Umagang-umaga ay nakabusangot na si Shannara; halik ni Aix ba naman ang unang pumasok sa isip niya.
Nakakairita! Gusto kitang patayin, Aix! Nakakainisss kaaaa!
Hindi niya matanggap na ang isang katulad nito ang magiging first kiss niya, malayong-malayo sa inaasahan niyang lalaki na makakatuluyan.
Pagkabukas ni Shannara ng pinto ay bumungad sa kanya si manang Espanya.
"O-ohh manang. Ano ho iyon?"
"Ayos ka lang ba, Shannara?"
Tumango naman si Shannara kahit hindi siya okay.
Mag-umagahan tayo ng kasinungalingan at sama ng loob.
Nagulat ang dalaga nang bigla itong yakapin ng nakakatandang babae.
"A-ano hong ginagawa niyo?"
"Alam kong nagsisinungaling ka, kaya yayakapin na lang kita kesa magtanong pa. Alam ko rin naman na hindi mo sasabihin."
Nanigas sa kinatatayuan niya si Shannara. Si Espanya kasi ang pangalawang babae na yumakap sa kanya nang gano'n, bukod sa kanyang ina.
"Ilang araw na rin ako rito manang, pero hindi ko po alam ang apilyido mo. Puwede ko po bang malaman?" Bahagyang natawa ang matanda saka pinat ang ulo niya nang bahagya.
"Genovese. Espanya Genovese," nakangiting tugon nito.
"Genovese? Bakit parang hindi pamilyar ang apilyido mo rito sa Norte?"
"Dahil wala akong asawa, at namatay na ang mga magulang ko."
"Eh mga kamag-anak po? Ilang taon ka na po ba rito manang?"
"Matagal na ako rito, Shannara, mga limang taon siguro?"
"Bakit ka po napunta rito?"
''Dahil kailangan. Wala na akong mapupuntahan kaya rito na lang ako nagsisilbi."
"Bakit hindi niyo ho sinubukan sa iba?"
"Saang iba naman? Kanino?"
"Sa mga taga Timog?" mahinang tanong nito na parang nag-iingat para hindi maka offend. Tumawa lang ang babae.
"Tinakwil ako ng Timog. Sabi ng mga tauhan ng Camorra mafia wala raw akong silbi sa kanila." Nakangiti pa rin ito sa kabila ng kinekwento.
"Kung gano'n ay isang pagkakamali ang ginawa nila," sabi ni Shannara, napatango lang si Espanya.
"Aalis na muna ako," ani Espanya.
Uupo sana si Shannara sa higaan niya nang may biglang magbukas ng pinto; pumasok si Clifford Aix.
"Young master," magalang na bati ng dalaga. Pero sa totoo niyan, gusto niya agad undayan ng saksak si Aix.
"Sumama ka sa akin."
"Saan po?"
"Maglaban na tayo."
Nabigla si Shannara sa winika nito, akala kasi niya ay nakalimot na ito.
Tutuloy pa ba ako?
"Mababaliw na ata ako," bulong nito sabay iling-iling.
"What's your answer?"
Para sa pagkain, taraaaa!!!
"Laban."
![](https://img.wattpad.com/cover/262672719-288-k52124.jpg)
BINABASA MO ANG
WINTER SOLSTICE [COMPLETED BUT UNDER EDITING]
ActionFrom the northern part, here comes the Luciano clan, and from the southern part, here comes the Camorra clan. Assassins versus assassins. Blood versus blood. Lives versus lives. Shannara is a lady with a mission. Aix, a man ready to take his revenge...