Chapter Two

316 28 3
                                    

FIXED THE BROKEN SOUL

CHAPTER 2

LEXELLA POV

Hindi ko alam pero kinakabahan ako habang kaharap ko sya kasabay pa ng banggitin nya ang pagdala ko sa kanya sa Condo ko.

" Ah, kasi ano , Ka". Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang umalis nanaman ito tulad ng una. Uso talaga sa kanya ang magwalk out. Lumabas sya sa silid at ako ay naiwang laglag ang panga. Walang modo , hindi man lang ako pinatapos.

Wala akong nagawa kundi ang bumalik sa trabaho ko pero ang isip ko ay okupado ng lalaking yun. Umuusok ang ilong ko habang madiing nagtatype sa harap ng computer.

" Oh Ella, Anong problema mo ? Bakit parang may galit ka dyan sa keyboard ". Si Lorena isa sa mga nasa financial Department.

" Wala, Gutom lang ". Sagot ko.

Matapos kung magawa ang report ay lumabas ako para kumain . Nakasalubong ko pa Si Mr. Galvez kaya bahagya akong yumuko.

" Good day Sir!". Bati ko sa dating CEO ng kompanya.

" Good day din Ms. Laxamana, Btw may hihingin sana akong favor sayo . Ang anak ko kasing si David ay may bussiness trip sa Palawan , gusto ko sanang ikaw ang sumama sa kanya ". Gulat akong nakatingin.

" Ho? Si Albert po? Diba secretary nya yun ?".

" Ah, isasama ko kasi si Albert sa Singapore this week kaya wala pang secretary si David. Alam kong mabait ka at mapagkakatiwalaan kaya sayo ako humihingi ng pabor. Sana pumayag ka hija. ". Mabait si Mr. Galvez na boss . Hindi ito nangmamaliit at pantay pantay ang trato sa kanila.

" Sige po, pumapayag na po ako ". Biglang nagliwanag ang mukha ng matanda.,

" Thank you so much hija. This week narin yun. Friday ".

Bukod sa hindi sya kumportable sa lalaki ay ayaw pa nya itong makasama pero naka oo na sya kay Mr. Galvez at nakakahiyang bawiin iyon. Bakit ba naman kasi tinulungan nya pa yun at inuwi sa condo nya. Dapat sana ay tumawag nalang sya ng bouncer hindi ko tuloy maiwasang magsisi.

Tapos ang lalaki pang yun ay masyadong masungit, may pakiramdam din syang hindi ito mabait at halata naman sa aura nito.

Biglang pumasok sa isip nya ang pinagdadaanan nito. Naalala nyang bigo nga pala ito sa pag ibig. Hindi ko man detalyadong alam ang nangyari ay alam kong mahal na mahal nito ang babae kaya naman siguro labis syang naapektuhan.

Nagayak na sya kinagabihan. Napagdesisyonan ko ring maging mabait at piliting magkaroon ng mahabang pasenya kay David dahil sa pinagdadaanan nya.

Sinundo ako ng driver ni Mr. Galvez papunta sa airport kung saan kami sasakay patungong palawan.

" This way ma'am". Iginiya ako ng staff patungong loob.

Habang nakaupo ay hindi ko maiwasang hanapin ng aking mga mata ang lalaking sasamahan ko ngayon. Bakit nga ba wala iyon pero ang gamit ay nandito.

Maya maya lang ay tinawag na ang pasahero pero si David wala parin , para tuloy gusto ko nang umatras nalang.

" Enjoy your trip Ma'am , Sir". Ani sa kanya ng isang flight attendant. Nangunot ang noo nya ng may Sir sa sinabi nito. Bigla akong lumingon at halos kapusin ng hininga ng nasa likod ko lang si David at malapit na malapit sakin. Akala ko wala ito sa likod ko. Hindi ko man lang naramdaman.

Tahimik lang kaming nakaupo. Pakiramdam ko nakakapos ako ng hininga at tila nanigas na sa kinauupuan. Magkatabi kami at sya ang nasa tabi ng bintana. Bakit ba ang lakas ng epekto ng presensya nito sakin?. Kahit na wala panaman syang ginagawa.

Tanghali kami nakarating sa Palawan at inasikaso ng mga staff .

May dumating na babaeng staff at kinausap si David.

" Sir. Your room is the Master suit pero iisa napo yung available kaya kasama nyo po roon ang kasama nyo. Pasenya napo pero fully book na kasi ". Nakaawang ang bibig ko .

Kami magkasama sa iisang kwarto? Hindi pwede! Ayoko!

" Ay Miss wala na ba talagang available kahit maliit lang. Okay lang sakin". Ani ko .

" Sorry po Ma'am pero wala napo eh , pasensya na . ". Bagsak ang balikat kong yumuko.

" Ito po ang Key Card nyo ". Inabot yun ni David na walang reaksyon at sumunod sa staff dala dala ang bagahe nya. At ako hindi man lang tinulungan ng walang hiya. Hindi man nagprotesta na sa iisang silid lang kami.

'Wala na ngang available na kwarto diba. ' sabi ng isang bahagi ng isip ko.

Malawak at malaki ang silid at halatang pang mayaman. May sarili itong kusina at balcony para rin isang bahay pero iisa ang kwarto.

Master bedroom ang kama sa palagay ko kasya ang isang buong pamilya.

Sinilip ko si David na inilagay ang gamit sa isang gilid at walang sabi sabing lumabas at umalis ng silid.

Iniayos ko ang gamit ko .

Gabi na pero wala parin si David. Kumain nako't lahat lahat ay wala parin ang lalaki.
Hindi ako mapakali at nag aalala habang nakaupo sa kama. Saan naman kaya nagsuot ang lalaking yun?

Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto ng suit kaya mabilis akong lumabas para tingnan yun. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang makitang si David iyong pumasok at lasing na lasing. Napasinghap ako ng muntik na itong matumba kaya mabilis kong inalalayan. Dinala ko ito sa kwarto at inihiga.

Pumunta ako sa kusina at kumuha ng plangganang may tubig at isang puting panyo. Dahan dahan kong hinubad ang suot nyang T shirt at pinunasan ng maligamgam na tubig ang kanyang braso.
Hinalungkat ko rin ang mga gamit nya ang kumuha ng puting T shirt at pinalitan sya. Pahirapan pa dahil napakabigat nya .

Matamang nakatitig ako sa kanya ngayon habang sya ay mahimbing ang tulog. Kung kapag gising ay mukha syang laging mangangain ng tao dahil sa seryusong aura ngayon namang tulog sya para syang anghel na ibinaba mula sa langit. Mula sa magandang mga mata, pilik at matangos na ilong at perpektong panga ay hindi maipagkakaila ay magandang mukha nito.

MAAGA akong nagising kinabukasan at naisip kong magluto nalang dahil namimiss ko ang ibang putahe. May pagkain naman mamaya pero iba kasi kapag sariling luto.

Inuna ko ang nilagang baboy , mabuti nalang kumpleto ang laman ng refregerator dito.

Habang nakatingin sa niluluto ko ay hindi nakalampas sa pakiramdam ko ang tinging lumalampas sakin ngayon. Bigla akong nakaramdam ng pagkailang at kahit hindi ako lumingon ay kilala ko ang may ari ng presenyang ito.

Maingat kong inihanda ang pagkain sa lamesa at may ngiti sa labing bumaling sa lalaking nakatayo malapit sa pinto patungong dining area.

" Ummm, Good morming Sir, Kain po kayo dito". Iginiya ko ang pagkain sa lamesa .

Wala itong imik na tinungo ang lamesa at naupo sa harap nito. Nakamasid lang ako kung paano sya kumuha ng kanin at ulam at dahan dahan ngumuya. Medyo nagulat pako ng nagtaas ito ng tingin sakin.

At lalo akong nagulat ng magsalita ito at ayain akong kumain kasabay sya.

" Hey! Eat with me ".

PaVOTE AND PACOMMENT DIN GUYS

thanks for reading

Fixed the broken heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon