This story is originally composed by this writer.
Copying this story without permission from said author / writer lead to a plagiarism case.
Copyright © sofyiewhat,2014
***************************************
Sa bawat araw na nagdaraan, naiisip ko kung bakit ganito dito. Ang daming bawal. Ang hirap gumalaw, laging may nakasunod sa iyo, laging may mga tumatama ng ginagawa mo. Tulad ngayon, nandito ako sa silid aralan upang pag-aralan ang bawat bahagi ng kastilyo.
" bawat pasilyo na nadirito sa palasyo ay may mga bantay, hindi kayo maaaring magtungo kahit saan hanggat walang pahintulot.. " paalala ni Punong Guro.
Habang kinakabisa ang libro ay agad bumukas ang pinto ng silid, mula dito ay lumabas ang bulto ng mga pamilyar na tao.
Unti-unting sumilay ang ngiti sa aking mga labi ng makilala ko sila.
'' Nandito na kayo... " sabay takbo patungo sa kanila. Agad kong niyakap ang unang taong tinakbo ko at iyon ay si Baek.
Isa-isa silang lumapit upang palibutan ako, ay bigyan ako ng maiinit na yakap.
" kailan pa kayo nandito.? " tanong ko, nakangiti lang sila sa akin habang nakatitig sa akin.
" ang laki ng inyong pinagbago kamahalan.. " suri sa akin ni Yeol. Nakangiti sila sa akin habang walang sawang pinagmamasdan ako.
Malaki rin ang pinagbago nila. Wala na ang dating mapormang mga binata sa harap ko bagkus ay nasa harap ko ngayon ang mga lalaking balot ng itim na kapa.
Habang pinagmamasdan ko sila dun ko mas nararamdaman ang kakulangan sa kanila.
" inaalala nyo na naman sya.? " pagputol sa akin ni Suho. Malungkot akong ngumiti sa kanila.
" Narito na ang mahal na hari... " sigaw ng isang Kawal sa labas ng silid. Maya-maya pa ay biglang bumukas ang pinto at pumasok ang aking ama. Agad na nagbigay galang ang aking mga espesye. Gayun din ang lahat ng nasa silid maliban sa akin.
" Kayo pala'y nagbalik na.. Nais ko kayong makausap.. Ngunit sa ngayon ay nais kong ihabilin ang aking anak sa inyo.. " saad nito. Tumingi ito sa akin at ngumiti.
".. Mahal kong prinsesa.. Ika'y maghanda.. Darating sina Haring Herio at Reyna Guada kasama ang kanilang anak na si Prinsipe Exelie.. Nais nila na ika'y batiin.. " bilin nito. Agad napawi ang aking matamis na ngiti nang marinig ang pangalan ng lalaking di ko nais marinig o ni makita.
" Masusunod po Ama.. " kahit ayaw ko ay napilitan akong mag-ayos. Habang ako ay inaayusan ay nakasubaybay lamang sa akin ang aking buong espesye. Dahil na rin sa utos ni ama ay pinahintulutan silang manatili sa loob ng aking silid.
" Ramdam namin ang inyong himutok kamahalan.. " Saad ni Xiu sa hitna ng aking pag-aayos. Napatingin ako sa kanya gamit ang repleksyon sa salamin.
" Anong ibig mong sabihin.? " tanong ko, ngumiti ito at bahagyang lumapit sa akin. Pinaalis nito ang mga damang nag-aayos sa akin at pinaharap ako sa kanya. Lumuhod ito upang magpantay kaming dalawa.
" Nahuhuma naming hindi nyo nais makta ang prinsipe Exelie.. Ngunit wala kayong magawa dahil na rin sa utos. Tama po ba.? " tanong nito sabay ngiti. Tumayo ito at lumapit sa iba na ngayon pala ay isang metro na lang ang layo.
" bakit ba kasi kailangan ko pa syang kitain.. Akala ko ba hindi sya- " naputol ang pagmamaktol ko nang maalalang hindi pa pala nila alam na alam ko na ang tungkol sa propesiya.
" Kamahalan.? May nais po ba kayong sabihin.? " tanong ni Suho. Nakakunot ang mga noo nila na tila nagtataka.
" a-ahh.. Ang ibig kong sabihin ay.. Ang akala ko ba hindi nyo sya gusto at hindi ko rin nais syang nandirito.! " himutok ko. Lumapad ang ngiti nila na kinainis ko.
" kamahalan.. Oo nga't ayaw naminsyang nandito ngunit wala kaming tinig upang pagbawalan sya.. Ang hari ang syang nasusunod.. Kahit kayo ay walang laban sa pasya ng hari.. " paliwanag ni Suho. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago sumang-ayon sa gusto ng hari. Ang makipagkita sa hambog na prinsipeng iyon.
*************
" Kami'y nagagalak at kayo'y nagbalik na Prinsesa.. " saad ni Reyna Guada. Ina ni prinsipe Exelia na sya ring Ina ng kaharian ng Gerero.
" Maraming salamat po.. " tanging sagot ko na lamang, dahil sa sobrang irita sa pagtitig ng kayang hambog na anak.
" Lumaking katangi-tangi ang inyong anak Mahal na hari.. Nararapat talaga sila ng aking anak.. " sabat naman ni Haring Herio. Nagulat ako sa huli nitong sinabi. Kami? Ayoko!
" Diba'y tinuran ko na sa inyo Ama na napakaganda nya.. At alam ko sa sarili ko na ako at ako lang ang nararapat sa kanya.. " mayabang na saad naman ng taong kinasusuklaman ko. Sa sinabi nya hindi ko maiwasang mapasulyap sa mga espesye ko na nakahilerang nakatayo sa likod ni Ama't-Ina. Natuon ang pansin ko kina Baek at Yeol na tila gusto na patayin sa tingin si Prinsipe Exelie. Nang maramdaman nilang nakatingin ako sa kanila ay ngiti na lang ang ginawad nila sa akin.
" Tama ka Haring Herio.. Ngunit kahit pa sabihing ako at may hawak ng Kaharian.. Ay nais ko pa ring mula sa anak ko ang pagpapasya ukol sa bagay na iyan.. Kami la'y gagabay sa kanya at sa taong nais nyang makasama.. " diretsyong sagot ni Ama, sumulyap ito sa akin at ngumiti na syang kinasaya ng puso ko.
Salamat naman at walang ganap ng Fix marriage dito.
" Ngunit paano kung ang kanyang napili ang magpapahamak sa kaharian mo.? " seryosong tanong uli ng Haring Herio.
Ngumiti si Ama sa kanya at sabay tingin sa akin.
" may tiwala ako sa aking mahal na anak.. Hindi ko nais na maipit sya sa bagay na hindi nya gusto.. Ayoko ko rin na makagawa sya ng isang bagay na alam kong ikakapahamak nya sa huli dahil na rin sa pagbabawal ko.. Ang nais ko ay ang magpapasaya lamang sa kanya... At alam kong sa ngayon ay alam na nya.. " makahulugan nitong sagot. Alam ko na? Ang alin?
" Ako lamang ay nagmamalasakit.. O sya!! Kami ay tutungo na at upang kayo ay makapagpahinga.. " Tumayo na ang mag-asawang bisita at nakipagkamay sa aking magulang. Habang ang kanilang anak ay masama ang tingin sa aking mga espesye. Bago sumakay sa kanilang karawahe ay lumapit muna ito sa akin at bumulong.
" I swear princess.. Wether you like it or not.. It will be me who your going to marry.. " Ingles nitong bilin.
Aba!!
Ang kapal talaga ng mukha nitong lalaking to.
At
May pa-ingles english pa sya.
***************************************
( Author's note: )
Hindi pa po alam ni Axalea na hindi na matutuloy ang propesiya.
At hindi rin po alam ng mga espesye nya na alam na ni Axalea ang tungkol sa propesiya.
Yun lang..
Caio!!!
* VOTE
*COMMENT
*SHARE
*FOLLOW
kamsahamnida...... saranghae....

BINABASA MO ANG
TLLWP book2 - Your Our Princess
LobisomemPanibagong yugto sa buhay ko ang muli kong pagbabalik sa kung saan ako nararapat. Ngunit bakit ganon? Buong akala ko magiging matiwasay na ang aking buhay ngunit hindi pala. Dahil sa panibagong buhay na ito. Panibagong pagsubok ang darating, may mga...