𝘾𝙃𝘼𝙋𝙏𝙀𝙍 15

322 6 0
                                    

















LYLLO'S POV

Nag- antay ako ng ilang minuto sa aking kama habang naliligo siya. Nakanguso lang ako at naglalaro ng games sa phone ko, nasa tabi ko si Linlo at mukhang mahimbing na ang tulog niya. Ako naman ay gising na gising at hindi na yata makakatulog pa.

Sa'n ko siya patutulugin? Dito sa loob? Sa pull out ko? Sa sahig? Sa labas? Sa sofa sa labas? E, matangkad siya, hindi siya kakasya do'n, hindi rin komportable, malamok din do'n. Napakamot ako sa aking ulo.

Hindi naman pwedeng sa guest room dahil do'n tumutuloy si Red hanggang ngayon. Halos lahat yata ng bagay na makikita mo do'n sa guest room ay puro pink at pambabe na design, si Red ang nag make over do'n. Hindi babagay si Rohan do'n kung palilipatin ko si Red dito sa'kin, isa pa, kailangan niyang mag focus dahil nagwo- work siya sa kaniyang laptop.

Malamig naman sa sahig, kahit na may extra ako'ng foam bed ay malamig pa rin at nakakaawa siyang tingnan.

Ano ba naman 'yan!

Bumukas ang pinto ng banyo at nangamoy ang mabango'ng shower gel ko. Amoy strawberry 'yon at watermelon, ngumisi ako at tumawa ng konti.

Ginamit niya ang shower gel ko. umiling- iling ako at pilit na inaalis ang ngiti sa labi ko. Wala naman kasi akong shampoo at shower gel na panglalaki. Hindi naman kasi naliligo si Kuya Lyno dito, pati si Lincoln ay hindi rin, nag toothbrush lang. Si Lyano naman ay may sariling dala na mga panlalaki, ang maarte'ng 'yon pa ba?

Tumingin ako kay Rohan na kalalabas lang at nasa ulo ang maliit na tuwalya. Bihis na siya at suot ang damit ni kuya, na sakto lang sakaniya. First time ko lang siyang nakita na ganito ka- kaswal ang damit, damit pambahay. Pero gwapo pa rin.

Basa pa ang buhok niya nang maglakad siya sa aking harapan. Nakatitig lang siya sa'kin.

"Nahanap mo ba ang toothbrush na sinasabi ko?" Nagpanggap ako'ng nag ce- cellphone ulit.

"Hindi." Nagkuskos siya ng tuwalya sa buhok. "I used yours."

"A- ano?!" Napatingin ako sakaniya at bumangon, naka luhod na ako sa aking kama at lumapit sakaniya. "B- ba't 'yon ang ginamit mo?! E'di share na tayo ng laway! Kadiri ka, Rohan!"

Tumawa siya at lumapit pa sa'kin. Nakadungaw siya sa'kin dahil nakatayo siya. "Ayaw mo no'n? Indirect kiss, baby?"

B- baby?! "Baby mo mukha mo! At saka, tigilan mo 'ko sa indirect kiss mo, ah! Toothbrush is one of my personal things, okay?!" Mataray ko'ng sambit at tiningnan siya ng masama. "Nakakadiri ka,"

Hindi siya sumagot. Pairap akong umalis sa kama at naglakad sa gilid no'n. Hinila ko ng tuluyan ang pull out nitong kama ko. Pinagpag ko ang bagong bed sheet no'n at nag labas ng panibagong mga unan at kumot sa aking closet.

Nilagay ko 'yon sa ulunan ng kama pati na rin ang malinis na kumot. "D- dito ka na matulog!"

Nanlaki ang mga mata niya at lumapit sa'kin. "Hey,"

"Ano?!" Inis ko'ng sabi.

"I'm sorry, nagjo- joke lang naman ako kanina." Lumapit pa siya sa'kin upang makuha aking bewang, mahigpit niyang hinawakan 'yon. "Ginamit ko talaga 'yung toothbrush na sinabi mo... Wag ka nang magalit, joke lang."

THE WILD'S DEEPEST AFFECTION | SILVERVILETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon