Ilang oras din ng pag-aantay ay nakarating na kami sa tarangkahan ng palasyo.
Wala akong makita kundi ang haligi lamang ng aking gologa. Mukhang napasama ata ang pagdungaw ko kanina at hindi na nila ako pinahintulutang makasulyap man lamang sa labas.
Tanging tinig lamang nila ang aking naging hudyat. Si Xiumin ang nagbibigay sa akin ng kaalaman tungkol sa aming mga nadadaanan.
Isang tunog ang nagpa-kaba sa akin, dahil ang tunog na iyon ang ang hudyat ng pagbubukas ng tarangkahan ng palasyo. Mayroon ding musika mula sa isang instrumento ang nahihimigan ko.
Maya-maya pa ay naramdaman kong medyo umuga ang aking gologa na tila nilapag sa sementadong daan.
Dahan-dahan ding bumukas ang maliit na pinto ng aking gologa.
" narito na po tayo.. Kamahalan.. Maaari na po kayong bumaba.. " pahayag ni Dama Agusta na nakayuko.
Inabot naman sa akin ni Suho ang kanyang kanang kamay upang pang suporta sa aking pagbaba.
Nag-alilangan pa akong bumaba dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko. Ngunit napawi ito ng makita ko ang mga ngiti ng aking mga espesye.
Inabot ko ang kamay ni Suho at unti-unting bumaba. Sa aking pagtayo sa marmol na daan na nilapagan ng aking gologa, masasabi mo talagang mga mahaharlika ang naninirahan rito.
Unti-unting umangat ang aking paningin sa palasyong nasa aking harapan.
Ito ang aking syang tunay na tirahan. Pinagmasdan ko ito. Karaniwan ang kanyang itsura. Hindi ko lubos maisip na dito na ako magkakaroon ng panibago O mas madaling sabihing babalik sa aking tunay na buhay.
Biglang bumukas ang malaking pinto ng palasyo at mula dito ay nagsikalabasan ang hindi ko mabilang na mga Dama, mga matatandang sa tingin konay ang mga tinatawag nilang konseho, mga kalalakihang nakasuot ng tulad ng kasuotan ng aking mga Espesye.
At ang huli ay ang aking Ina at Ama.
Ang Mahal na Hari at Reyna.
Tulala ako habang nakatitig sa mukha ng aking napakagandang Ina na ngayon ay hindi mapigilan ang kanyang luha. Nakangiti itong nakatitig sa akin, habang ang aking Ama naman ay malawak ang ngiti sa mukha habang nakahawak sa kamay ng aking Ina.
Walang pag-aalinlangang napatakbo ako sa kanila upang maramdaman ang kanilang yakap.
" Prinsesa... Aking anak.. " yakap na saad sa akin ng aking Ina.
" Ina.. Ina.. Nandito na po ako.. Ina.." Walang tigil kong kataga habang mahigpit na nakayakap sa kanyang bewang.
Bahagya ko ring naramadaman ang pagyakap ng aking ama.
" prinsesa ko... Ang tagal naming nangulila sa iyo aking prinsesa.. " tugon nito na sa alam kong may kasamang iyak.
Nasa ganoon kaming eksena nang maramdaman kong nasa likod na namin ang aking mga Espesye at sabay-sabay na yumukod upang magbigay galang sa amin.
Tumayo si Ama at Ina at humarap sa mga ito. Ako nama'y tumabi lamang sa aking ina.
" malaki ang aming pasasalamat sa inyo.. Kundi dahil sa inyo ay malamang tuluyan nang mawawalay sa amin ang aming prinsesa.. Hindi ako nag sisisi na kayo ang aking napili upang protektahan sya.. Maraming salamat sa inyo.. " hinging salamat ni Ama. Isa-isa nya ring itinayo ang aking mga espesye. Hindi ko mapigilan ang isipin si Kris.
Kamusta na kaya sya?
Sana ay nasa maayos syang lagay.
" kamahalan.. Ang pagliligtas sa prinsesa ang aming sinumpaang tungkulin.. Mula noon ay sya na po ang aming prayoridad.. " sagot ni Suho na syang nagpangiti sa akin.
BINABASA MO ANG
TLLWP book2 - Your Our Princess
Hombres LoboPanibagong yugto sa buhay ko ang muli kong pagbabalik sa kung saan ako nararapat. Ngunit bakit ganon? Buong akala ko magiging matiwasay na ang aking buhay ngunit hindi pala. Dahil sa panibagong buhay na ito. Panibagong pagsubok ang darating, may mga...