Isang Dalaga ang ngayon ay humahangos at mabilis na tumatakbo palayo sa hindi mabilang na Pulang Lobo na syang humahabol sa kanya at handa syang paslangin.
Hindi alam ng dalaga kung saan sya tutungo, may nais syang tawaging pangalan ngunit wala ni ano mang tinig ang lumalabas sa kanyang bibig, nais nyang humingi nang tulong ngunit ni isang tinig ay wala syang maisambit.
Nakarating sya sa isang masukal na bahagi ng gubat at sa di inaasahang tagpo ay nasalubong nya ang isang babae. Isang galit na babae, kita sa mga mata nito ang sobrang galit na handang pumatay.
" kasalanan ng mga magulang mo ang nangyari.. Kaya patawad kamahalan.. Kailangan mo nang mamatay.. " sa isang kisap mata lang ay may nakatarak nang matulis na bagay sa kanyang dibdib na tagos hanggang sa kanyang puso. Ramdam nya ang unti-unting pagtigil ng tibok nito, hanggang sa tuluyan nang dumilim ang kanyang paningin.
'' Aahhhhhh.. hah... hah... " hingal kong bangon sa aking higaan. Puno ng pawis at takot ang aking mukha.
" kamahalan? ayos lang po ba kayo.? " nag-aalalang tanong sa akin ni Luhan, na ngayon ay nakatayo sa aking tabi. Dun ko lang din napansin na kasama nya pala ang aking buong Espesye at mga Dama.
" a-anong ginagawa nyo dito?" Takang tanong ko, salubong ang kilay ng aking mga Espesye nang akin silang kwestyunin.
" k-kamahalan hindi nyo po ba naaalala ang nagyari? " tanong ni Yeol sa akin na may pag-aalala sa kanyang mukha.Isa sa aking dama ang nagbigay sa aking ng manipis na tela upang punasan ang aking basang mukha
" Anong nangyari?" lumapit sa akin si Suho at sya ang nagpunas ng aking mukha. Dahil na rin sa nakasanayan na nilang gawin iyon ay akin na lamang itong pinabayaan.
"Saglit ka naming iniwan sa hardin upang mag-aral at dahil na rin sa kami ay pinatawag ng punong kawal, ikaw ay naiwan kasama ang iyong mga dama ng bigla ka daw nagsusumigaw at nawalan ng malay" Kwento ni Luhan
Lumapit sa akin si Tao at umupo sa aking tabi, agad nitong hinaplos ang aking kamay at seryosong tumingin sa aking mga mata.
"Anong nangyari kanina prinsesa? Ang mahal na reyna ay sobrang nag-alala sa nangyari, ang mahal na hari ay ngayo'y nagpapatawag ng pagpupulong upang siguraduhin ang iyong kaligtasan"
Sa hindi ko alam na dahilan, biglang bumalik sa aking isipan ang nangyari sa hardin. Isa-isa ko silang tinignan na may ngiti sa mukha, alam ko kasi na lahat sila ay nag-aalala sa akin.
"Hindi ko alam, pero nung oras na iniwan nyo ako.. nakatingin ako sa gubat malapit sa hardin ng bigla akong may nakitang pulang mga mata... alam ko na sa akin sa nakatingin... tapos, habang nakatingin ako sa mga mata nya.. pakiramdam ko unti-unting akong kinakain ng takot.. pakiramdam ko nung mga oras na iyon ay papatayin nya ako.. natatakot ako Suho... baka bumalik yung may pulang mata..." sa gitna ng pagsasalaysay ko ay hindi ko na pala napansin na unti-unti ng akong nanginginig at lumuluha.
Lahat ng aking espesye ay dali-daling lumapit sa akin na may pag-aalala. Ngayon ay mahigpit ang aking pagkakayakap kay Suho na parang doon kumukuha ng lakas.
"Wag kayong matakot Prinsesa, nandito kami para proteksyunan ka.. hindi kailanman makaka-apak ang taong iyon dito sa palasyo para saktan ka.." payahag ni Lay. Lahat sila ay sabay-sabay na nilagay ang kanilang kamao sa tapat ng dibdib nila at yumuko hudyat ng paggalanag at pangako.
Sa oras na iyon ay biglang pasok ng aking mga magulang, agad tumakbo ang aking ina sa aking tabi at mahigpit akong niyakap. Ito ang hudyat ng paglayo ng bahagya nga aking mga espesye.
"Mahal kong prinsesa.. maayos na ba ang iyong pakiramdam? may masakit pa ba sa iyong katawan? sabihin mo aking anak.." sunod sunod na tanong ng aking ina habang nakahaplos sa aking mukha.. Binigyan ko na lamang ito ng isang ngiti senyales na wag na syang mag-alala.
"maayos na po ang aking pakiramdam ina.. wag na po kayong mag-alala.. ayoko po na may mangyaring masama sa inyong kalusugan.. kagagaling nyo lamang po.." ako nito'y niyakap ng mahigpit. Sa sandaling ito napatingin ako sa aking ama na mataimtim na nakatingin sa amin ng aking ina. Sa mga mata ay alam kong nag-aalala ito at may kaunting galit.
"Mga espesye ng aking anak, kailangan ko kayo sa aking silid pagpupulong ngayon din.." utos nito sa aking mga espesye. Balak sana nitong umalis sa aking sild ng bigla akong ualis sa tabi ni ina at tumakbo payakap sa aking ama. Hindi ko alam, pero sa oras na iyon tila kailangan ko ng lakas mula sa aking ama, tila gusto ng katawan ko ng yakap nya.
"P-prinsesa?? " alam kong nagulat ito base na rin sa boses nito..
"Ama, natatakot po ako... " yun na lamang ang aking naisatinig at walang ibang ginawa kundi umiyak sa bisig ng aking ama.
Naramdaman kong hinaplos nito ang aking buhok at ako'y niyakap din ng mahigpit.
"wag kang matakot anak.. pangangalagaan ko kayo ng iyong ina sa abot ng aking makakaya.. walang sino man ang makakasakit sa inyo.. kaya ika'y tumahan na.. saglit ko lamang kakausapin ang iyong mga espesye at sila'y babalik dito"
tango hudyat ng pagsang-ayon na lamang ang aking tinugon sa aking ama. Lumabas ito kasama ang aking mga espesye at naiwan ako sa aking ina na ngayon ay nakangiting nakatingin sa akin.
=========================
I'm Back.....
BINABASA MO ANG
TLLWP book2 - Your Our Princess
LobisomemPanibagong yugto sa buhay ko ang muli kong pagbabalik sa kung saan ako nararapat. Ngunit bakit ganon? Buong akala ko magiging matiwasay na ang aking buhay ngunit hindi pala. Dahil sa panibagong buhay na ito. Panibagong pagsubok ang darating, may mga...