|I|tigil ko na kaya ang nararamdaman ko para kay Han at mag move-on nalang? Wala nanaman akong pag-asa sa kanya eh.
Baba ko ang obsession nya at ang gusto nya. Hindi ako.
Speak of the devil—este anghel na bumaba sa langit. (-_-)
"Hi, Sehun!!!"
Papansinin ko kaya sya?
No, hindi ko sya papansinin. Nasa proseso na nga ako nang paglimot sa nararamdaman ko para sa kanya tapos papansinin ko sya? 'Wag Sehun, 'wag na 'wag mo syang papansinin kahit pa kumikislap-kislap ang mga mata nya, ang cute nya tingnan ngayon at kahit pa napakaganda nya talagang Human—
"Hi, Han..." Deer... Bwiset. (-_-)
Hinawakan nanaman nya ang baba ko.
"Hi, Baba ni Sehun!" urghh!!! Bakit ba ang hirap kalabanin ng kakompetensya ko? Kapag tinabas ko 'to, patay din ako. (-_-)
Hindi ba pwedeng ako nalang Han ang pansinin mo at 'wag nalang ang baba ko?
"Sehun, sabay na tayo papunta sa classroom?"
"No." sorry Han, I hope you know, I hope you know... That this has nothing to do with you. It's personal, myself and I, we got some straightening out to do... And I'm gonna miss you like a child misses their blanket— wait, kanta na ata 'to. (-_-)
Pero seryoso ako Han, buo na ang desisyon ko. Gusto kong kalimutan na ang nararamdaman ko para sa'yo kaya simula ngayon, iiwasan na muna kita.
Yung kanina nyang blithesome expression ay napalitan bigla ng crestfallen face, nakakapagtaka. Pero sa tingin ko, alam ko na ang dahilan. Obvious naman na eh.
Kasabay nito, unti-unti nang ini-invade ng "guilt virus" ang sistema ko.
Na-deadpan ko si Han. Hindi ko intensyon 'yon pero I am so airheaded. Tsk! (-_-)
"Uhmm... I mean, mauna ka na, Han. Pupunta pa akong CR eh."
"O-okay!" Han tried but he failed na mag-react as if he was not hurt. Lalo tuloy akong nakokonsensya.
Pero kailangan ko muna talaga 'tong gawin, kailangan ko munang i-hiatus ang relasyon naming dalawa para pareho na kaming maging masaya kapag magkasama at wala ng damdamin na ikikimkim pa ang isa saaming dalawa.
Tumango ako at naglakad patungo sa kabilang direksyon.
(-_-) ♥ ‛(^.^)’
|I|lang araw na akong absent dahil ayokong makita si Han. Iniiwasan ko nga kasi sya diba? Dinadahilan ko nalang sa mga magulang ko na masama ang pakiramdam ko.
(TOK! TOK! TOK!)
May kumakatok sa pintuan ng kwarto ko pero dahil tinatamad akong bumangon at gusto ko din ngang mapag-isa muna'y hindi ako tumugon para bigyan sila ng permiso na pumasok at nagkunwari nalang akong tulog. Pero dahil obstinate feces—mga feces ang nasa labas, dahil dalawang knuckles na ang naghahalinhinan sa pagkatok sa may pinto, sila na ang nagkusang buksan ang pinto ng kwarto ko.
Such an unabashed obstinate feces. (-_-)
Agad-agad naman akong nagtalukbong ng kumot.
"Babalol..." Chanyeol? Ba't nandito ang Yoda na 'to?
"Sehun..." pati si Negro nandito din!
"Alam naming gising ka at wala kang sakit kaya bumangon ka na dyan, Babalol."
Inalis ko ang kumot na nakatalukbong saakin.
"What?"
Pinitik bigla ni Yoda ang noo ko. (-_-)
"Aray! Para saan 'yon!?"
"Para sa pagiging tanga mo."
"Pagiging tanga!? Bakit? Pinitik ba kita sa noo dahil lang sa pagiging tanga mo!?" tss! Siya naman ang tanga eh. (-_-)
"Aysh! Pumasok ka na sa school, pati mga nililigawan namin ni Negro naapektuhan sa inaasal ng USA MO ngayon eh!" inaasal?
"Ano namang inaasal ng Usa na 'yon? Atsaka kinakalimutan ko na ngayon ang nararamdaman ko para sa kanya kaya hindi ko na sya pag-aari."
Binatukan naman ako ngayon ni Kai. Ano bang mga problema ng mga loony na 'to!?
"Nakakadalawa na kayo, ha!"
"Ginagawa namin 'yan para matauhan ka, Babalol. Kung makikita mo lang kasi ang kalagayan ngayon ni Usa, ang tamlay-tamlay nya! Kailangan ka nya, Oh Sehun! Kailangan nya ang baba mo!" puta—
"Yun na nga eh! Baba ko ang kailangan nya kasi ito ang gusto nya at hindi ako! Kung pwede ko lang sana 'tong tabasin para ako nalang ang mapansin ni Luhan ay ginawa ko na eh! Kaso hindi, ayoko, masakit. Tsaka ko nalang ipakikita ang baba ko sa kanya kapag wala na akong nararamdaman para sa kanya..." (,-_-‚)
Binatukan ako parehas noong dalawa. Aba't!
"Seryoso, Babalol? Ikaw ba talaga ang Valedictorian ng section natin, ha!?" Chanyeol.
"Ikaw ba talaga yung "Man of Unfathomable Words" na kaibigan namin!?" Kai.
"Ikaw ba talaga si Oh Sehun!!!?" Kai at Chanyeol.
Hindi ako sumagot, see? Sila ang tanga. Itatanong pa nila kung ako nga 'to eh ako lang naman ang nag-iisang Oh Sehun na kilala at kaibigan nila eh. Mga tarantado talaga. (-_-)
Ngayon naman inalog-alog nila ako.
Pasalamat lang talaga ang mga loony na 'to, hindi ko pa sila pinapatulan!
"Sehun! Ang babaw, babaw mo!!! Ayshh!!! Sino ka bang sumapi sa kaibigan namin, ha!? Lumabas ka sa katawan nya!"
"B-Bwiset! Bitawan mo na ko Chanyeeoool! Nahihilo na akooo!" tsaka lang nya ako binitawan. Loony bastard! (-_-)
"Kapag ikaw hindi pa pumasok Babalol bukas, sinasabi ko sa'yo, si Han ang dadalhin namin dito sa bahay mo." what!? No way!
"Anong!? Bakit nyo sya dadalhin dito!? No!"
"No? Edi, pumasok ka." Yoda, sabay labas sa kwarto ko, sumunod naman si Kai.
"Bye, BABAWlol! See you tomorrow! " sabay kindat. Pwe! (-_-)
Papasok na ba ako bukas?
Ayshh!!! Bwiset talaga ang mga loony na 'yon! (-_-)
(-_-) ♥ ‛(^.^)' ♥ (-_-) ♥ ‛(^.^)' ♥ (-_-) ♥ ‛(^.^)' ♥ (-_-) ♥ ‛(^.^)' ♥ (-_-) ♥ ‛(^.^)'
[DO ni May-akda]
»19 PM- (19)94, Oh Sehun
Pathcode #OhSehunsChin
» Dedicated to: byunmae1008 (Sorry at ngayon ko lang nai-dedicate sa'yo pero SALAMAT SA PAG-VOTE/ PAG-COMMENT/ O KUNG ANO PA MAN SA STORY KO! MARAMING (TO THE 100TH POWER) SALAMAT VHI!!! \(ㅇㅂㅇ)/ )
BINABASA MO ANG
Oh Sehun's Chin
FanfictionAng tanging hiling lang naman ni Oh Sehun ay mapasakanya ang pinakamamahal nyang si Lu Han. Ngunit tila hindi sang-ayon sa kanya ang tadhana dahil ang palagi lamang hinahanap-hanap ni Han ay ang "baba" ni Sehun. Hindi akalain ng ating bida na magigi...