LYLLO'S POV
Mabilis lang kami sa ice cream shop. Umalis din kami sa EK dahil dumidilim na at talagang uuwi na kami, wala na rin naman kaming gustong sakyan do'n.
Nakakatawa lang dahil naubos namin ang banana split ice cream na nasa malaking bowl kanina. Hindi ko rin napansin 'yon dahil panay ang 'pagtatalo namin ni Rohan tungkol sa mascot, para siyang selosong boyfriend kung umasta, pero hindi ko kasalanan kung para sa'kin ay nakakatuwa 'yon.
"You need to get a hold of your jealousy, Rohan." Sabi ko.
Naglalakad na kami papunta sa parking dito sa EK. Tuluyan nang lumubog ang araw at pumalit na ang buwan. Hawak- hawak niya ang kamay ko habang pinaglalaruan naman ng isa niyang kamay ang susi ng kotse.
"I will." Bumaling siya sa'kin at ngumisi. "Alam ko naman na hindi lang mascot ang 'pagseselosan ko, marami pa'ng lalaki ang naka- abang sa'yo."
Baliw. Umasim ang mukha ko at hindi na nagsalita. Mayamaya pa ay nahanap din namin ang kotse niya dahil sobrang dami rin ang naka - park kaya nakakalito na.
Pinagbuksan niya 'ko ng pinto, sumalampak ako do'n at nag seat belt agad. After ko'ng ma- kabit ang seat belt ko ay nilingon ko si Rohan na naroon pa rin at nakatitig sa'kin.
"What?" I asked.
Namumungay ang mga mata niya, nagawa ko na namang tumitig sa berde niyang mga mata, lalo na kapag tinatamaan 'yon ng liwanag, mas lalong nangingibabaw ang kulay no'n. Lumipat ang mga mata ko sa mga piercings niya. Para sa'kin ay nakaka- attract 'yon 'pag siya ang naka- suot. Kahit pa lima 'yon ay maaliwalas pa rin tingnan 'pag siya ang may suot.
Nagulat ako ng ipatong niya ang kanang kamay sa dash board, ang kaliwa naman ay sa likod ng sandalan ko. Kinulong niya ako gamit ang mga braso niya.
"Nag- enjoy ka ba?" Mataman niyang tanong sa'kin.
"Hmm..." Nagpanggap pa 'kong nag- iisip. "Maybe?"
Nilapit niya ang mukha niya sa'kin kaya bumilis ang tibok ng puso ko. Naroon na naman ang digmaan sa ulo ko at ang iba'y bumababa sa tiyan ko at nagiging paro- paro. Hindi ko alam kung bakit nila tinawag na paro- paro 'yon sa loob ng tiyan, basta ginaya ko lang 'yung mga nababasa at napapanood ko.
Lumunok ako at umiwas ng tingin sa kaniya. "N- nag enjoy a- ako."
"Saan? Sa rides?... Kasama ako?" Lumapit pa siya lalo at dinikit ang labi sa aking tenga. Wtf? "...o sa mascot?"
Marahan ko siyang tinulak, lumayo naman siya kahit papa'no pero nakangisi siya sa'kin habang sinasandal ang ulo sa gilid ng pinto ng kotse.
"Pwede ba? Wag mo nang banggitin ang Mascot na 'yon?!" Iritado ko'ng sabi.
He suddenly groaned, nafa- frustrate na rin kaka- mention sa mascot na 'yon. Maski ako ay naiirita na dahil naalala ko lang ang 'pag yakap ko sa kaniya, ang malala pa ay napahiya rin ako. Akala ko talaga siya 'yon, pero mukhang nag- enjoy ang lintik na mascot na 'yon sa yakap ko, ah!
Sino ba talaga ang nasa loob no'n? Naalala ko pa ang tanong ko sakaniya na kilala ko siya. Gusto ko nalang tumawa sa katangahan ko dahil sobrang nag- assume ako na si Rohan 'yon! Damn it!
"Why are you smiling, then?" Kumunot ang noo niya at lumayo bigla. "You're thinking about that fucking mascot, are you?"
"Stop cursing the mascot, Rohan!"

BINABASA MO ANG
THE WILD'S DEEPEST AFFECTION | SILVERVILE
عاطفيةIn the wild, you must be prepared for the worse. Dapat palagi kang alisto, dapat alam mo kung anong hahantungan ng bawat hakbang mo. Hindi puwedeng hindi ka handa sa kahit ano. Pero paano kung pinili mo'ng daanan ang mapanganib na direksyon kaysa i...