LAURA'S POV
"Maraming salamat, Maam Laura. Thank you for this opportunity, hinding-hindi ka magsisisi na tinanggap mo ako dito, Maam," nakangiting sambit sa akin ni Mary Ann. Baguhan pa lang ay alam ko namang malaki rin nag potential niya na maging isang professional designer ng bansa.
"Walang anuman, Mary Ann. You deserve it," nakangiting tugon ko naman sa kaniya.
"So, congratulations!" dugtong ko habang masayang nakatingin sa kaniya. Nakita ko ang pagngiti niya.
"Congratulations!" Napalingon kaming dalawa nang dumating ang may-ari na si Beatrice.
"Mars!" Nakipagbeso ako sa kaniya bago ako muling umupo at humarap sa laptop ko.
"Maam Laura, may meeting kayo with Mr. Alcantara ng nine A.M," napalingon ako sa muling nagsalita sa akin.
"Ah, Rc, pag dumating si Mr. Alcantara, papuntahin mo agad sa room 2A, thank you," sabi ko sa kaniya. Sumunod naman siya.
"Mars, maiwan na ko na kayo. May meeting pa ko kay Mr. Alcantara eh," sabi ko pa bago itiniklop ang laptop.
"Oh sure, Mars! May chika ako sayo mamaya!" nakangiting sabi niya. Napangiti na lang ako.
"Ikaw talaga!" sabi ko pa bago lumabas ng conference room.
Dumiretso ako sa office at nag-ayos ng kaunti. Palabas na sana ako ng biglang tumawag si Liam sa akin.
"Mahal?" bungad ko sa kaniya.
"Mal, magkita tayo mamaya. Nami-miss na kita," sabi niya pa. Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Oh sure, mal. Kaso mauuna na ko, may meeting pa kasi ako," sabi ko sa kaniya.
"Sige, Mal," sabi niya pa.
"I love–" Hindi ko pa tapos ang sasabihin ko ng patayin niya ang tawag.
Agad akong napatingin sa orasan. Nakita kong malapit na mag alas-nuebe. Kaya naman kinuha ko na ang gamit ko at lumabas ng office .
*****"Congratulation, Maam Laura! Malapit na magtagumpay ang Tala! Ang saya naman!" masayang sambit ni Rheza.
"Oo nga! Soon, Makakapag invest rin tayo out of the country!" dugtong naman ni Addy. Napangiti naman ako sa sinabi nila.
Hindi ko inaasahan na ang maliit na business namin ay unti-unting lumalago.
"Napakagaling mo talaga, Mars! Mabuti nalang talaga at co-partner kita dito sa business ko. Kung wala, siguro matagal na tong nawala," naiiyak na sambit naman ni Bea sa akin.
"Ano ba kayo, syempre kasama kayo rito. Lahat tayo nagsumikap na mapalago ito. Hindi ko rin magagawa to ng wala kayo," nakangiting sabi ko sa kanila.
"Aww! Ang sweet naman ni Maam Laura!" Umarte pa na nagpupunas ng luha si RC.
"Kaya natin to! Never give up!" nakangiting sabi ko sa kanilang lahat.
"Never give up!" ulit nila ng mas malakas na boses.
Ang saya ko, kasi unti-unti ay nakikita ko na ang lahat ng paghihirap ko. May mapupunthan na ang lahat ng pinagpaguran ko.
"Maam Laura, may bisita po kayo..." Napalingon naman ako sa nagsalita. Ang secretary ko na si RC.
Agad akong lumabas nang sabihin niya iyon. Huminga pa ako ng malalim bago pumasok sa loob ng office.
"Laura!"
"Miss Nguyen!" masayang bati ko sa kaniya. Isa siya sa pinakamayamang kliyente namin.
"Napadaan kayo, Miss Jen?" nakangiting tanong ko .
"I'm here for something important, Hija. Hindi na ako nag-set ng appointment sayo dahil hindi na ako magtatagal," nakangiting sabi niya.
"Oho, ano iyon, Miss Jen?" tanong ko sa kaniya. Kinakabahan ako sa sasabihin niya.
