Chapter ten

216 10 4
                                    

LEXELLA POV

Masaya ako at parang tangang kinikilig habang naliligo sa ilalim nang shower, Hindi ko nga alam kung ilang oras na ako dito dahil kanina kopa inaalala ang nangyari kagabi. Kung paano niya ako tinanong at kung paano ko siya sinagot ng 'oo' katunayan na girlfriend niya na ako. Para tuloy akong teenager dahil sa totoo lang ngayon ko lang ito naramdaman.

Pagkatapos ng party kagabi ay inihatid niya ako pauwi, at ngayong Araw na magsisimula yung relasyon namin , actually kagabi pa talaga kaya lang mas kinikilig ako ngayon.

Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos din ako at nagbihis para pumasok, siguradong tutuksuhin ako ng mga kasama, parang bigla akong nakaramdam ng hiya.

Nagsuot ako ng puting t-shirt at high waisted na pants para itock in ko t- shirt ko.

Tingnan ko ang pambisig kung relo at ng makita ko ang oras ay dali dali na akong bumaba dahil malalate na ako at hindi ko inaasahang madadatnan ko sa labas ng condo ko si David. Nakatayo lamang siya roon habang diretsong nakatingin sakin ngunit bakas ang saya sa mga mata nito.

Dahan dahan akong Naglakad papalapit sa kanya.

" Kanina kapa?Dapat tinawagan mo ako, Hindi ka sana nag intay dito," Sambit ko habang pinagbubuksan siya.

"I'm just arrived," Aniya bago pumasok

Matapos siyang pumasok ay inakit ko siya papasok para kumain kahit wala naman akong niluto.

"Maupo ka muna ipaghahanda kita," Umiling naman siya at hinatak ako papalapit sa kanya kaya naman magkadikit na magkadikit na kami.

"No need, sa labas nalang tayo kumain, magluluto kapa kapag dito tayo kumain , alam kong wala kapang niluto," Ngumuso ako , pano niya nalaman.

"Pano mo nalaman?" Nagkibt balikat lang siya at hinawakan ang kamay ko at hinila na ako palabas ng condo ko.

" Hindi kaya malate na tayo nyan, sa malapit nalang tayo kumain ha," Naramdaman ko ang pagpisil niya sa palad ko.

"It's okay, " Aniya at pinagbuksan ako ng pintuan ng front seat at ng makapasok na ako saka lang siya umikot sa driver seat.

Nagulat pa ako nang bigla siyang lumapit sakin kaya halos maglapat na Yung mukha naming dalawa biglang siyang nagbaba ng tingin at kinabit ang seatbelt ko.

Nakahinga naman ako ng maluwag nung bumalik na siya sa pwesto nya at kinabit na din niya ang seatbelt niya.

" Are you nervous?" Agad akong Umiling .

"Ha? Hindi, bakit naman," Tanggi ko at inilipat ang paningin sa labas ng bintana ng kotse .

"Your heart is beating so fast," Aniya habang Nakangiti.

"Sadya yun, ganun talaga yun," Tatawag tawa tuloy Siya kaya lalo akong napanguso.

"You don't need to deny it, it's okay" Aniya at hinawakan ang kamay ko bago ipatong sa ibabaw ng dibdib niya.

"Feel my heartbeats for you," habang nakapatong ang kamay ko sa dibdib niya ay ramdam na ramdam ko ang lakas ng pintig ng puso niya.

"My heart is also beating so fast because of you, because you are here beside me, are we the same?" Nahihiya akong tumango.

"I'm happy to know that," He smiled at me.

Hindi rin nagtagal ay nakarating kami sa kompanya niya at tulad nga ng inaasahan ko ay dinagsa kami ng mga tao sa loob nun, kanya kanya silang Tanong sakin nang makapasok kaya Wala akong nagawa kundi sagutin lahat ng yun, tungkol kung saan at kung paano daw ba nanglihaw si David sakin , kaya pala daw iba ang turing at tinginan sakin ni David kapag nasa loob kami ng kompanya. Hindi ko alam na napapansin pala nila yun.

Fixed the broken heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon