CHAPTER 4: Battle between the rivals

4 1 0
                                    


Nang makapasok sina Aixel at Shannara sa isa pang boxing area, natagpuan nila si Nexile na busy sa kakasuntok sa punching bag.

Dahil nandoon na rin naman si Nexile, hiningi na ni Aixel ang tulong nito. Nang marinig ang rason sa likod ng laban ng dalawa, kaagad na um-oo ang lalaki.

"Stand up!" Malakas na bulyaw ni Nexile sa nakaluhod ng si Shannara.

"You can't win against Aix with your performance right now. You might end up being his slave for good."

Ayaw ni Shannara sa idea na magiging alipin siya, dahil hindi naman siya ipinanganak para maging alipin ng kung sino man. Pero alam niya rin sa sarili niya na mahihirapan siyang talunin basta-basta ang isang Clifford Aix Luciano.

Sayang kasi ang offer niya e.

May kung ano mang emosyon ang nagpapabaga sa lakas ng dalaga ngayon; kaya nagawa nitong tumayo mula sa pagkakaluhod. 

May kung kung anong tumutulak kay Shannara para mapabagsak at matalo sa duwelong ito si Aix.

"Laban ulit, ate Shannara!"

Tumunog na ulit ang bell. Without any hesitation, mabilis na mabilis na tumakbo si Shannara papunta kay Nexile. Hindi pa nga nakakaporma si Nexile ay tinamaan na siya nang malakas na suntok sa sikmura na nagpayuko sa kanya; napa-atras pa nga ang binata sa sobrang lakas.

Lumaki ang mata ni Aixel dahil sa nasaksihan. Si Nexile naman ay patuloy lang sa pagmumura; lahat na marahil ng mura ay nabigkas niya.

"Sorry, Nexileee!" anito at akmang lalapit kay Nexile, pero tumayo ito na para bang walang nangyari -- pero halata sa mukha nito ang iniindang sakit.

"H-ho-how?? F-fuck! How did you figure out how to pu-punch that fu-fucking ha-hard!?" kapos sa hiningang sabi nito.

"M-my parents," tumango lang si Nexile.

Sobra na ang bugbog ko sa katawan dahil sa pagta-trabaho at dahil na rin kay Clifford Aix Luciano. I won't let Nexile Luciano beat the shit out of me anymore.

Mula nun, hindi na binaba ni Shannara ang depensa niya. Habang patuloy sa pag atake si Nexile sa kanya, busy naman ito sa pag depensa at pagsalba sa sarili laban sa malalakas na suntok ng kalaban niya.


When Shannara found his blank spot, she punched Nexile's jaw with so much power. Tumilapon palayo si Nexile at nang mag angat ng tingin, tumulo ang dugo sa ilong nito.

"Woahhhhhh!!!!! Kalma ate Shannara!" Kaagad na pigil ni Aixel nang makitang susugurin sana muli ni Shannara ang bumagsak na palang katawan ng lalaki.

"Ohhh my goshhh! Nexilee!" Natatarantang lumapit si Shannara kay Nexile na may dugo sa labi at ilong at tulog na tulog.

"Tumawag ka ng doctor, dali!!" Kaagad naman na tumakbo si Aixel palabas.

Using his full speed, tinakbo ni Aixel ang pagitan ng ring at clinic para magtawag ng doktor.

Ilang minuto nga lang ang makalipas, nakapagdala na si Aixel ng doktor. Dahil tumakbo rin ang doktor papunta sa kinaroroonan ni Nexile, dumating itong hinihingal at pagod.

"W-what ha-happened?" Malalim ang bawat paghinga nito na para bang nasuffocate siya at ngayon lang nakahinga.

Agad na chineck ng doctor ang pulse and breathing ng lalaki.

"He is fine. Dalhin na lang natin siya sa clinic para makapag-pahinga," sabi ng doctor matapos ma check.

Tinawagan ni Aixel si Suneval na agad namang dumating, nagulat pa ito nang makitang nakabulagta sa sahig si Nexile.

WINTER SOLSTICE [COMPLETED BUT UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon