|M|alungkot kong tinatahak ang kahabaan nitong side walk papunta sa bahay nila Chanyeol para tanungin kung saan nakatira si Sehun. Hindi pa kami tapos mag-usap eh, hindi nya pa naririnig yung side ko.
Pipindutin ko palang sana ang door bell na nasa gilid ng gate nila Chanyeol nang biglang iniluwa na mismo ng gate sa harapan ko si Chanyeol.
"Chanyeol!"
"Luhan!?"
"Chanyeol!"
"Luhan!?"
Ay ano ba ito! HAHAHA! ‛(‚^.^,)’
"Chanyeol..." at bigla akong napayuko.
"Oh, anyare naman bigla sa'yo?"
"Nakausap ko si S-Sehun... Umamin sya na gusto nya ako pero kakalimutan nya na daw yun kasi daw mas gusto ko daw ang baba nya at hindi ko kayang ibalik ang nararamdaman nya para saakin. Yoda! Hindi nya ako binigyan ng chance na umamin din! Gusto kong malaman kung saan sya nakatira... Hindi pa kami tapos mag-usap eh, hindi nya pa napapakinggan yung side ko." napa-nguso nalang ako. Pinipigilan kong umiyak sa harapan ni Chanyeol, nakakahiya kaya.
Oo, mababaw kasi ang mga luha ko. ‛(~,~)’
"Aysh! Sino kayang tangang kaluluwa ang pumasok sa katawan ng taong 'yon!? Dibale, Luhan, sasamahan kita papunta sa bahay nila dahil paaalisin ko din yung tangang kaluluwang pumasok sa katawan ng Babalol na 'yon."
"Thank you, Chanyeol!" boto na ko kay Chanyeol para kay Baek! ‛(^.^)’
"Let's go!" tapos naglakad na kami papunta sa bahay ni Sehun.
(-_-) ♥ ‛(^.^)’
|N|ag-door bell kami sa bahay ni Sehun.
Bumukas ang gate at dumungaw dito ang nanay ata ni Sehun, ang mother-in-law ko. ‛(^.^)’y
"Tita, si Sehun po?" tanong ni Chanyeol habang ako'y nasa likod lang nya.
"Lumabas sya kanina eh, hindi pa nabalik. Pumasok ka muna— teka, sino 'yang kasama mo? Girlfriend mo?" hanla! Napagkamalan akong babae ni Mama! Oops! HAHAHA!
Hindi po ako girlfriend ni Chanyeol, soon-to-be-girlfriend po ako ng anak nyo. HIHIHI! ‛(^.^)'y
"Ay hindi po! Nililigawan po 'to ni Sehun, sinamahan ko lang po dito para po makausap si Sehun. Sasagutin na po ata nya." binatukan ko nga. Ang baliw talaga nitong si Chanyeol! Bagay talaga sila ni Baek! ‛(~,~)’
"Naku! Huwag po kayong maniwala dito! Hindi po ako nililigawan ni Sehun, lalaki din po ako, hehe!" ni-reject nya nga ako eh... ‛(π_π)’
"Eh!? Hanla! Mukha kang babae 'toy! Sayang naman at hindi ka pala nililigawan ni Sehun, mas boto na ako sa'yo keysa dyan kay Chanyeol at doon sa isa nyang kaibigan, si Kai! Umamin din namang bading yung anak ko at dahil desente naman ang pagiging bading nya'y natanggap ko. Ireto ko na sa'yo, 'toy! Mabait 'yon! Honesto, pramis!" natutuwa naman ako kay Mama. Teka alam nya din kayang bading ako?
Kahit hindi nyo na din po ireto, matagal ko na din kasi syang gusto eh! He-he! ‛(^.^)’y
Napatawa nalang ako dahil hindi ko na alam ang isasagot ko, siniko ko na si Chanyeol dahil magdidilim na pero hindi ko parin nakikita at natatapos kausapin si Sehun.
"Tita naman eh! Haays! Thank you nalang po! Baka pumunta kila Kai 'yon, sige po, alis na po kami." Chanyeol.
"Teka! Hindi ko pa kilala 'yang irereto ko sa anak ko! Ano nga bang pangalan mo 'toy?"
"Ako po si Lu Han! Nice meeting you po, tita!" tapos nag-bow ako.
"Call me mommy!" tapos kumindat pa si tita—este mommy, mommy daw eh.
"O-okay po... Mommy."
"Kyaaah!!!" hanla!
Nagpaalam na kami nang tuluyan ni Chanyeol bago pa din hindi na namin mahanap si Sehun ng tuluyan.
"Phew! Masanay ka na sa mama ni Sehun, Han, magiging in-law mo din naman sya sa future eh."
"Oo nga eh! Hahaha!"
"Hahaha—teka! Si Sehun oh!" sinundan ko yung tinuturo ni Chanyeol at tama nga sya! Si Sehun nga 'yon na naglalakad mag-isa.
Tatawagin na sana sya ni Chanyeol kaso hinawakan ko ang braso ni Yoda.
"Ako na'ng bahala..."
"Sigurado ka?" tumango-tango ako habang nakatingin sa naglalakad na pigura ni Sehun.
"Salamat, Chanyeol. Babawi ako sa'yo pagkatapos nito. Sige na, umuwi ka na. Maggagabi na din oh!"
"Geh, Han..." at umalis na nga si Chanyeol.
Tumakbo naman ako papalapit kay Sehun.
(-_-) ♥ ‛(^.^)’
[DO ni May-akda]
»Lu Han- 26 years old (2+6=8) 8 AM
Pathcode #OhSehunsChin
» Dedicated to: Thesleepyhead101 (Sorry at ngayon ko lang nai-dedicate sa'yo pero SALAMAT SA PAG-VOTE/ PAG-COMMENT/ O KUNG ANO PA MAN SA STORY KO! MARAMING (TO THE 100TH POWER) SALAMAT VHI!!! \(ㅇㅂㅇ)/ )
P.S: Sorry thesleepyhead101 ulit dahil na-typo ko! (ㅅㅂ ㅅ)y
BINABASA MO ANG
Oh Sehun's Chin
FanfictionAng tanging hiling lang naman ni Oh Sehun ay mapasakanya ang pinakamamahal nyang si Lu Han. Ngunit tila hindi sang-ayon sa kanya ang tadhana dahil ang palagi lamang hinahanap-hanap ni Han ay ang "baba" ni Sehun. Hindi akalain ng ating bida na magigi...