Chapter 10

1.6K 50 5
                                    

"Hindi moko bibigyan babe"nalukot ang mukha ko ng sabihin iyon ni Eanah. Idagdag mo pa ang masamang tingin na ipinukol niya sa akin.

Kyro just shrugged, dapat lang yun sa kaniya maka babe babe hmpp.

Ilang minuto pa ang lumipas ay bumalik na si Manang Clara dala ang mga tuwalya. Nalaman ko ang pangalan niya dahil tinanong ko si Ky sabi niya si Manang Clara daw ang care taker sa bahay na ito kasama ang anak nitong babae.

"Ijo mabuti pat magbihis na kayo at ipag titimpla ko kayo ng kape" tumango naman si Ky at hinila ako. Ngunit ang kapal talaga ng mukha ni Eanah at sumunod pa talaga sa amin.

"Where are you going?" Malamig na sambit ni Ky habang nakatingin kay Eanah.

Ngumiti naman si Eanah sa kaniya na parang hindi na apektuhan.

"Magbibihis din, makikihi-"hindi natapos ni Eanah ang sasabihin ng biglang nagsalita si Ky.

"May damit doon ang anak ni manang sa kaniya ka manghiram sabihin mo nalang kay Manang" hinila uli ako ni Ky. Bakit ba ang hilig manghila nito?

Tatlong kwarto ang nadaanan namin bago kami makarating sa pinaka dulo na sa tingin ko ay kwarto ni Ky.

Pagbukas palang ay naamoy ko na ang naturang amoy niya na tila naka kapit sa mga gamit niya. Malinis ang kanyang kwarto at walang kalat maaliwalas tignan.

"I'll just find a shirt, you can take a bath in my bathroom feel free" tinuro niya ang pintuan na nasa gilid lang ng kama niya seriously?. Ang lapit talaga magka dikit na yung kama at pintuan. Agad kong hinubad ang damit ko ng makitang walang nakalagay na CCTV mahirap na.    

Pinaki alaman ko ang shampoo niya at sabon pati na din yung extra toothbrush niya feel free naman daw.

"Ky!!tapos nako maligo pahiram damit!" Ilang beses na akong nag sisigaw pero wala pa ding Ky ang sumagot kaya napag pasyahan kong lumabas nalang kahit naka tapis lang ng tuwalya.

Naka earphone pala ang gago  habang naka upo sa kama.

Nilapitan ko siya at binatukan napa lingon naman siya sa akin at laglag ang panga. Pinasadahan niya ng tingin ang buo kong katawan at napalunok.

"Tapos kana?"sarkastikong saad ko pagtapos niyang mag iwas tingin.

Wala siyang sinabi at inabot lang sa akin ang isang black shirt at boxer shorts, wala na naman akong bra taena.

Pumasok na ulit ako sa banyo at nag bihis, nakakahiya kasi bumabakat na naman utong ko gague.

Pinasadahan niya ako ng tingin at tumango mag isa. Parang tanga.

Sumunod ako sa kaniya, mabuti nalang at maluwag yung shirt.

Pagkababa ko ay nakita kong naka bihis na sila Gaia. Nakabusangot ang mukha ni Eanah dahil yung suot nila ay daster pfttt.

Umupo ako sa upuan katabi ni Ky sa gitna nila nung anak ata ni Aling Carla.

Isa isa kaming binigyan ni Manang Carla ng basong may laman na gatas at pandesal.

"Pasensya na yan lang ang maihahanda ko sa inyo hindi ko kasi inaasahan na pupunta kayo dito. Magluluto muna ako nang pang hapunan niyo saglit.Ito pala ang anak kong si Maxine sige magluluto muna ako" nagpaalam si Manang Carla habang tumango nalang kami at nag patuloy sa pagkain.

"Hi po sa inyo" nahihiyang sambit niya.

Ngumiti naman ako "hello ilang taon kana Maxine?can I call you Max?".Tumango siya at nagsalita.
"12 years old po" nagpatuloy na siya sa pagkain kaya nagpatuloy na din ako.

Binasag ni Eanah ang nakakabinging katahimikan.

"Ky can I also borrow some shirt to you? I'm not comfortable with this dress Kasi I can't even call it dress since it's like trash" sabay kaming napa irap tatlo ni Gaia at ni Max.

"Someone will be angry"sagot ni Ky.Sinong magagalit jowa niya? May jowa na pala nakikipag landi pa tapos pinahiram pako ng shirt.

Natawa lang si Ky ng makita ang mukha ko, what's funny.

Natahimik si Eanah habang masamang tingin lang ang ipinukol ko kay Ky walanghiya..

He's my Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now