3 : The thruth About HER!!!

857 30 2
                                    


* Someones POV *

" Hoy! Babae.... Ano yan ha.? " panggulat na tanong sa akin ng kaibigan kong si Yuna. Nakatingin kasi ako sa litrato namin ni Ruth at ng Grupo ng Wolves.

" sino yang mga yan... Gwapo ha.? " tanong ulit nito sabay upo sa harap ko.

Alam nila na apektado ako sa Usok na lumupon ng alaala nila dito sa lupa, pero hindi dahil hindi nila alam na isa rin ako sa kanila.

Alam kong may misyon ako na patayin si Ruth upang hindi na sya makabalik sa palasyo, pero nung mga oras na maging kaibigan nya ako. Yung oras na kailangan nya ako, sa akin sya tumatakbo pag-umiiyak sya. Hindi ko mapigilang lumambot ang puso ko.

At nang makasama ko na sila, ang grupo ng espesye nya nagkaroon ako ng mas maraming kaibigan na wala nang nasa kaharian pa ako.

" ahh... Wala.. Bakit ka pala nandito? " tanong ko naman, habang nilalantakan nya yung pagkain ko. Matagal bago sya nakasagot sa tanong ko dahil mukhang nabulunan sya sa kinakain nya.

" may naghahanap kasi sayo sa labas ng gate.. Ewan ko dun.. Ang weird ng look.. Ang haba ng buhok.. Parang babae pero alam ko lalake.. Kulay pula yung buhok.. Tapos ang puti ng kutis parang di naraawan nung baby pa sya.. Nakakatakit pa kung tumingin.. " sagot nito ng naka-lumbaba. Hindi ko napigilang mapalaki ang aking mata ng mapagtanto ko kung sino ang sinasabi nya. Agad akong tumayo at tumakbo patungo sa gate ng school. Narinig ko pang tinatawag nya ang pangalan ko pero hindi ko na lang pinansin.

Ilang minuto lang ay nasa labas na ako ng gate, palinga-linga pa ako upang hanapin sya ng mataman ko syang nakasandal sa di kalayuang puno. Agad akong lumapit duon.

" bakit ka nagpunta dito.? " agad na tanong ko.

Bigla syang ngumiti at nagmulat ng mata,

Kita ko sa kanyang mata ang galit na alam kong pinipigilan lamang nya.

" isa kang walang kwentang babae.. Diba ang utos sayo ay patayin sya.. Bakit hindi mo iyon nagawa ha... Nakita mo ba ang nangyari.. Nasa kaharian na sya.. Nakabalik na sya.. " galit na turan nito sa akin.

Nakaramdam ako ng takot ng makita kong mula sa kulay itim na mata ay naging pula ito.

" pa-patawad.. Nadala kasi ako sa pagiging malapit sa kanila.. " sagot ko na lamang..

Sa isang iglap ay naramdaman ko na lamang ang kanyang kamay na mahigpit na nakahawak sa aking leeg.

" nadala.? Nadala ka sa pakikihalubilo mo? O sadyang kinalimutan mo lang.. " galit na tanong nito.

Sa sobrang higpit ng pagkakasakal nito sa akin ay pakiramdam ko'y mawawalan na ako ng hininga.

" pata--- w-warin... M-mo ako W-weno... H-h--hindi na ma-mauul--lit.. " dahil sa kakapusan ng hangin ay hindi ako makapagsalita ng maayos.

Lalong humigpit ang pagkakasakal nya sa akin ng may bigla akong marinig na salita.

Agad naman nyang binitawan ang leeg ko. Na syang hudyat upang makahinga ako.

" Hoy... Anong ginagawa mo.? " sinulyapan ko ang may-ari ng boses na syang umantala sa amin at doon ko nakita si Yuna na patakbong papunta sa amin.

" Y-yuna.. " hirap kong sambit ng makalapit ito sa amin.

Agad itong humarap kay Weno at walang sabi-sabing sinampal ito.

" ang kapal ng mukha mong saktan ang kaibigan ko... Hoy! Lalake hindi tama yang ginagawa mo sa girlfriend mo no.. Ang kapak mo.. At talagang may balak kang patayin sya ha.. " diretsyo nitong sagot kay Weno, habang si Weno ay nakangisi lang na nakatitig kay Yuna.

" tandaan mo to... May misyon si Kris.. Wag kang papahuli.. Naiintindihan mo..?" Galit na bilin nito sa akin, napatango na lang ako "At ikaw.." Baling niyo kay Yuna "Wag kang pakialamera kung ayaw mong madamay dito.. " agad itong tumalikod sa amin at umalis.

Nang makaalis ito ay sya namang hila ko kay Yuna palayo.

" ano bang problema nang boyfriend mo..? May away ba kayo? Pero dapat hindi ganun.. Eh halos patayin ka na nya sa pagkakasakal nya sayo ha..? " concern na tanong nya, hindi ako makasagot dahil sa hindi ko pwedeng sabihin lahat sa kanya.

" wala yun.. Medyo mainit lang ulo nya.. At tsaka Yuna.. Hindi ko boyfriend si Weno.. Tara na.. " sagot ko sa kanya na syang kinanuot ng noo nya.

" hindi mo boyfriend..? Pero kung saktan ka wagas. And what does he mean by Kris Mission? What's that.? " napatigil ako sa paglalakad ng bigla nyang banggitin ang pangalang Kris.

Oo nga pala. Nabalitaan namin na hindi lahat ng Espesye ni Axalea ay sumama sa kanya sa pagbabalik, nagpa-iwan di umano si Kris upang alamin kung sino-sino ang may lahing lobo na nadirito sa lupa. At kung sino ang aming pinuno.

" ahh.. Yun ba.. Wala yun wag mo nang intindihin yun.. Tara na baka malate pa tayo sa next class naten.. " hindi ko na sya inantay pang magsalita at agad na akong tumakbo.

" teka lang.. hoy ANYA!!! Sandali lang.."

( Weno po sa multimedia...)

★★★***************************★★★

Pagpasensyahan nyo na po kung lame ang UD kong ito.

Medyo busy lang po si otor nyo..

And im currently EDITING the TLLWP kaya medyo busy.

Kamsa~

* Vote

* Comment

* Share

And also

* Follow me...

TLLWP book2 - Your Our PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon