Chapter 26

1.1K 27 1
                                    

Napatingin ako sa paligid mga bulaklak na nagsisimula ng mamulaklak, preskong hangin na kay lamig yumakap. Ang araw na katamtaman lang ang sikat hindi ko alam kung nasaan ako ngayon pero ikinagagalak kong makapunta dito. Nahagip ng mata ko ang duyan na naka sabit sa puno, agad lumakas ang kalabog ng dibdib ko ng makita ang isang lalaki na naka sandal sa puno habang nakaharap sa duyan na walang nakaupo.

Nakatitig lang ito doon sa duyan nilapitan ko ito upang makita ang kaniyang mukha natatabunan kasi ang mukha niya ng buhok niya. Agad nanlaki ang mga mata ko ng makitang si Ky iyon. Mahigit isang buwan na din ang lumipas nung umalis siya, araw araw kaming nag v-video call pero iba pa rin talaga pag nagakakasama kami. Maayos naman daw ang kalagayan niya doon kaya hindi na ako nag aalala.

Akmang hahawakan ko siya ng biglang tumagos ang kamay ko, multo na ba ako?

Ngunit agad tumulo ang luha ko ng may isang babaeng dumating habang nakangiti ng niyakap si Ky. Parang dinurog ang puso ko sa nakita ko.

Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Kylo alam kong boses niya yun dahil magkamukha man sila ni Ky iba naman ang boses nila.

"Selena gising na" parang dumagong dong ang boses niya, ano bang pinagsasabi nito eh gising na gising ako.

Agad akong napa angat ng tingin ng bigla akong makaramdaman ng hapdi sa mukha ko.

"Miss Chavez sinong nagsabing pwede kang matulog sa klase ko?" Dalawang klase ng sakit ang nararamdaman ko ngayon sakit ng sampal at sakit sa nakita ko sa panaginip ko.

Paano kung makahanap ng ibang mamahalin si Ky sa ibang bansa? Paano kung ipagpalit niya ako?

Isang sampal ulit ang natanggap ko.

"Tinatanong kita kanina pa bakit di ka sumasagot"

"Sorry po hindi ko alam na nakatulog ako" nitong mga nakaraang mga araw ay lagi nalang akong inaantok. Kapag nakakakita ako ng pwede kong tulugan nakakatulog kaagad ako. Siguro dahil sa puyat to naabutan kasi kami ni Ky minsan ng mga 11 pm. Hindi kasi ako sanay dahil 8 pm tulog na talaga ako. Nung single ako todo post ako na 'sanaol may kapuyatan' tapos ngayon katamad pala pftt.

Natapos ang klase at mabuti nalang hindi na ako napagalitan ng prof namin.

Papunta na kami ngayon ni Kylo sa canteen para mag lunch. Sa isang buwan na pagka wala ni Ky si Kylo ang kasama ko dahil pinabantayan daw ako ni Ky sa kaniya. Mabait naman si Kylo kaya hindi na ako nahirapang makisama sa kaniya. Paminsan minsan dumadalaw ako sa bahay nila Ky para pumunta sa kwarto ni Ky kumapit kasi ang amoy niya sa mga gamit niya kaya kapag namimiss ko siya dun ako tumatambay.

Minsan sinasamahan ako ni Gaia pero kadalasan si Kylo kasama ko dahil busy si Gaia sa Tyche niya na may nagmamay ari na naiba. Kung ako siguro yun hindi na ako maghahabol pa.

"Ano order mo Selena?"

"Kung ano sayo" agad kaming naglakad papasok sa canteen magkahalong mga pawis, matatapang na pabango at amoy pagkain ang sumalubong sa akin kaya parang binaliktad ang sikmura ko. Tumakbo ako sa pinaka malapit na cr at sumuka.

Biglang may nagbigay ng tissue sa akin pag angat ko ng tingin at nakita kong si Kylo iyon. Pinamunas ko ito sa bibig ko at inabot ang tubig na nakalahad sa akin.

"Anyare sayo?" Kunot noo niyang tanong.

"Bakit concern ka?" Biro ko at hinampas ang balikat niya.

"Ulol kailangan kong ireport kay Kyro" agad namang nalukot ang mukha ko.

"Ang baho dun sa canteen dalhan mo nalang ako dun ako tatambay sa may puno" sambit ko at pumunta sa puno agad din siyang umalis para bumili ng pagkain namin.

He's my Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now