LYLLO'S POV
Tinitigan ko ng maigi ang blue na mga rosas na hawak ko. Inamoy ko 'yon at halos maduling ako dahil sobrang bango no'n. Hindi ko alam kung itatabi ko 'to sa pagtulog o ano.
Bakit naman niya ako binigyan nito? Ano kayang nakain nito?
"Bakit ka nandito? Wala si Kuya, nasa mansion." Pagsusungit ko. Nakapasok na kami sa loob ng bahay ko. Maliit pero simple. Binili ko 'to dahil binibenta naman, e. Alangan bilhin ko nang hindi binibenta.
"That's why I'm here, dahil wala si Lyno. Babantayan kita," Napaismid ako sa kaniyang sinabi. Okay na, e. Kaso naiinis parin ako sakaniya. Hmp! "Baka pumunta ka sa bar at mag- inom. Tss."
"H- hoy! Grabe ka, ah... Allergic ako sa alak! Alam mo iyon!" Sigaw ko habang nag hahanda ng mga plato. Si Rohan naman ang nag saing, at nag luto ng ulam namin. "Alam mo namang hanggang root beer lang ako. Loko."
Narinig ko siyang tumawa at pinatay na ang stove, naamoy ko ang mabangong adobong manok at bagong lutong sinaing. Sinilip ko siya sa kusina kong maliit at palihim na humagikhik. He's too big for my small kitchen.
Ang Lyno na tinutukoy niya ang big brother ko. Halos pitong taon ang agwat namin sa isa't- isa. Ang bunso naman namin ay limang taon lang tanda ko sakaniya, nasa mansion din siya pero wala akong balak na pumunta do'n.
Nasa twelve year old si Kuya Lyno nang makilala niya 'tong si Rohan. Matanda si kuya ng dalawang taon sakaniya pero sa lahat ng bagay nagkakasundo sila. Silang dalawa lang ang nagkakaintindihan sa mga bagay- bagay. Hindi ko kilala ang family ni Rohan at wala rin naman yata siyang balak na ipakilala sila sa'kin e, hindi kami close ng anak niyo tita, tito...
Mag- iisang taon na ang nakalipas matapos kong bilhin ang bahay at lupang ito. This was my gift to my self when I turned 18, Bukod sa magandang view sa gabi dahil mataas at kitang kita ang mga ilaw- ilaw, ay malamig at maraming mga puno. Pinili kong dito tumira ng habang buhay. Wala na 'kong balak bumalik sa mansion na kinalakhan ko.
Si Lincoln ang tumulong sa aking mag lipat dito, kahit na ayaw niya sa place na 'to dahil nga medyo liblib at madilim tuwing gabi, wala siyang choice kundi pag bigyan ako.
Araw- araw niya akong dadaanan dito para ipag luto bago niya 'ko ihatid sa school o trabaho. Pumupunta siya dito 'pag alam niyang wala nang pagkain sa ref ko. Ayaw niyang panay de lata ang mga kinakain ko. Gano'n kasweet ang lalaking iyon.
Siya ang first kiss ko, siya ang unang nakasama ko mag bar pero 'di niya 'ko pinainom. Siya ang unang nakasama ko maligo sa ulan. Siya ang nakauna sa halos lahat ng experience. Well... Except sa... 'Lam mo na. Uhm... Darating tayo riyan.
Napatingin ako muli kay Rohan na may dalang dalawang malaking tasa. Adobo at kanin. Nilapag niya 'yon sa lamesa at tumingin sa akin. "What are you looking at?" Asik niya at umupo na, magkaharap kami.
Kinuha niya ang plato sa aking harapan at sinandukan iyon ng ulam at kanin. Nanlaki ang mata ko. "Kumain ka ng marami. Hindi ka mabubusog kakaisip sa kaniya." Madiin niyang sambit.
"Tama na! Ang dami na ng kanin ko, isang sandok lang ako!" Reklamo ko.
"Nope... Ang sabi ng kuya mo hindi pwede." Pinagpatuloy niya ang pag sandok ng adobong manok sa plato ko. Mahina niyang tinulak 'yon papunta sa akin pagkatapos. Umupo ako ng busangot ang mukha.

BINABASA MO ANG
THE WILD'S DEEPEST AFFECTION | SILVERVILE
RomanceIn the wild, you must be prepared for the worse. Dapat palagi kang alisto, dapat alam mo kung anong hahantungan ng bawat hakbang mo. Hindi puwedeng hindi ka handa sa kahit ano. Pero paano kung pinili mo'ng daanan ang mapanganib na direksyon kaysa i...