( sa palasyo )" kamahalan... Kamahalan... Kayo'y magmulat na po at maghanda sa pagtungo sa silid aralan ninyo.. " marahang tapik sa aking pisngi ang gumising sa aking napakasarap na tulog.
Unang araw ko rito sa palasyo, at hindi parin ako sanay na laging may nakasunod sa akin kahit saan ako magtungo.
Ngayon din ang unang araw na wala sa aking tabi ang aking buong espesye. Sa ganitong sitwasyon ko lalong narararamdaman ang pangungulila kay Kris.
Kamusta na kaya sya, kailan kaya sya babalik.
( guys pareho po kami ni Axalea na hindi sanay sa malalalim na tagalog kaya mesyo lalagyan ko ng english ang dialog ha.. Nahihilo ako eh. Pero konti lang naman. Para may konting katatawanan naman... Thanks... )
Bumangon na ako at akmang aayusin ang aking higaan ng pigilan ako ni Dama Kria.
" ako na ho ang bahala kamahalan... Maghanda na ho kayo sa paglilinis ng inyong katawan... " saad nito, sabay yuko at ayos ng aking kama.
Pumasok na ako sa aking silid paliguan ng makita ko ang paglalagay ng aking mga dama ng mga talulot ng kulay pulang bulaklak sa aking paliguan. Naghahatid tuloy ito ng mabangong amoy sa paligid.
Ilang minuto lang ay natapos sila at pinasulong ako sa aking paliliguan. Sila na mismo ang naghubad ng aking kasuotan, hanggang ngayon ay may ilang parin akong narararamdaman.
Nang makahiga na ako ay dinama ko ang init ng tubig na ngayong ay naghahatid ng kaginhawaan sa aking buong katawan.
Ang mga Dama ko naman ay syang abala sa paglilinis ng aking kamay, paa at ang aking mahabang buhok. Hindi nila ako hinahayaang makagalaw man lamang.
Matapos ang aking paliligo ay lumabas na ako sa silid paliguan at nakarating sa isa pang silid kung saan dun naman nila ako aayusan at bibihisan.
Oo! Sila na naman po ang bahala sa pagpili ng aking susuotin. Sila ang mag-aayos ng aking buhok at naglalagay ng mga pampaganda sa aking mukha.
Kung iisipin para akong isang artista na may sariling hairdresser, make-up artist at kahit wardrobe meron na.
Ang sagwa naman ng sitwasyon ko, hindi ako makatanggi sa kanila dahil lagi nilang sinasabi na ito ay ayon sa batas sa kaharian.
Iniisip ko nga ganito din ba ang ginagawa ng mga dama sa aking Ama at Ina.
Kung Oo! Ibig sabihin hindi lang si Ina ang nakakakita ng katawan ng aking ama.
Ang isiping iyon ang syang dahilan upang maglakas ako ng loob magtanong sa aking punong Dama.
" Dama Agusta! Kung sinasabi nyong batas na sa kaharian ang kayong mga dama ang naatasang maglinis ng aming katawan... Ibig bang sabihin kahit si Ama ay kayo pa rin ang naglilinis ng katawan nya..? " tanong ko. Bahagya pang lumaki ang kanilang mata sa aking tanong at sabay bungisngis.
Kinataka ko naman iyon, pinagpatuloy nila ang pag-aayos sa akin. Ilang minuto lang ay sumagot na si Dama Agusta.
" kamahalan... Sa batas ng kaharian.. Hanggang wala pa pong katuwang ang prinsipe o ang prinsesa ay kami ang naatasang maglinis ng katawan nila.. Ngunit sa oras na sila ay naipakasal na ay may limitasyon na ho ang aming mga tungkulin... Sa paliligo ay hindi na ho kami maaaring makapasok sa silid paliguan.. Ngunit kami parin po ang bahala sa sa pag-aayos ng kasuotan at pagpapaganda ng aming mga kamahalan... " sagot nito, na may halong bungisngis. Namula naman ang aking mukha sa paraan ng pagtingin nito. Tila may ibang kahulugan.
Natanong lang naman.
Natapos na rin ang pag-aayos sa akin at ang masasabi ko lang ay mapakaganda ng kanilang gawa.

BINABASA MO ANG
TLLWP book2 - Your Our Princess
WerewolfPanibagong yugto sa buhay ko ang muli kong pagbabalik sa kung saan ako nararapat. Ngunit bakit ganon? Buong akala ko magiging matiwasay na ang aking buhay ngunit hindi pala. Dahil sa panibagong buhay na ito. Panibagong pagsubok ang darating, may mga...