Chapter Three

286 26 4
                                    

LEXELLA POV

Hindi ko inasahang aayain nya kung sumabay sa kanyang kumain , sabagay baka naisip nyang ako naman ang nagluto kaya dapat talagang ayain nya ko. Wala parin naman kaming imikan kanina at tahimik lang na kumain.

Marahan Kong sinuklay ang lampas balikat kung buhok habang nakaharap sa salamin. May meeting kasi si David ngayong hapon kaya kasama ako.

Tiningnan ko ang pambisig Kong relo at nakitang alas tres na. 3:30 kasi ng hapon ang punta namin sa baba dahil NASA isang restaurant ang kikitain namin.

Bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok dun si David na nakaformal attire na.

" Are you done?" Tanong nito sa walang emosyong mukha. Tumango tango ako .

" Let's go" . Kinuha ko ang purse ko at sumunod sa kanya palabas.

Nauuna lang sya sakin ng kunti at ako naman ay nasa likod nya .

Habang sakay ng elevator ay subrang lakas ng pintig ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Siguro ay dahil hindi ako sanay na nasa tabi ko lang sya.

Pumasok kami sa isang mamahaling restaurant , Iginiya nya ko at pinaghila ng bangko .

" Thank you!" . Ani ko at naupo.

Umupo din sya sa tabi ko, maya Maya lang ay dumating ang isang hindi katandaang lalaki kasama ang wari koy secretary nito na nasa edad na kuwarenta. Isang babaeng nakapugong ang buhok na may striktong mukha na akala moy terror professor.

Tumayo si David ganun din ako.

" Nice to meet you, Mr. Teangco" . Pormal na bati ni David sa matanda.

" Nice to meet you too, Mr. Galvez " .

" This is Lexella Laxamana, our financial manager " . Pakilala sakin ni David. Ngumiti ako sa matanda.

" Nice to meet you po". Bahagya akong yumuko.

" Nice to meet you rin ,Hija".

Nagsimula na silang mag usap habang ako ay nakikinig lang at kumakain. Pinag uusapan nila ang produktong ilalabas ng Galvez Company at magiging supplier ito ng kompanya ni Mr. Teangco.

" I give you the contract tommorow morning " .Ani ni David na ikinatango ng matanda.

" Thanks to you , Mr. Galvez BTW, I have to go ". Tumango lang kami at pinanood silang umalis.

Nagtataka ako ng muli syang naupo .

" Hindi paba tayo aalis sir?" . I asked him.

" Nope, Let's eat. Alam kong hindi ka nakakain ng maayos kanina dahil kaharap natin sila. ". Nagtawag ulit sya ng crew at umorder ng pagkain habang ako ay muling umupo.

Tulad ng sinabi nya ay kumain ulit kami kaya naman busog na busog ako.

Nang bumalik kami sa suit ay muli syang aalis kaya naman natanong ako.

" Aalis ka?".

Lumingon sya at humarap sakin

" Yeah! Dyan lang sa baba ".

Kinagat ko ang labi ko at kinapalan ang mukha.

" Hmm, Pwedeng sumama?" . Nakangiti pero kinakabahan Kong tanong.

" Yeah, Let's go!" . Mabilis akong sumunod sa lalaki at sumama.

Tulad ng inaasahan ko ay sa bar nga ito pumunta . Maingay,mausok at Amoy alak ang paligid. Hindi naman ito lingid sa kaalaman ko dahil paminsan minsan din naman akong pumupunta sa ganitong lugar. Lalo kapag stress.

Fixed the broken heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon