Chapter 27

1.1K 36 4
                                    

Nang makarating kami sa hospital ay labis na kaba ang nararamdaman ko simpleng pagkahilo at pagsusuka lamang ito ngunit pakiramdam koy mamatay na ako. Nung nakaraang linggo bali balitang may namatay na binatilyo dahil sa labis na pag gamit ng cellphone nakaranas umano ito ng pagsusuka at pagka hilo.

Hindi naman ako madalas mag gumamit ng phone pero kinakabahan pa din ako. Tinanong ng doctor kung ano ang nararamdaman ko at saka nag sa gawa ng test nakaupo kami ngayon sa upuan sa canteen dahil hinihintay pa namin ang resulta.

"Na sabi mo ba kay Kyro na nag pa check up ka?" biglang tanong ni tita kaya agad akong umiling.

"Busy po kasi siya madalang nalang kaming mag usap at saka bka mg alala pa siya sa akin, kailangan niyang mag focus sa pag aaral niya" litanya ko.

"Ni rerespeto ko ang desisyon mo pero mas mabuting sabihin mo sa kaniya ang mga importanteng mga bagay na kailangan niyang malaman kung meron man" tumango lang ako sa kaniyang tugon.

Napatingin ako sa relo ko at nakitang 11 am na kaya inaya ko na silang pumunta sa opisina ng doktora.

"Ayon sa mga test wala ka namang sakit at normal na sintomas lamang iyon nang pagbubuntis" agad nalaglag ang panga ko sa kaniyang tinuran at bumagsak ang balikat nakita iyon ni Tita na maliwanag ang mukha dahil sa inanunsyl ng doctor pero umiling lang ako.

Lumabas kami hospital habang lutang ako naririnig kong nag uusap sina Tita at Gaia pero hindi pumapasok sa utak ko kung ano ang pinag uusapan nila.

Nakasunod lamang ako sa kanila habang paulit ulit na rumi rehistro sa utak ko ang sinabi ng doctor buntis ako pero nanlulumo ako. Ang taas pa ng pangarap ko, nag aaral pa ako pati na si Ky. Siguradong pagagalitan ako ni mama pag nalaman niyang nabuntis na ako habang nag aaral at hindi pa naka graduate sa kolehiyo. Hindi ko din alam kung paano sasabihin kay Ky, sasabihin ko nga ba?

Sa sitwasyon ngayon hindi ko alam ang gagawin ko, malamang kapag sinabi ko ito kay Ky pipilitin niyang mag aral nalang siya dito at hindi na sa US o ang mas malala pa baka mas piliin niyang tumigil nalang sa pag aaral, kilala ko si Ky ganun na ganun ang gagawin niya.

SA NAGDAAN na araw mas lalong nanlumo si Selena dahil nagpadala ng pera ang mama niya para sa tuition niya at allowance niya. Umiiyak siya gabi gabi tinitimbang kung ano ang dapat niyang gawin. Hindi na din siya nakakapasok sa eskwelahan dahil palagi siyang puyat at tinatamad bumangon.

Palagi siyang pina aalahanan ni Gaia na wag niyang I pa abort ang bata dahil isang beses sinubukan niyang magpakamatay dahil gusto niyang mawala ang bata ngunit ng makita niya ang dugo saka lang siya natauhan at dinala ang sarili sa may pinaka malapit na hospital.

Labis ang pag alala nila Gaia lalo na ang pamilya ni Kyro ngunit pilit nalang nila iniintindi ang sitwasyon ni Selena. Gusto nilang sabihin ang tungkol sa pag bubuntis ni Selena kay Kyro pero wala silang karapatan kaya nananahimik nalang sila.

Pinag masdan nila ang ngayo'y naka tulalang si Selena habang nakaupo sa duyan na tila malalim ang iniisip. Ilang minuto pa ang lumipas ay napag pasyahan ni Kylo na puntahan ito at kausapin.

"Selena alam kong naguguluhan ka pa din kung ano ang dapat mong gawin ngunit kailangan mong alagaan ang sarili mo dahil may bata diyaan sa sinapupunan mo" marahang sambit ni Kylo. Ngunit tinignan lang siya ng walang emosyon na si Selena.

"Mas mabuti kung sa bahay ka namin tumira para maalagaan ka namin dahil ayaw mo namang sabihin kay Kyro ang pagbubuntis mo" inaakala ni Kylo na wala siyang makukuhang sagot mula kay Selena pero laking gulat niya nang nagsalita ito.

"Ipapa alam ko muna ang pagbubuntis ko kay mama bago ako lilipat sa inyo" aniya atsaka tumayo papalayo sa kaniya.

A/N
Hi!!! Thank you for reading 😙 Happy 450+ reads po yehey!

He's my Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now