"My son's turning to thirty, I want you to that," sabi niya pa.
"Seriously, Maam?" kinakabahang tanong ko sa kaniya.
"Yes, it is okay to you?' tanong niya muli sa akin.
"Yes maam! Yes na yes. I cant expect this proposal, Maam. Thank you for the opportunity!" sabi ko sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin. Niyap niya ko bago muling nagsalita.
"Paano? Mauuna na ako, Laura. Ise-send ko na rin ang invitation niyo for his birthday party. Sana makarating ka, aasahan kita," sabi niya pa
"Yes, Maam! I will!" nakangiting sambit ko sa knaiya at muling ngumiti bago siya lumabas ng office ko.
"Yes!" Nasabi ko ng wala sa oras. Mukhang sunod-sunod ang swerte ng company namin.
Maya-maya muling nag-ring ang cellphone ko. Agad ko namang sinagot iyon.
"Mahal?" excited na sambit ko.
"Mal, where are you? Can we meet?" tanong niya sa akin. Kaya naman napataas ang kilay ko.
"S-sure..."
Bakit meet pa? Hindi ba pwedeng sunduin niya ako rito? Hindi naman siguro hassle for him dahil may kotse siya.
Excited pa naman akong ibalita sa kaniya ang lahat ng achievements ng talaga ngayon. Tapos ganito lang pala.
Natapos ang pag-ayos ko ng gamit bago ako nagpasyang umuwi na. Kikitain ko pa si Liam sa coffee shop. Coffee date? Hindi naman siya mahilig sa coffee date dahil daw baduy iyon.
Tapos bigla na lang magbabago ang isip niya? Anong nakain niya at inaya niya kong magkape?
Iwinalang bahala ko na lang iyon. Baka hinihintay n ko ni Liam. Ayoko naman siyang paghintayin ng matagal.
Ilang oras lang nakarating ako sa coffee shop na sinabi niya. Muli kong inilibot ang paningin ko. Konti lang naman ang tao. Pero bakit di ko makita si Liam rito?
Hindi ko alam pero nagpasya ang paa ko na lumakad papuntang parking lot. Inisa-isa ko ang mga kotse. Titignan ko kung andito ba ang kotse niya. Napangiti ako ng makita ko ang kotse niya.
Kaya naman minabuti kong pumunta na lang. Susurpresahin ko na lang siya siguro. Nakangiti ako habang pinagmamasdan oo ang kotse niya.
Pero imbes na siya ang masurpresa, natigilan ako sa nakita ko. Hindi agad ako nakagalaw.
I saw him, kissing a girl. Naghahalikan sila sa pinto ng kotse habang nakasandal ang isang pamilyar na babae. Kaya naman hindi ko alam ang gagawin. Para bang huminto ang mundo ko ng makita ko silang naghahalikan.
Anong ibig sabihin nito?
Sa sobrang gulat ko, napatakbo ako ng wala sa oras. Ni isang salita hindi ako umimik. Itinago ko ang pag-iyak ko sa loob ng kotse ko. Sobrang sakit. At damang-dama ko iyon.
Habang natulo ang luha nag-ring naman ang cellphone ko at nakita ko na si Liam ang natawag sa akin. Hindi ko iyon sinagot hinayaan ko lang na mag-ring. Sobrang sakit!
Kailan niya pa ko niloloko? Kailan pa siya nambabae? At bakit sa dami ng babae, siya pa? Bakit ako? Bakit ako ang naisip niyang lokohin?
Hinayaan kong ilabas ang sakit na nararamdaman ko. Isinandal ko ang ulo sa manubela at doon umiyak nang umiyak.
BINABASA MO ANG
THE SECOND WIFE (COMPLETED)
RomanceDisente, matalino at mapagmahal. Gagawin ang lahat para sa taong minamahal. Iyan si Laura. Ang babaeng umibig sa lalaking hiwalay sa asawa at may fifteen years na tanda sa kaniya. Bukod sa hiwalay sa asawa, may tatlo itong anak, na siya ang sinisisi...