[V]- Xi Han Usa Lu

452 23 18
                                    

|I|'ll tell you a story...

Once upon a time, when the time was still not that precious time for the people who use time that time—

HAHAHAHAHA! Joke lang! Tawa kayo, please! Gusto ko laging masaya ang nasa paligid ko. ‛(^.^)’

Pero seryoso na, ito yung kwento ko:

May gusto akong tao at sa hindi malamang dahilan ay obsess na obsess ako sa baba nya. Gustong-gusto ko syang mahalikan dahil bukod sa baba nya, gustong-gusto ko din ang mga labi nya kaya naisipan ko tuloy na gamitin ang obsession ko sa baba nya para mahalikan ko sya.

Ito yung rising action:

Noong nakaraan, nagpunta siya kasama ng mga kaibigan nya sa cafe ng tita ko na kung saan, ako'y isang cashier. Eksaktong sya yung umorder sa kanilang tatlo kaya noong nasa harap na sya ng counter ko'y hinila ko ang baba nya, kinilig ako dahil magkaface to face kami!!! Biglang pumasok sa isip ko na ito na yung tamang pagkakataon para mahalikan ko sya.

Kaso...

Naunahan ako ng panghihina ng loob kaya ayun, baba nya ang hinalikan ko. Pero kahit gano'n namula parin ako, natakot ako na baka tuluyan syang ma-akward saakin at hindi na nya ako pansinin forever kaya sinundan ko agad 'yon ng pagtatanong sa kung ano ang oorderin nya. Sobrang thankful ako sa araw na 'yon.

Ito naman yung climax:

Noong isang araw ay nakasalubong ko sya, parang may iniisip sya. Nilapitan ko sya at inayang magsabay na kami papunta sa classroom kaso nasaktan ako sa pagtanggi nya na kahit ang kalma nang pagkakasabi nya'y parang sinisigaw na nya 'yon saakin sa kalooban nya. Pagkadating ko nga sa classroom namin that time umubob agad ako at tahimik na umiyak.

Hindi ko alam kung bakit sya naging ganoon saakin.

Ngayon naman, magtatatlong araw na syang absent, nalulungkot ako kasi pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit sya absent kahit hindi ko alam ang dahilan. Gusto ko syang kausapin pero paano ko nga sya kakausapin kung absent nga sya? Haay... ‛(_ _)’

"Han, cheer up! Sabi nga sa isang kanta ni Taylor Swift, everything's gonna be alright~" sabi ni Baekhyun sabay ngiti, nginitian ko din sya ng pilit.

"Shake it off muna, Han..." sabi naman ni Kyungsoo tapos nagduet na sila ni Baekhyun. Mukha silang mga baliw, pinagtitinginan na nga sila ng iba naming mga kaklase eh. Hahaha!

Kahit papaano napatawa nila ako.

Wala pa namang conclusion ang story ko eh... Sana nga maganda ang resolution para hindi tragic ang ending. ‛(,^.^,)’

(-_-) ♥ ‛(^.^)’

[DO ni May-akda]

»19(94), Oh Sehun- 9+4=13 PM

Pathcode #OhSehunsChin

» Dedicated to: Laloyy (Sorry at ngayon ko lang nai-dedicate sa'yo pero SALAMAT SA PAG-VOTE/ PAG-COMMENT/ O KUNG ANO PA MAN SA STORY KO! MARAMING (TO THE 100TH POWER) SALAMAT VHI!!! \(ㅇㅂㅇ)/ )

Oh Sehun's ChinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon