CHAPTER 6: The pain of his past

1 0 0
                                    

Nakanganga sina Shannara at Aixel habang nakatingin kay Aix. Seryoso ang buong pagkatao nito habang nakatingin sa dalawa.

Nang makabawi, kaagad na tumayo si Aixel at nginitian ang kuya Aix niya – ngiting humihingi ng despensa. 

"Kuya," nakangiting tawag niya rito sabay tago ng mga chocolates.

"Bakit mo dala-dala ang mga pagkain na 'yan?"

"A-ahm, a-ano. Ano kasi, kakain kami ni ate Shannaraaa! Hindi ba ate?" tinignan niya naman si Shannara ng go-with-the-flow-look, buti na lang at nakuha nito.

"O-oo..."

"Liars. I hate liars. Kumakain sa ganyang posisyon?"

Agad na lumapit si Aix sa ilalim ng higaan at inilabas ang nakatagong pagkain. Sabay namang napatampal sa noo sina Shannara at Aixel.

"Pagsisinungaling sa akin at pagnanakaw ng pagkain huh? At dinamay mo pa talaga ang kapatid ko, Shannara!!" galit na galit na sigaw nito sa dalaga.

"Kuya, ate Shannara did not ask me to do this. I did it on my own. Don't be mad at her, please."

"You're calling her ate? Are you insane?! I am your one and only sibling, Cliff Aixel Luciano. Saka isa pa, I am not talking to you, so shut up.  Isang salita mo pa at ako mismo ang magpapataw ng kaparusahan sa ginagawa mo!"

Dahil sa galit, nasigawan ni Aix ang kawawang si Aixel na ngayon ay malungkot na malungkot na.

"Shannara."

"Hmm?"

"Anong hmm hmm? Sumagot ka nang maayos."

"Ano 'yun?"

"Explain everything. Lahat ng detalye ay sabihin mo, at kung bakit umabot sa punto na nadamay ang kapatid ko rito."

As if naman hindi siya aware sa ginawa ng papa niya sa akin.

"As you already know, naparusahan ako. Inutusan ko rin si Aixel na tulungan akong magnakaw ng pagkain."

Sabay na napatingin sa kanya ang dalawa. Galit na galit si Aix sa kanya; kung nakakamatay lang ang tingin, nakahandusay na sana siya ngayon.

"That's it," sabi ni Aix at walang ano-ano'y hinatak si Shannara palabas. Mabilis namang hinarangan ni Aixel ang kuya niya.

"Please, kuya. No, please. Papatayin siya ng Alpha kapag nalaman niya ang ginawa ni ate Shannara. Please, no."

Ang boses ni Aixel na puno ng pagmamakaawa ay nagpahinto kay Aix mula sa paghila kay Shannara.

"Why are you doing this Aixel?" hindi makapaniwalang tanong ni Aix sa kapatid niya.

"She is my ate."

"You could have chosen someone else! Nandyan naman sina Hareth, Jupieralte, saka Sramlle ah!"

"Bakit hindi, kuya? Mabait naman si ate Shannara."

She even lied earlier just to save me! Hindi niya naman talaga ako inutusan e!

"Have you forgotten Alessandra?" nagbaba ng tingin si Aixel.

Alessandra is one of the darkest secrets of the Luciano mafia.

"Of course, kahit kailan ay hindi ko siya makakalimutan," sarkastikong tumawa si Aixel.

Si Shannara na nakikinig sa dalawa ay nacurious dahil sa pangalang binanggit. Mas lalo siyang nilamon ng kuryusidad nang makita ang matinding lungkot na bumalandra sa mga mata at mukha ng dalawa.

WINTER SOLSTICE [COMPLETED BUT UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon