako sa kanila para humalik, I don't usually do it just now. Kaya kita ko ang ngiti ni Mommy at ang tingin sa akin ni Daddy, nagtataka. They are wearing a formal attire kahit magsisimba lang naman kami.
"Why are you dressed up like that Severina?" he won't even call me Seven. Yumuko nalang ako dahil sa naisip
"W-we are going to church diba po?"
Narinig ko ang pagtama ng kutsara sa plato. Hindi ba linggo ngayon?
"Hija, hindi ba namin nasabi sayo ng Daddy mo na ngayon ang alis namin papuntang Manila?"
WHAT?! ANONG GAGAWIN NILA SA MANILA?!
"Ngayong linggo gaganapin iyong seminar ng Daddy mo for the wine production," Napatingin na ako sa kanila
"W-what?" I can't believe it that they didn't even inform me! Ibig sabihin iiwanan nila ako dito with the maids? Pano nalang kung may manloob?!Hindi ba sila nag aalala sa akin na baka mapaano ako?!
"C-can I just come-"
"No. You'll stay here Severina, Huge will guard you" Ganon na ba katigas ang puso ni Daddy?
I waved as our car started moving, tinanaw ko ito hanggang sa mawala sa paningin ko. I am left here with Huge. Sabi ni Mommy I can still go to church today but of course I have to be with this guy.
"Tara na, mahuhuli tayo sa misa" para akong nakuryente ng hawakan niya ang mga siko ko, nilingon ko iyon at saka ang mukha niya. He's just looking at me nakataas ang kilay at hindi inaalis ang kamay sa siko ko. Suot niya ang kulay puting v neck shirt, pantalon na maong iba sa karaniwan niyang suot mukhang ilang beses palang naisusuot at ang kulay kayumanggi na topsider. Nawala lang ang tingin ko sa kanya ng marinig ko ang tawag ni Manay Nimyah,
"Huge hijo, andyan na si Manoy Karding dala na ang kalabaw"
Teka? Anong gagawin sa kalabaw?!
Hawak pa din nito ang siko ko ng lingunin si Manay Nimyah, ngumiti ito at sinabing parating na.
"Tara?" alok niya
"Diba magsisimba tayo?"
"Oo nga,"
"E anong gagawin mo sa kalabaw akala ko ba mahuhuli na tayo sa misa?" naguguluhan kong tanong
BINABASA MO ANG
Caught (Dangerous Man Series #1)
RomanceIbinaba ko ang kamay ko at laking gulat ng makita ko kung sino ang nakaupo sa mahabang sofa sa harap ko, nakadekwatro, nakasandal ang likod at nakapahinga ang dalawang braso sa sofa. Hindi ko alam ang mararamdaman ko.Nanginginig ang katawan ko haban...