LYLLO'S POV
"Thanks,"
Sumulyap ako kay Rohan, hawak niya pa rin ang manibela habang nakatingin din sa'kin, nasa tapat na kami ng bahay ko.
Pasimple ko'ng inamoy ang mga rosas na nasa bisig ko na ngayon. Kaninang 'pag pasok ko sa kaniyang sasakyan ay saka niya 'yon binigay sa'kin, pero alam ko naman na nakilala na siya ng mga kasamahan ko bilang manliligaw ko. Sa mga tingin at pag buntonghininga ng mga babae ko'ng kasamahan ay halata na.
"You're welcome..." Napapaos niyang sabi.
Humigpit ang hawak ko sa bouquet, naririnig na naman ang digmaan sa aking puso at isip. Ang mga paro- paro sa loob ng tiyan ko ay nagliliparan na naman. Bumuntonghininga ako.
"S- see you tomorrow.." pabulong ko'ng sambit.
He raised a brow, "you sure you won't change your schedule? On work?"
Umiling ako, "Wag na... At saka hindi naman madaling mag demand ng gano'n,"
"You're a working- student, it's okay to adjust it." He licked his lips. "Ihahatid pa rin naman kita at susunduin din."
Ngumuso ako dahil nahihiya na talaga ako sa kaniya. Hindi naman kasama sa panliligaw ang gano'n 'di ba? Baka kasi may mga nakakaligtaan na siyang mas importanteng bagay, 'tapos hindi ko pa alam. Ang alam ko ay may business si Rohan, dahil nabanggit 'yon ni Kuya dati. Kaya hindi imposibleng sagabal na 'ko sa oras niya kada- araw.
Imbis na lumabas na sa kaniyang sasakyan ay nagtagal ako do'n. Sumandal ako sa aking inuupuan at tinaasan siya ng kilay. "Teach me how to drive,"
His brows furrowed, "What? Why?"
"Ano'ng 'Why?', ha?" Inirapan ko siya. "Turuan mo nalang ako'ng mag drive, e'di mas maganda 'yon."
Umiling- iling siya, "And why should I teach you?"
"Siyempre! Hindi naman habang buhay hatid-sundo mo 'ko, 'no!" Naiinis ko'ng sabi. "Turuan mo na 'ko, alam ko naman na ang basic, e. Please!" Pinagsalikop ko ang aking mga kamay at ngumuso.
"You don't look cute to me," sarkastiko niyang sambit.
"Sige na kase!" Pagmamaktol ko. "'Pag hindi ka busy, turuan mo 'ko."
"Give me one valid reason why should I teach you how to drive,"
I looked at him in disbelief. "Of course! Magna- nineteen na 'ko, Rohan! Kailangan ko nang matuto'ng mag maneho, 'yung iba nga sa edad na 15 ay magaling na silang mag drive, e!"
"Sila 'yon," he smirked. "Hindi ikaw sila, magkaiba 'yon-"
"Ugh! Napaka- pilosopo mo!" Singhal ko. "Bahala ka riyan, mag- eenrol nalang ako sa driving lessons-"
"And what about me?" Sumimangot siya.
"Anong 'what about me' ka diyan?!" Umismid ako sakaniya. "You're old, marunong ka na ngang mag drive-"
He groaned. "No! I mean, what about me? Am I not good to be your driver?"
Muntik na 'kong mabulunan sa sariling laway nang marinig ko 'yon sakaniya. Nababaliw na ba siya?! Ano ba'ng gusto niyang mangyari? Maging long- time driver ko siya?
"Unless,"
"Unless what?" Tanong ko pabalik.
"Unless you have other reasons that's why you want to learn how to drive now," Malamig niyang sambit.
![](https://img.wattpad.com/cover/234363048-288-k263149.jpg)
BINABASA MO ANG
THE WILD'S DEEPEST AFFECTION | SILVERVILE
RomansaIn the wild, you must be prepared for the worse. Dapat palagi kang alisto, dapat alam mo kung anong hahantungan ng bawat hakbang mo. Hindi puwedeng hindi ka handa sa kahit ano. Pero paano kung pinili mo'ng daanan ang mapanganib na direksyon kaysa i...