|M|onday. Syempre nasa paaralan kami para pag-aralan ang mga aralin ng isang Senior Highschool student na makakalimutan din naman namin pag-uwi sa bahay, maliban nalang kung may ibibigay na takdang aralin ang mga guro at sinipag silang magbigay ng quiz kinabukasan, kailangan ulit naming pagbalik-aralan 'yon pag-uwi sa aming mga tahanan.
Nandito ako ngayon sa locker room sa kadahilanang nandito din ang mga perverted kong kaibigan na minamanyakan ang mga "crush" kuno nila na mga kaibigan naman ni Han. Pero hindi naman literal na minamanyakan nila ang mga ito, tinawag ko lang na "minamanyakan" dahil ang paraan nang pagsilay nila sa mga ito ay tinatawag na "Green-mindeds' Stripping"- hinuhubadan nila ang mga ito sa kani-kanilang mga makamundong utak.
May isang bagay akong hindi nabanggit tungkol sa mga loony kong kaibigan sa aking prologue,
Mahilig silang manood ng porn. (-_-)
Pinapaalala ko lang sa inyo, hindi.ako.nanonood.ng.porn. Receptive lang ako sa bagay na 'yan kaya huwag nyo akong pag-isipan ng kung anu-ano, mga ugly at narrow-minded feces!
And, my libido is below the average so don't compare me with my loony and perverted friends. (-_-)
Ngayon, sa tingin ko'y natapos na ang kanilang "Green-mindeds' Stripping" escapade sa kani-kanilang mga "crush" kuno sa loob ng kani-kanilang mga makamundong utak dahil dumating na ang inaasahan kong dumating, eto na nga't itinutulak na ako ng mga tarantado kong mga kaibigan palapit sa kanya para maka-chansing na din sila sa mga "crush" kuno nila.
(lubdublubdublubdub)
Hindi ako tanga para mag magtanga-tangahan pa at sabihing nagpa-palpitate lang ako kaya ganito ang tibok ng puso ko. Inlove nga kasi ako dito sa napakagandang usang nasa harapan ko na ngayon. (-_-)
"Hi, Han..." bati ko sa kanya bago sya bigyan ng isang tipid na ngiti.
Yung mga kaibigan ko namang mas ma-flirt pa sa tunay na babae'y parang mga leon na bumebwelo muna bago sunggaban ang kanilang mga prey. Hindi ko na sila pinakialaman pa, bahala silang gumanan nang gumanan, ewan ko lang kung mapansin sila ng mga pa-hard-to-get nilang mga crush. (-_-)
"Hello, Sehun!!!" sabay ngiti din nya.
Nalampasan ko na ang Cloud 9 at naabot ko na ang Cloud 12...
Ngunit hindi din 'yon magtatagal. I've already speculated what this beautiful doe-eyed deer will going to do sooner.
May kakayahan kasi syang hindi nya alam na mayroon sya, ang maging "humbug".(-_-)
Hinawakan na nya ang baba ko sabay sabing,
"Hi din sa'yo, Baba ni Sehun! Ang haba mo talaga, kaya gustong-gusto kita eh!" na syang dahilan ng pag-asim ng ekspresyon ko.
See? Isa syang mapanlinlang na usa. Lalapitan ka at paaasahin lang dahil hindi naman ikaw ang gusto nya. (-_-)
Pero kalaunan naman, kahit papaano, sinusundan nya din naman ito ng mga katagang,
"Ikaw ang pinakapaborito kong ice cream cone sa lahat at si Sehun naman ang pinakapaborito kong flavor!" na makakapagpangiti naman saakin.
Pero madali lang din lilipas 'yon dahil...
"Bakit ba gustong-gusto mo 'yang baba ni Sehun, Han ha? Alam mo bang ikamamatay mo ang katalasan ng baba nya?" biglang eepal kasi ang kaibigan nyang si Baekhyun na may euphemistic na tanong. (-_-)
Eh bakit ang bakla nyang mata mo?
Isip-isip ko nalang. Tss. Kalalaking tao may eyeliner sa mata. (-_-)
Sabagay, hindi naman talaga sya lalaki at lalong hindi din naman sya tao. Isa syang baklang poodle na parang pusang pa-hard-to-get pa, papasunggab din naman. (-_-)
Ang sama ko? Masanay ka nang ugly feces ka. (-_-)
Sinamaan ko nalang sya ng tingin at hindi na ako sumagot pa, alam ko nanaman ang susunod na mangyayari eh,
"Not all chins are like Sehun's!" sasagutin na din naman kasi sya ni Han.
Sa huli, nasaakin pa din ang huling halakhak at kilig.
Eww, ang bakla... (-_-)
"Yah, Baba ni Sehun! Tara na nga! Iwan nalang natin 'yang mga 'yan! Mga bad sila! Hmmp!" sabay hila saaking baba palayo sa mga perverted kong kaibigan at mga pa-hard-to-get nyang mga kaibigan.
Nakakaselos na talaga ang baba ko. (-_-)
Gayunpaman, ang pagiging inosenteng isip-bata ng usang 'to ang isa pang dahilan kung bakit minahal ko sya at minamahal pa lalo.
Kahit pa obsess na obsess sya sa baba ko. (-_-)
Napangiti nalang ako sa aking isipan nang maisip ko nanaman ang nararamdaman ko para kay Han.
Tsaka nagpahila nang nagpahila sa kanya patungo sa nothingness.
(-_-) ♥ ‛(^.^)'
[DO ni May-akda]
»12 of 05/12/1994 on PM- 05/13
Pathcode #OhSehunsChin
» Dedicated to: angeltears_17 (Sorry at ngayon ko lang nai-dedicate sa'yo pero SALAMAT SA PAG-VOTE/ PAG-COMMENT/ O KUNG ANO PA MAN SA STORY KO! MARAMING (TO THE 100TH POWER) SALAMAT VHI!!! \(ㅇㅂㅇ)/ )
BINABASA MO ANG
Oh Sehun's Chin
FanficAng tanging hiling lang naman ni Oh Sehun ay mapasakanya ang pinakamamahal nyang si Lu Han. Ngunit tila hindi sang-ayon sa kanya ang tadhana dahil ang palagi lamang hinahanap-hanap ni Han ay ang "baba" ni Sehun. Hindi akalain ng ating bida na magigi...