Chapter Eleven

132 7 3
                                    

LEXELLA POV

Pagod na naupo ako sa harap ng desk ko matapos kung asikasuhin ang mga ilang papeles kanina. Medyo dumami kasi ang trabaho ko ngayong araw kasi wala si David, may pinuntahan siya bussiness trip ngayon sa States para sa bago nilang gagawing project kaya halos lahat ng naiwan niya ay ako ang gumawa dahil mayroon din namang nakatuka sa iba.

"Ella, uminom ka muna ng tubig," Ipinatong ni Lorena ang baso sa ibabaw ng lamesa ko.

"Salamat," Aniya ko bago sumandal ulit sa upuan.

Ibinaba ko ang baso sa lamesa ko matapos kung uminom at humarap kay Lorena, " Salamat ulit Lorena, nag abala kapa," Aniya ko dahil alam ko namang may ginagawa rin ito pero heto at dinalhan pa ako ng tubig.

"Ano kaba? Tubig lang yan at saka baka madehydrate kana dahil kanina kapa dito sa loob, ang init pa mandin ng panahon ngayon kahit naka AC na tayo,Jusko! " Bahagya nitong inayus ang mga bagsak na buhok at muling tumingin sakin.

"Bakit kasi ikaw ang gumagawa niyan lahat? Hindi ba sinabi naman ni Sir David na hatiin iyan at ibigay sa kabilang department ang iba, hindi muna sakop yung iba niyan eh, dapat yung gawain lang ni sir ang ginawa mo wag na yung ibang papers." Naiinis kasi ito sa iba naming katrabaho na hindi ginawa ang ibang task para sa kanila kaya ako ang tumatapos ng iba.

" Ayus lang, kaya ko pa naman ito at saka patapos narin lahat," Aniya ko sa kanya kaya wala siyang nagawa kundi ang tumango nalang at nagpaalam na babalik na siya sa cubicle niya.

Ala- una nang hapon na ako bumaba para kumain ng lunch, tinungo ko ang pinakamalapit na restaurant sa building at doon ko piniling kumain.

Hindi ko maiwasang matakam habang isa-isang tinitingnan ang menu at nakangiting humarap sa waiter na nag iintay sa order ko.
I am at the Italian Restaurant.

" 1 order of Pasta carbonara , Pork braciola and Lasagna, "

" It's that all ma'am?"

" Yes, " I nod.

Lumipas ang kinagabihan pero walang tawag ang dumating mula kay David, naiintindihan ko naman na busy siya kaya hindi ko iyon inisip dahil alam kong maya maya lang ay tatawag din siya.

Alas sais nang umaga ng magpasiya akong pumasok na sa trabaho, hindi na muna ako nag abalang kumain kaya naisipan kung dumaan nalang sa starbucks.

Dala dala ang pinamili ko sa starbucks ay dire diretso na akong pumasok at tumuloy sa opisina.

May inip at pangungulila akong naramdaman ng tingnan ko ang opisina ni David, tatlong araw ng wala ito mula ng umalis ito patungong ibang bansa. Hindi ko maitatangging miss kona ang binata.

Saktong tapos na ako sa gawain ko ng magring ang cellphone ko. Bigla naman akong nakaramdam ng kasiyahan at pag kaexcite ng makitang si David ang tumatawag. Dali dali ko itong sinagot at may ngiti sa labing nagsalita. "Hello," Saad ko at narinig kona ang baritonong boses ng lalaking kahapon kopa gusto sanang makausap at makita. "Hi baby, how are you? I miss you," Napangiti naman ako ng marinig ko ang boses nito mula sa kabilang linya.

"Okay naman ako, ikaw kamusta ka? Namiss din kita, David," Malambing kong saad.

"Fuck baby! I really miss you, i miss your voice too, gusto ko na tuloy umuwi agad dyan," Aniya nito na para bang nahihirapan pa.

"Hindi kapa ba tapos dyan? May kailangan kapang ayusin?" tanong ko

"Yes baby, i will be here for one week kaya subrang mamimiss kita, promise, kapag tapos nako dito, sayo ako unang uuwi," aniya pa nito na may malungkot na boses.

"Ano kaba David, okay lang yun basta mag iingat ka dyan, at umuwi ka para sakin ha,"

"Yes baby, i can't wait to see you anymore, fuck this meeting! I'll hang up this baby, our meeting is ready to start, I love you," napangiti naman ako ng marinig ko ang katagang yun.

"I love you too, David" sagot ko dito bago binaba ang tawag.

Dalawang araw pa ang hihintayin ko bago makitang muli ang binata pero may ngiti sa aking mga labi, kasi kahit malayo ito, ramdam ko ang pagmamahal nito para sa akin. Araw araw ba naman ako nitong pinapadalhan ng bulaklak ang tsokolate magmula ng magkausap kami sa telepono nung nakaraang araw. Nung sabihin ko sa kanyang hindi naman kailangan ay sinabi niyang gusto niya raw gawin, pangbawi daw kasi wala siya sa tabi ko.

"Ella, pinabibigay ulit nung delivery boy sa ibaba, lunch mo daw galing kay sir, ayieee, sana all," kantyaw pa nito ng iabot sakin ang box.

"Alam mobang lahat ng babae ngayon dito ay inggit na inggit sayo, lahat sila nangangarap ng maging ikaw, as if naman magiging kamukha mo sila," natawa naman ako.

"Ano kaba Lorena, baka marinig ka nila," saway ko dito.

"Pero infairness, ang sweet ni sir ano? Diko alam may ganitong side pala yun, palagi kasing nakataas ang kilay tuwing nakikita ko," saad nito

"Ganoon lang talaga yun, pero mabait si David, responsable siyang boss sa kanyang mga tauhan kaya nga hindi siya nahirapang kunin ang loob ng mga empleyado dito kahit bago palang siya," tumango tango

"Dagdag points nalang yung kagwapuhan ni sir," humagikhik pa ito kaya napailing iling nalang ako.

Ginabi akong umuwi kasi inaya ako ni Lorenang kumain sa labas kasama ang kaoffice namin, kinulit pa ako ng mga itong magkwento tungkol sa amin ni David, kung paano daw ba ako niligawan ng binata. Lahat sila interesado sa kwento ko pero nanatili lang akong tahimik at tumawa, wala tuloy silang nagawa kundi sumimangot, alas otso nang magpasya akong umuwi, umuwi narin sila Lorena samantalang ako ay nag book ng taxi.

Matapos kung bumaba sa taxi ay kinapa ko sa bag ko ang susi ng condo ko at agad ko naman iyong nakita. Nagtaka ako ng makitang bukas ang ilaw ng condo ko, sa pagkakaalam ko naman ay pinatay ko iyon bago ako umalis kaninang umaga. Nagtuloy tuloy ako at binuksan ang pinto, nakaamoy naman ako ng mabangong aroma na nanggagaling sa kusina ko. Nakaramdam akonng kaba, sino naman kaya ang papasok sa condo ko? At nagluluto pa ha! Kinuha ko ang baseball bat na nakatabi sa may gilid ng hagdan na sinadya kong ilagay doon dati pa man kasi nga baka may manloob sakin at ngayon ay parang magagamit kona. Kinakabahan man ay dahan dahan kong tinungo ang kusina, handa na sana akong atakehin kung sino man ang poncio pilatong naroon ng bigla itong magsalita.

"You're here baby, I miss you," doon ko na nabitawan ang hawak kong baseball bat, nakahinga na rin ako ng maluwag kasi hindi pala magnanakaw, per paano siyang nakapasok dito ganung wala naman siyang susi.

"Paano ka nakapasok?" Naitanong ko nalang. "I have my ways baby," lumapit ito sa akin at bigla akong sinunggaban ng halik sa labi na ikinagulat ko, naramdaman ko naman ang marahang paggalaw ng labi nito sakin na tila ba iginigiya akong sabayan siya. Ikinapit ko ang mga braso ko sa leeg ng binata at dinama ang bawat halik nito, ramdam mo doon ang pagkasabik, sa bawat pagsagpong ng aming mga labi.

Hinihingal akong humiwalay sa kanya. "Kanina kapa ba dito?" Tanong ko. "I arrived exactly 6pm, dumiresto agad ako dito, i prepared a dinner for you," He smiled at me na nakapagpatibok ng puso ko lalo para sa kanya

"Kumain kana?" tila lumungkot ang boses nito. Mabilis naman akong umiling. "Kaunti lang kinain ko, busog parin ako, tara kain tayo," hinawakan ko ang kamay nito at hinila papasok sa dining area.

Habang kumakain kami ay kinumusta ko ito. "How was your day? Akala ko ay sa isang araw kapa, Is there anything happen?" Hindi agad ito sumagot. "Nothing happen baby, I'll just finished what i need to do and go back because i  miss you," malamlam ang mga mata nitong sabi, hindi ko maiwasang kiligin at ngumiti.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 19, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fixed the broken heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon