Hi :)) pls play the song above if you're online, when you feel like playing it (coz my Rohan and my Lyllo will have their sweetest scene ever) just warnin' u all ;)
_______________
"Lyllo, anak. Come here, let's eat." Hinila ako ni Mom papasok sa bahay.
Lingon naman ako ng lingon sa pinto upang matanaw ang labas, kung nakaalis na ba siya. Pinipigilan ko ang matinding pag ngiti dahil nasa harap na ako ng pamilya ko. Si kuya naman ay kanina pa nakatitig sa mga kilos ko, kahit na nawiwirduhan ako sa kaniya at gano'n din siya sa akin ay wala na yata talaga akong paki.
Umupo ako sa hinilang kabisera ni Mom at siya rin ang nag serve ng pagkain ko. Sinubukan ko siyang pigilan ngunit nagpumilit siya.
"It's okay, Lyllo. I missed serving you foods. Rest your arms for now. Nag- aalala ako sa mga sugat mo..." Sabi niya.
Tinitigan ko si Mommy. Naramdaman ko ang senseridad niya sa kaniyang sinabi. Natahimik ako nang marinig ang bulong niya.
"That Jale girl should be worried right now. She's a bitch. I'm gonna make sure she'll pay for this." She whispered.
"Mom, let's calm down." Si Lyano na ang nagpakalma kay Mommy.
Umiling si Mom, "No, Lyan. I'm not calming down, nakikita mo naman ang nangyari sa ate mo, right? I don't want to. No. I shouldn't."
Narinig ko'ng tumikhim si Lola na kaharap ko pala sa hapag kainan. Katabi niya si Lolo sa kaliwa, si Tita at Launa naman sa Kanan. Si Damon ay nasa dulo katabi si Mom, sa kabilang dulo ay si Tito Angelo, nasa gilid naman ni Lyano si Red. Si kuya ay nasa aking kaliwa, habang si Lyano ay nasa kanan.
Sumulyap sa akin si Lola hababg umiinom ng orange juice sa kaniyang baso. She smiled at me.
"How are you, Lyllo?" Tanong niya.
"I'm fine now, La..." Sagot ko.
"I'm glad those men were arrested immediately. I can't imagine them still walking around like nothing happened." Matamang sinabi ni Tita. She then looked at me. "I hope you're emotionally okay, Lyllo. But if you feel traumatized, I'll contact my Therapist to schedule you."
"Ayos na po ako, Tita. Natakot po ako s- sa nangyari pero sa tingin ko...hindi ko na po kailangan ng T- Therapy." Nahihiya ko'ng sinabi.
Natigilan siya at parang nag-iba ang kaniyang tingin sa aking sinabi.
"Are you sure about that, Lyllo? Sagot ko ang Therapy mo-"
Suminghap si Mommy at tumingin sa akin bago tumingin kay Tita.
"Ate, sa tingin ko it's better if we just check on her. Kung wala namang mali, hindi na natin kailangan ng Therapy. And I'm planning to stay here for weeks to check on my Daughter-"
"What about work, Analia?" Malamig na tanong ni Lola.
Natahimik ang lahat. Ngunit nag echo ang pag lapag ni Damon sa nga hawak niyang kubyertos at sumulyap sa akin bago kay Lola.
"I can handle it," Aniya. "Lia can stay here to be with her daughter,"
"Paano ang safety nila rito?" Lola sighed. "This...this place, i- is... too far away, too dark, s- silent. I don't know why Lyllo chose this place to live peacefully, but-"
"Ma, in short, this place is dangerous. Look at the surroundings, kaunti lang ang mga bahay, tahimik at malayo sa mga tao..." Tiningnan ako ni Tita.
Kinagat ko ang pang- ibabang labi ko at yumuko. Nagpatuloy si Tita.
"Look, Lyllo. I didn't mean to offend you, your house is great, and peaceful. But this place, masyadong delikado kung manatili ka pa rito. What if those men come back to find you-"

BINABASA MO ANG
THE WILD'S DEEPEST AFFECTION | SILVERVILE
RomanceIn the wild, you must be prepared for the worse. Dapat palagi kang alisto, dapat alam mo kung anong hahantungan ng bawat hakbang mo. Hindi puwedeng hindi ka handa sa kahit ano. Pero paano kung pinili mo'ng daanan ang mapanganib na direksyon kaysa i...