This story is originally composed by this writer.
Copying this story without permission from said author / writer lead to a plagiarism case.
Copyright © sofyiewhat,2014
************************************
Isang-daang taon na ang nakalilipas....
Payapang nahihimbing ang reyna sa kanyang higaan ng walang ingay na bumangon ang kabiyak nito at tumungo sa lihim na lagusan sa kanilang silid. Isang mahabang pasilyo ang nilakad ng hari makarating lamang sa isang magandang lugar, ang lugar kung saan walang nakaaalam kundi sya lamang at isang taong mahalaga sa kanya.
Sumilay ang ngiti sa hari ng masulyapan nya ang imahe ng taong nakaupo sa di kalayuan at tila ay naghihintay.
" matagal ka bang nag-antay sa akin.? " tanong nito na nagpatigil sa kung ano man ang ginagawa ng taong nag-aantay sa kanya.
"Hindi naman ganoon katagal kamahalan.. " sagot nito sa malamyos na boses. Agad itong tumayo at bahagyang lumapit sa hari, walang pag-aatubiling ginawad ng hari ang isang napaka-init na yakap dito.
" Tara maupo tayo... " saad into matapos ang ilang minuto ng pagyayakapan. Naupo ang dalawa sa ilalim ng puno.
Walang may gustong magsalita. Tanging ingay lamang ng ilog ang tanging naririnig.
" nais ko nang bumitaw sa trono.. Mahal.. " basag ng hari sa katahimikan, tila naman nagulat ang binibining kasama nito at humarao sa hari.
" p-pero kamahalan.. Hindi ninyo maaaring gawin iyan.. " ganting sagot ng binibini. Marahang hinaplos ng hari ang ngayong nanlalamig na kamay ng kasintahan at dinala ito sa kanyang pisngi.
" hindi ko na nais na magsinungaling pa sa aking reyna.. Alam mo na sa simula pa lang ikaw na ang tinitibok nito.. Ngunit isa akong malaking hangal upang sumang-ayon sa kagustuhan ng aking mga magulang... " mahabang lintanya nito.
" hindi ko na rin nais ang maglihim pa.. Nais ko nang ipakilala ka bilang ang aking iniibig.. Sawa na ako sa ganitong estado.. Ang palihim kitang kinikita at parang isang kriminal na nagtatago.. Mahal na mahal kita Helga.. Nais ko nang makasama ka nang walang inaalala... " dagdag nito, nag-unahang tumulo ang mga masasaganang luha mula sa mata ng dalagang si Helga at yumakap sa kasintahan.
" Handa akong lumaban basta kasama kita Alfon.. " malamyos na wika ng dalaga sa gitna ng pagtatangis nito. Inangat ng hari ang mukha ng dalaga at iginawad rito ang isang mainit na halik na unti-unti ay nauwi sa pagiisang katawan nila. Na mula pa lang sa simula ay alam na nilang mahigpit na kasalanan.
" ano ba itong pinasok mo Helga... Alam mo ba ang magiging kapalit ng inyong kapusukan..? " galit na tanong ng isang matandang babae sa ngayon ay luhaang dalaga.
" patawad po ina.. Mahal ko lamang po talaga si Haring Alfon.. " pagsusumamo ng dalaga sa kanyang ina.
" Anak... Anong mangyayari sa pag-iibigan ninyo kung ang buong kaharian ang hahamak sa inyo.. Tandaan mo sya ang hari at mayroon syang reyna.. Kalapastangan ang inyong ginagawa... Helga.. Sumama ka na lamang sa amin.. Magtungo tayo sa kabilang kaharian.. Kalimutan mo na sya.. " paki-usap ng matanda sa anak. Ngunit ganun na lamang ang gulat nito nang bigla itong tumayo at lumayo sa kanya.
BINABASA MO ANG
TLLWP book2 - Your Our Princess
WerewolfPanibagong yugto sa buhay ko ang muli kong pagbabalik sa kung saan ako nararapat. Ngunit bakit ganon? Buong akala ko magiging matiwasay na ang aking buhay ngunit hindi pala. Dahil sa panibagong buhay na ito. Panibagong pagsubok ang darating, may mga...