Chapter One

388 28 3
                                    

FIXED THE BROKEN SOUL

CHAPTER 1

LEXELLA POV

Matapos kung  mag agahan ay tinungo ko na ang building kung saan ako nagtatrabaho, Nagpark muna ako bago tuluyang pumasok sa mataas na gusali na nasa harap ko ngayon. Ngumiti ako sa mga ilang empleyadong nakakasalubong ko na halos lahat naman ay kasundo ko. Pumasok ako sa elevator at pinindot ang 10th floor kung nasaan ang office ko. Ngumiti ako Kay Albert na secretary ng boss ko na nakangiti rin sakin.

" Hi, Good morning,"  Nakangiti nitong sambit sa akin, Albert is a good looking man kaya hindi rin nakapagtataka na marami ang nahuhumaling dito na kapwa namin katrabaho.

" Good morning din, wala paba si Mr. Galvez?" Sambit ko sa kanya.  " May ipapasa kasi akong document," Sambit ko sa pa kanya.

" Wala pa pero maya maya lang nandito na si Boss," Tumango nalang ako at nagpaalam para pumunta sa office at simulan ang naghihintay sa aking trabaho.

Marami rami ang ginawa kong trabaho dahil naka leave ang isa sa mga nasa financial department, manganganak na kasi ito ngayong buwan kaya kailangan na munang magleave.

Humawak ako sa batok ko at bahagyang humikab at sumandal sa  swilvechair ko at inuunat ang dalawang kamay ganun din ang mga binti kong medyo ngalay na kakaupo at  ang pang upo kong namamanhid narin.

Muli namang sumagi sa isip ko ang lalaki kagabi na iniuwi ko sa bahay na hindi ko man lang nakilala kahit dulo ng pangalan. Napanguso ako ng maalalang ni hindi man lang ako nito pinansin at nilampasan lang na para bang wala akong ginawang mabuti sa kanya. Hindi ba uso ang salitang 'thank you' sa lalaking yun.

Naalala ko rin tuloy ang paglalasing nito at pagbanggit ng pangalan ng babae ng ilang ulit.  Heartbroken, Wasak ang puso kaya siguro masungit at wala sa mood para pumansin pa ng tao.

Inilipat ko nalang ang atensyon ko sa ibang report na hindi ko pa tapos. Bakit koba kasi  iniisip pa ang lalaking yun? Hindi ko naman siya kilala.

Tiningnan ko ang pambisig kong relo ng makaramdam ako ng gutom at napabuntong hininga dahil hindi ko namalayan ang oras. Ala una nang hapon at hindi pa ako kumakain.

Isa isa kong niligpit ang mga papel na natapos ko at nakangiwi ko namang binalingan ng tingin ang mga naghihintay saking trabaho, kinuha ko ang wallet ko bago lumabas at tinungo ang cafeteria.


Alam kong medyo madilim na kahit pa hindi ko tingnan ang labas dahil mag aala sais na. Hindi pa ako umuuwi dahil may isa pa akong tinatapos at ayaw kong matambakan kaya talaga namang ginagawa kona ngayon palang kasi paniguradong mayroon na naman panibago bukas.

Iilan nalang din ang empleyado natitira sa loob kaya nagdesisyon na akong  lumabas , nakasabay kopa si Mila na taga ibang department.

" Pauwi kana rin?" Sambit nito habang sabay kaming naglalakad palabas.

" Oo, Ikaw ?" Ani ko naman habang kinakapa ang susi ng kotse ko sa loob ng dala dala

" Oo, Inaantay ko lang iyong boyfriend ko kasi Slusunduin niya ko, "Sambit niya, tumango tango nalang ako bago nagpaalam at naglakad papunta sa pinagparkingan ko.

Nagtake out nalang ako mula sa Mcdo at sa bahay kumain. Ginawa ko ang skin care routine ko at natulog.

Dahil sabado ngayon at wala naman akong pasok sa opisina ay pumunta ako ng grocery para bumili ng stock kasi paubos na ang mga stock na biniki ko nung nakaraan.

Paborito ko ang mga gulay kaya nauna akong magpunta sa vegetables section.

Pumunta rin ako sa mga gamit sa banyo.

Habang palabas ng mall ay naagaw ang pansin ko ng isang lalaking nakasandal sa itim na kotse habang nakasuot ang dalawang kamay sa bulsa ng suot nitong jeans.

