SITRO'S POINT OF VIEW (SIX)
Hawak- hawak ko ang aking baril nang pumasok ako sa itim na kurtina, malamig sa loob at talagang tama lang na nag dala ako ng jacket. Takot ko lang sa anim na Aircon na nandito sa loob. Nakangiti akong lumapit sa tatlong armadong lalaki na mukhang inaabangan na ang aking pag dating.
"Good evening," sumeryoso ang aking mukha matapos ko silang batiin.
Naglahad ng kamay ang isa na nasa gitna, ngumisi ako ng nakakaloko at umiling- iling.
"Pagbigyan niyo na 'ko rito.. ako lang ang mayroong gadget sa grupo namin—" Tumigil agad ako sa pagsasalita nang maramdaman ang mainit na bunganga ng baril sa aking sentido.
"Give it to us..." Malaking boses na sabi ng nasa kanan. Ang nasa kaliwa naman ay ang nagtutok ng lintik na baril sa aking gilid.
"Sabi ko nga, eto na.." Nilabas ko ang aking cellphone at naka- off na 'yon. Binigay ko 'yon habang naka ngisi.
Huminga ako ng malalim nang alisin ang bunganga ng baril sa sentido ko. Tinaas ko naman ang dalawang braso dahil alam ko na kakapkapan na nila 'ko.
"Kapkapan siya..." Sabi nung nasa kaliwa.
Hindi naging mabilis ang pagkapkap sa'kin. Matagal at talagang sinisiguro nila na wala nang naka- tago pa sa loob ng aking mga suot kung hindi ang baril lang na hawak ko ngayon.
Tinitigan ko ang nasa gitna habang tinatago ang cellphone ko sa kaniyang bulsa. Ngumisi ako ng nakakaloko. "Ingatan niyo 'yan... Iphone 11 pro rin 'yan."
Tumango lang siya at pormal na tumayo. Para siyang estatwa na naka harap sa'kin. Nakakatawa ang mga itsura nila, mga armado na akala mo... well- trained ang mga gago.
"9 minutes. Your time's start now."
Tumango ako at tumatawang nanakbo papasok sa itim na pinto naman. 'Pagka- pasok na 'pagka- pasok ko ay napasimangot agad ako dahil sa mga salamin na mas matangkad pa sa'kin. Pa- zigzag ang daan at may pa- kaliwa, may pa- kanan.
"Damn it! Ba't ngayon ka lang?!"
Nilingon ko ang nagsalita. "Asan sila?" Tanong ko pabalik.
"Tsk! 'Yon na nga, e. Naiwan rin ako! Mabibilis ang mga 'yon, pero nauna si Leon kanina pa! Alam mo naman 'yon!" Nagkamot ng ulo si Raja at tumingin sa baril na hawak ko. "T- teka... Ba't Caliber 45 lang ang dala- dala mo?! Ang bobo naman ng nagbigay niyan sa'yo?!"
Hinawakan ko ang aking batok at na simula nang mag lakad. Naiinis ako dahil nakakalito ang mga dadaanan dahil sa mga salamin. Akala mo, may daan sa gilid, wala pala. Akala mo pwedeng kumanan, wala palang kanan do'n! Tang inang illusion 'to, oo!
"Manahimik ka, ako ang pumili nito." Sagot ko. "Ako? Bobo? 'Pag nailabas kita rito, ako mismo ang babaril sa'yo."
"Whatever, dude. Pasensiya na, malay ko ba."
Nagpatuloy kaming mag lakad at sinusubukan ang bawat daan kaliwa't- kanan. Unti- unting nauubos ang pasensiya ko dahil wala akong cellphone para tawagan si Leon.
"Sana pala binaril ko na ang tatlong nagbabantay do'n." Naiinis na usal ko. "Hindi ko alam na ganito pala ang challenge na ibibigay nila. Nakakabobo." Tinutukan ko ng baril ang isang humarang na target, then I pulled the trigger eventually, bull's eye, baby!

BINABASA MO ANG
THE WILD'S DEEPEST AFFECTION | SILVERVILE
RomanceIn the wild, you must be prepared for the worse. Dapat palagi kang alisto, dapat alam mo kung anong hahantungan ng bawat hakbang mo. Hindi puwedeng hindi ka handa sa kahit ano. Pero paano kung pinili mo'ng daanan ang mapanganib na direksyon kaysa i...