[IX]- Xi Han Usa Lu

444 26 18
                                    

|H|uminga muna ako ng malalim.

Ito na talaga.

"Alam mo, ang daya mo." tumigil sya sa paglalakad.

"Hindi mo ako pinagsalita kanina."

Tuluyan na syang humarap saakin.

"Han..."

"Hep! Ako naman ngayon ang pipigil sa'yo!"

Bumuka ang bibig nya pero sumarado din agad ito.

"Gusto din kaya kita..." napangiti ako ng mapait tsaka yumuko. Hanla, naiiyak na ako!

"Bakit naman sa baba mo lang ako magkakagusto? Nagkagusto na nga lang ako sa isang parte ng katawan mo, hindi ko pa nilahat?" tumingin na ako ng diretso sa kanya.

Nangingilid na ang luha ko. Ang babaw-babaw talaga ng luha ko! ‛(~,~)’

"Your chin is my obsession, your lips are my temptation but you, Oh Sehun, you are my... You are my passion." nagulat ata sya.

"Kaya 'wag na 'wag mong kakalimutan ang nararamdaman mo para saakin kasi magiging... Magiging m-madaya k-ka!"

Sa pangalawang pagkakataon, tuluyan na akong napaiyak. ‛(π.π)’

Naramdaman ko nalang na may dalawang brasong pumulupot saakin.

"Shh... S-Sorry Han. I think I'm the gormless here... Don't cry please..."

Hinampas-hampas ko ang dibdib nya.

"K-Kung ano man ang meaning ng *hik* gormless na 'yan, o-oo! Ikaw *hik*nga 'yan!"

"Ha-ha! Gormless means very stupid or foolish... Pero, Han..." hinawakan nya ang baba ko at itinaas ito kaya magka-face to face na kami ngayon.

Bumilis naman ang tibok ng puso ko.

Nandito parin kami sa may sidewalk.

Tumigil na ako sa pag-iyak, pahikbi-hikbi nalang.

Magkayakap parin kami.

Share lang naman.

"Bakit obsession mo ang baba ko? At bakit mo temptation ang labi ko? Hmm?" tapos ngumisi sya. Namula tuloy ako at lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Obsession ko ang baba mo sa hindi ko malamang dahilan pero temptation ko yang labi mo dahil..."

"Dahil?"

"Dahil gustong-gustokonghalikanyan.." nakakahiya!

Mas lumawak ang ngisi nya.

"Well, 'yan lang ang hudyat na kailangan ko..." nangunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nya.

Nagulat ako nang halikan nya yung gilid ng magkabila kong mata na dinaanan ng mga luha ko.

Bumaba ang halik nya sa magkabila kong pisngi.

Lumayo muna sya para ngumiti saakin nang pagkatamis-tamis.

Namula ako at bumilis nanaman lalo ang tibok ng puso ko.

Tapos unti-unti ulit lumapit ang mukha nya saakin habang sya'y nakapikit.

Napapikit na din ako.

Naramdaman ko nalang na may malambot na labing lumapat sa labi ko.

Hindi ko na temptation ang labi ni Sehun...

Addiction ko na.

Obsession ko ang baba ni Sehun, addiction ko na ang labi nya at sya?

Oh Sehun, mahal na talaga kita...

(-_-) ♥ ‛(^.^)’

[DO ni May-akda]

»22 PM- Sehun (22 years old)

Pathcode #OhSehunsChin

» Dedicated to: gaylorrd (Sorry at ngayon ko lang nai-dedicate sa'yo pero SALAMAT SA PAG-VOTE/ PAG-COMMENT/ O KUNG ANO PA MAN SA STORY KO! MARAMING (TO THE 100TH POWER) SALAMAT VHI!!! \(ㅇㅂㅇ)/ )

Oh Sehun's ChinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon