Isang mahabang paglalakad ang aming ginagawa, O mas magandang sabihing sila.
- flashback -
Nang malagpasan namin ang lagusan akala ko isang ordinaryong lugar lamang ang makikita ko.
Pero laking gulat ko ng maaninagan ko ang isang napakagandang tanawin.
Kita mula sa kinatatayuan ko ang isang napakalawak na gubat. Nagkukulay berde ito dahil sa masasaganang puno. Sumasayaw ang bawat dahon nito dahil sa malakas na simoy ng hangin. Mayroon din itong talon ng sariwang talon ng tubig na nagmumula sa mataas na parte ng gubat.
Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid at mula sa malayong lugar ay kita ko ang isang tore na sa tingin ko ay nagmumula sa isang palasyo.
'' nakikita mo ba iyon kamahalan..? '' tanong ng isang tinig mula sa likod ko. Nilingon ko sya.
'' ..iyong toreng iyon ay ang inyong palasyo.. '' sabay lapit sa akin. At taimtim na nakatingin sa Tore.
" ..sa wakas kamahalan... Nakakabalik na kayo.. Makikita na ninyo ang hari at reyna.. " ngumiti ito at sumulyap sa akin. Isang napakagandang ngiti ang makikita sa mukha nya, ang mga mata nya ay tila nangungusap.
" Luhan... Sana.. Sana.. Walang magbago oras na umapak na ako sa kaharian. Sa oras na ako na uli ang prinsesa nyo.. Sana kung pano tayong lahat sa mundo ng mga tao.. Ganun pa rin tayo.. " saad ko habang nakatingin sa tore ng aming palasyo. Kakaiba ang kabang nararamdaman ko sa tuwing tumitingin ako sa tore.
" kamahalan... " isang boses ng babae ang nakapukaw ng aking atensyon, nilingon ko kung saan ito nanggaling at laking gulat ko nang makita ang tatlong babae na nakasuot ng isang puting bestida na abot hanggang lupa, may mahaba itong manggas na halos hindi mo na makita ang kanilang kamay, Naka pusod din ang kanilang mga buhok na ultimo isang hibla ay wala kang maaaninagan, napapalibutan ito ng isang puting tela na may disenyong bulaklak.
" maligayang pagbabalik.. Mahal na Axalea.. " pagbati ng isang babae, kung ang iba ay puros puti ang kasuotan ang kanya ay may maliit na pulang tela ang kanang parte ng bestida nya at sa bandang ibabang parte ng kanyang bestida ay mayroong pulang disenyo na bulaklak.
" s-sino kayo? P-paano nyo nalaman na nandito kami? '' tanong ko. Wala akong narinig na tugon mula sa tatlong babae, bagkus si Suho ang lumapit at nagpaliwanag.
" kamahalan.. Sila po ang inyong mga Dama.. Si Dama Agusta ang punong dama ninyo.. Narito sila upang maingat po namin kayong mairating sa palasyo.. " Isa isa nyang pinakilala sa akin ang aki'y diumano'y mga Dama. Sila ay sina dama kria, dama haroyu at ang aking punong dama na si dama agusta.
Nakababa kami sa burol kung nasaan ang lagusan at sa baba pala nito ay nag-aantay ang walong kalalakihang balot naman ng isang mahabang itim na kasuotan.
" narito na ang prinsesa.. " paalam ni Suho sa kanila, at nang makita nila ako ay sabay-sabay silang yumuko na halos halikan na ang lupa.
Biglang binuksan ni Dama kria ang isang maliit na kahon na kaya ang isang tao.
" sumakay na po kayo kamahalan nang maihatid na namin kayo sa palasyo!! " saad nito na nag-palaki ng aking mga mata.
Ako sasakay sa maliit na kahon na iyan?
Para saan pa ang pagiging lobo ko kung hindi ko ito magagamit.
At kailan ba ako magbabagong anyo?
Yan ang mga tanong na matagal ko nang nais isatinig.
- end of flashback -
Sa huli wala rin akong nagawa kundi sumakay sa gologa ( yung maliit na kahon na sinasabi nya ).
BINABASA MO ANG
TLLWP book2 - Your Our Princess
Hombres LoboPanibagong yugto sa buhay ko ang muli kong pagbabalik sa kung saan ako nararapat. Ngunit bakit ganon? Buong akala ko magiging matiwasay na ang aking buhay ngunit hindi pala. Dahil sa panibagong buhay na ito. Panibagong pagsubok ang darating, may mga...