Chapter 44

1.3K 40 2
                                    

Nagising ako nang nakarinig ako ng katok mula sa pintuan. Ang sinag ng araw na nagmula sa bintana ay tumama sa mukha ko. Agad kong naramdaman ang sakit ng ulo dulo ng pag inom ko, pagkatapos naming mag usap kagabi ni Ky ay nakisali kami kina Shawn mag inuman.

Napalingon ako sa gilid ko at nakitang katabi ko palang natulog ang mga anak ko. Wala na din ako sa guestroom nandito na uli ako sa kwarto ni Ky.

Bago din ang damit ko, hindi ko naman naalalang nagbihis ako kagabi.

Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin ang nakangiting si Ky. Mula ng dumating siya dito sa mansion ay di ko siya nakikitang nakangiti maliban nalang kapag nandito si Keliah pero iba pa din. Iba ang ngiting nakikita ko ngayon nakakapanibago.

"Hoy natulala ka na naman sa kagwapuhan ko"

"Gago. Anong kailangan mo?"

"Kakain na"

"Wala akong trabaho ngayon" sumimangot ako.

"Lilipat na tayo, bago pa magbago ang isip mo" naramdaman ko na may maliliit na kamay na yumakap sa akin. Binuhat ko nalang si Jacel, binuhat din ni Ky si Jace. Nang mapalingon ako sa guestroom ay may bagahe ng nakahilera na natitiyak kong pag aari ko dahil sa mga maleta

PATUNGO na kami ngayon sa bagong bahay namin kuno.

Tahimik lang kami buong byahe nilaro ko nalang ang mga matatabang kamay ng mga anak ko. Oras oras kasi ay pinapakain sila ni Tita ng kung ano ano. Masyadong spoil, pero thankful pa din ako dahil inalagaan nila ang kambal habang nasa trabaho ako.

Parang hindi ako makahinga dahil sobrang tahimik ng paligid. Napansin ata ni Ky na sobrang awkward ng paligid kaya ini on niya speaker ng kotse niya.

Sobrang bilis ng nangyare parang kahapon lang hindi pa kami nag papansinan ngayon papunta na kami sa bagong bahay namin.

Hindi ko talaga alam pero pag dating kay Ky ang rupok ko.

Ilang oras ang lumipas ay tumigil kami sa isang malaking gate, agad akong namangha, kahit nasa labas palang ay kita kita na ang kagandahan nito.

Pinagbuksan ako ni Ky na hindi ko na ikinabigla pa. Binuksan ni Ky ang gate at sumalubong sa akin ang isang babae na nasa bente mga anyos. Agad napataas ang kilay ko ng makitang nginitian nito ng matamis si Ky at ang gago naman ngumiti din pabalik. Kabit ata o kaya baka jowa talagang tangina ng Kyro na iyan.

Kumukulo ang dugo ko. Maganda pa naman ng babae, mula sa mata na kulay kayumanggi at sa matangos na ilong ay nagsisigaw ang ganda niya. Ang mga balat ay tila nyebe dahil sa kaputian at ang katawan niya ay hapit na hapit sa suot niyang pencil dress.

"Fari this is Selena my girlfriend and this is my twins Jace and Jacel" sa isang description ay tila natunaw ang puso ko.

"Selena this is my uhmm friend? I guess Fari Leondel" friend tsk. Madalas pa naman ngayon ang mga girl bestfriend ng mga lalaki ang mga nagiging kabit.

"Siya yung gumawa ng design ng bahay na to" sambit niya.

"Sml?" bulong ko ngunit mukhang narinig ni Ky yun dahil napalingon siya sa akin atsaka ngumisi problema neto?








NAIGTAD ako nang tumunog ang cellphone ko, oras pa naman ng trabaho. Sinagot ko ito at ang nanginginig na boses ni Kyreiz ang bumungad.

["Ate huhuhuhu sina Kuya"] humihikbi niyang sambit na nakapag dagdag ng kaba sa akin.

"Bakit? Anong nangyare?"
[Naaksidente sila"] parang bumagal ang tibok ng puso ko.

"Nasaan na sila ngayon?" nagmamadaling sambit ko habang tumatakbo patungo sa office ni Aino.

[I tetext ko nalang ang address ate, magpahatid ka nalang kay Kuya Aino]

Saktong pagdating ko ay ang pagbukas ng pintuan niya.

"Nabalitaan ko ang nangyare, tara" ang bilis naman ata ng balita. Kahit nagtataka ko ay sumunod pa din ako sa kaniya.

Nagtaka ako ng tumigil kami sa isang restaurant katabi ng hospital.

"Bumaba ka"

"May parking lot naman sa hospital diba?"

"Oo sinong nagsabing sa hospital ang punta natin" may kinuha siya sa bulsa niya na panyo.

"Talikod" kahit nagtataka ay sumunod ako, piniringan niya ako at hinila.

Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman naguguluhan ako sa nangyayari.

"Hoy diba na hospital sila Ky?" Hindi siya sumagot.
Ilang minuto pa ay tinanggal niya na ang piring ko. Kinusot kusot ko ang mata ko. Hindi ako maka paniwala sa nakikita ko. Ang mga anak ko, mga pinsan ni Ky, sina Tita, si papa at lalong Lalo na sina Kylo at Kyro na hindi ko na matukoy kung sino sa kanila si Ky dahil sa mukha, sa damit sa buhok ay magka pareho. Nakaluhod silang pareho habang may hawak na sing sing.

"Anong ibig sabihin nito?"

"I know I'm not perfect, may mga kasalanan ako sayo na pinagsisihan ko na ginawa ko. I love to rush things. Alam kong ilang buwan palang simula nung naging tayo ulit but Selena Chavez will you marry me?"
Sabay nilang sambit, inlove na din si Kylo sa akin?.

Hindi ko naintindihan ang nangyayari peri isa lang ang sigurado ang saya ko.

"So who among them ang papakasalan mo? Sa tingin mo sino sa kanila si Kyro? Kung hindi mo alam ako nalang piliin mo" sabad ni Aino sabay tawa ampucha panira ng moment.

Sinuri ko ng maigi ang mga mukha nila at napa ngiti ako ng makilala kung sino sa kanila si Ky.

Tumakbo ako sa direksyon ni Kylo at niyakap siya, nakita kong nagsalubong ang mga kilay ni Ky.

"Sorry Kylo pero dun kana kay Antonett mo" tumawa ako at tumungo kay Kyro ang lalaking mahal ko.

"Of course Ky i will marry, you're my boyfriend at all. I love you as much as I love to kill you"

"Hmm? should I punish you?"

Hinampas ko ang balikat niya.

"Kidding"

It is very important to know who you are. To make decisions. To show who you are.

It's also important to love yourself first before someone else. Forgiving someone is the way to have a wonderful start.

He's my Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now