Pamilyar ang tindig at aura nito sakin hanggang sa unti unti kong maalala kung saan ko nga ba nakita ang lalaki.

Siya ang lalaking yun sa bar na dinala ko sa condo ko dahil sa pag aalalang mapahamak ito.

"Ma'am, namamalimos po," Natigil lang ako sa pag iisip nang may batang babaeng tumambad sa harap ko.

Ngumiti ako at iniabot dito isang libong piso.

Nanlaki naman ang mata ng bata sa gulat. " Ang laki po nito ma'am, salamat po makakabili na ako ng gamot ni nanay," Mangiyak ngiyak pang sambit nito kaya napangiti ako.

"Sige na, umuwi kana at baka iniintay kana ng nanay mo," Tumango ito at nagtatakbo na.

At nang  muli kong tingnan ang kinaroroonan ng lalaki kanina ay Wala na ito.

Inalagay kona lang sa compartment ng kotse ang mga pinamili ko.

NANG pumasok ako sa opisina ay usap  usapan na ang pagpapalit ng CEO. Ayon kasi kay Mr. Galvez ay itetake over na nang nag iisa nyang anak na lalaki ang posisyon at  simula ngayong araw ay siya na ang bagong CEO. Tudo handa ang lahat para bigyan ng magandang pagbati ang anak ni Mr. Galvez. Hindi kopa ito nakikita o ni ang pangalan nito ay hindi ko alam. Wala naman kasi akong oras para isipin pa ang bagay na yun noon.

Dahil marami pang trabaho ay pinabalik muna kami sa kanya kanyang trabaho dahil unang ipapakilala sa mga board of director ang papalit na CEO. Hiling ko nalang sana ay mabait ito at katulad ni Mr. Galvez.

" Ella, Nakita monaba yung bagong CEO? Yung anak ni Mr. Galvez? Shitt,  Ang gwapoo!  Makalaglag panty," Nagtitiling sambit ni Lorena .

" Hoy manahimik ka nga dyan, mamaya marinig ka panun,"  Saway ko kasi parang gusto pang ipagsigawan ang nais nyang sabihin.

" Kasi naman Ella, napaka hot. Parang Greek God lang, Hulog ata ng langit,"  Ngumiwi nalang ako at nagpatuloy sa trabaho.

" Magtrabaho kana lang Lorena, baka nakakalimutan mong ako ang financial manager at nasa department kita . Mamaya kana nga tumili riyan," Saad ko at kinuha ang mga papeles at dinala saaking lamesa.

Nakanguso itong bumalik sa cubicle nya.

Nang matapos ko ang report ko ay dumiretso ako sa 15th floor kung nasaan ang office ni Mr. Galvez.

Naabutan ko si Albert na saktong lumabas ng opisina.

" Nandyan ba si Mr. Galvez ?"  I asked him.

" Yes,  Tuloy ka," Iginiya niya ako papasok.

Unti unti kong pinihit ang doorknob at tuluyan nang pumasok. Naabutan kong wala si Mr. Galvez sa lamesa nya kaya inilibot ko ang paningin ko sa loob.

Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa lalaking pretenteng nakaupo sa sofa habang nakataas ang kilay sakin.

" Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Dire diretsong tanong ko sa lalaking nakaupongayon sa sofa . Ito yung lalaking nasa bar. Anong ginagawa nya dito?

" Oh, Ms. Laxamana. You already know each other ?"Nagulat pako ng biglang sumulpot si Mr.  Galvez sa tabihan ko.

" No sir, I don't know him," Aniya ko na ikinatawa ng matanda.

" Well, this is David Galvez, My son "  Doon tuluyang nanlaki ang mga mata ko , Kung gaanon sya pala ang bago naming CEO, ang bago kong boss.

Nahihiya akong yumuko.

" David this is Lexella Laxamana,  The financial manager, " Aniya pa ni Mr. Galvez sa lalaking mariing nakatitig sakin ngayon.

Maya maya lang ay nagsalita si David o should i say boss David.

" So its you, the woman who take me to her home, " Walang kagatong gatong na saad nito .

END OF CHAPTER 1

Thanks for reading

Vote and  Share

Follow me on Fb : Sandara Writes

Fixed the broken heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon